C16

104 5 0
                                    

Belle's Pov

Nilakad namin hanggang makarating kami sa dining room.

"Oh halina kayo dito at sabay-sabay na tayo kumain." umupo na kami ni myles, magkatabi kami. Malaki-laki din table nila, mga 12 na katao din pwedeng kumasya dito. Nasa gitna si tito, nasa right si Barron at nasa left kami ni Myles.

"kumusta bonding niyo ni Belle, Myles?" tito.

"Masaya po papa. Nag enjoy akong nakasama si ate belle, madami kaming similarities. Gustong-gusto ko siya maging ate." tapos lumingon siya kay Barron. Tinignan naman ni Barron ng masama si Myles. Buti hindi nakahalata si tito..

"pagpasensyahan mo na yung anak ko Belle dapat kasi nagpapahinga ka na pagkatapos ng mga pinagawa ko sayo."

"Ok lang po tito. Nag enjoy naman po akong nakasama si Myles." Nagngitian nalang kami ni Myles.

"Wow parang ang close niyo na agad, bumalik ka anytime dito Belle, you're always welcome here." natuwa si Myles

"Thank you po tito." nagsmile na lang si tito.

"Ok, Let's eat."

Ang sarap ng mga inihanda nilang pagkain, araw-araw kaya silang ganoon? Nagkwento si Myles kay tito ng mga ginawa namin, Ang Daldall niya po pero ang cute. Si Barron naman ang tahimik niya lang kumakain. Minsan sumisingit ako sa kwentuhan nila tito.

Nagtanong si tito..

"Close ba kayo ni Barron sa school?" tanong sa akin. Ano isasagot ko? tumingin ako kay barron pero nakatingin rin lang siya sa akin. Nagsalita si Myles..

"Opo papa, magkaibigan nga sila eh.." tumingin kaming lahat kay Myles.

"Paano mo alam?" tanong ni tito."

"Nasabi po sa akin ni kuya kanina habang naglu-lunch. Diba kuya?" pero halatang nag imbento lang ito.

"Ah O-Oo." nauutal na sabi ni Barron tapos change topic ulit. nakahinga ako doon ah.

Natapos na kaming kumain, nagkwentuhan na lang kami habang nagpapahinga pagkatapos kumain. Pagkatapos ng mga 30 mins. tumayo na kami

"oh Belle, si Barron na ang magsusundo sayo pauwi para sure na makauwi ka ng maayos at ligtas." tito.

"Sige po tito, salamat po. Good bye tito, good byee myles!" niyakap na lang ako ni Myles at nagpaalam din. Nagsmile na lang si tito. Hinanap ko si Barron pero nauna na daw sa kotse. Inihatid ako ni Myles sa labas hanggang makarating kami sa kotse.

"kuya Ingatan mo si a belle, at.. wag mo siya sasaktan" tumawa ng nakakaloko si Myles.

Barron glared pero hindi na lang pinansin ni Myles si barron pero hindi ko na lang pinapansi sinasabi ni Myles mejo magaling din yan mang asar.

"Bye ate" nagwave nalang ako ng kamay sakanya tapos sinara ko na yung pintuan.

Tahimik lang kaming bumabyahe papuntang boarding house. Masyadong tahimik ng bigla siyang nagsalita...

"Ummh. may sasabihin nga pala ako."

"Ano yun?" parang alam ko na sasabihin niya. Kinakabahan ako baka humingi na siya ng tawad pero hindi ko pa alam yung sasabihin ko.

"Ummh. magss--,mags--, masarap ba yung pagkain kanina?" Ngeeee! akala ko MAGSo-sorry na siya, hindi pa pala.

"O-oo" yun na lang sagot ko.

"Ummh. Belle?" ito nanam po siya eh.

"Ano?" mahina kong sabi.

"Mags--(sigh), Magsosorry sana ako sayo nung hin--, alam mo na. Sorry talaga. pinagsisisihan ko na. Sana mapatawad mo na ako." Anong sasabihin ko? patatawarin ko ba siya o hindi? matagal akong hindi sumagot.

"Sige ok lang kung hindi mo ako mapatawad ngayon pero sana balang---" napatigil siya sa sasabihin niya ng nag salita ako.

"Oo pinapatawad na kita." ako

"Talaga!! ai sorry.."napalakas kasi "Salamat Belle promise hindi ko na uulitin."

"Dapat lang kundi sa susunod nahal---" hindi ko natuloy ang sasabin ko ng ,marealize ko yung sasabihin ko kaya.. "sa susunod na gawin mo yun, puputulin ko na yang bibig mo." nagtawanan na lang kaming dalawa.

Nagkwetuhan na lang kami tungkol sa school, about sa instructor, classmate tapos sa mga subject namin. Nagpapatawa din siya, feeling ko ang close close nanamin.

"Ummh belle pwede ba tayong magkaibigan?" nabigla ako sa sasabihin niya. O-oo ba ako? nagtanong na lang ako.

"bakit gusto mo akong kaibigan?

"bakit ayaw mo ba? sige ok lang." nagtampo pa siya kaya sumagot ako agad...

"ui hindi ah. sige friends na tayo." yun na lang nasabi ko dahil hindi ko alam sasabihin. huhu, bahala na.

"promise yan ah friends na tayo." tumingin siya sa akin kaya nagsmile na lang ako.

Nakatingin lang siya sa akin, humarap ako sa dinaraanan ng kotse at napasigaw ako.

"Pusa!" bigla naman siyang nagpreno buti na lang nakaseatbelt kami.

"Ok ka lang ba belle?"

"ok lang ako. buti hindi mo napatay yung pusa. sa susunod mag ingat ka at tumingin ka sa dinaraanan mo. baka next time tao ang masagasaan mo."

"Sorry talaga." kinamot niya likod ng ulo niya tapos I-nistart niya na yung kotse hanggang makarating na kami sa boarding house. Nung makarating na kami nagpaalam na lang kami sa isa't-isa at umalis na siya.

Andaming nangyari ngayong araw at natapos ito na magkaibigan kami :)

WattpadGirl meets WattpadBoy?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon