C12

106 6 0
                                    

Barron's Pov

Mahigit 1 buwan na ang nakalipas ng mangyari ang pangyayaring yun, ang araw na hinalikan ko si belle. Nung nagkatitigan kami nung nasa library kami, duon ko napansin na maganda nga talaga siya, mata, ilong, bibig ay nasakanya na. Gumaganda siya lalo kapag tumatawa at ngumingiti siya. Nung inaasar niya ako na bakla ay hinalikan ko siya dahil nag init ulo ko at ginaya ko lang yung nababasa ko sa wattpad. kwinento ko sa kapatid kong babae ang nangyari at kahit kapatid ko ay pinagalitan ako. Pero ang hindi ko sinabi ay yung may something akong naramdaman nung hinalikan ko siya. Ewan ko ba, baka sa pagkabigla lang yun. Ayaw ko muna i- entertain yun sa utak ko. Naikwe-kwento ko na kasi si belle sa kapatid ko na lagi kaming nag aaway pero inaasar ako ng kapatid ko na siya na ang papalit daw kay bella na ex ko.Paano naman mangyayari yun eh lagi kaming magkaaway at nung sa library lang kami nagkasundo. Pagkatapos nung nangyari ay hindi na kami nagpansinan dahil sa ginawa ko.

Ilang araw din akong hindi nakatulog dahil hindi ako patulugin ng konsensya ko. Ina-attempt ko namang lumapit at magsorry sakanya kaya lang everytime na lumalapit siya sa akin ay patuloy niyang nilalayo ang sarili niya sa akin kaya pinabayaan ko muna siyang hindi ako pansinin.

Sabado ngayon, sabi ni papa na hindi makakarating yung secretary niya kaya yung anak niya yung pinapunta. Hindi kasi kaya ni papa mag isa yun kaya pag nakita daw namin na babae baka siya na yun.

Papunta na ako ng living room para manood ng Anime. Umupo na ako at nag umpisa ng manood.

Maya-maya lang nag salita yung guard namin na nasa likod ko.

"Sir andito na po yung anak ng secretary ng papa niyo, Sige po aalis na ako"

Lumingon ako sa likod...

Yeah. What a small world. Sa dinami rami ng magiging anak ng secretary ni papa siya talaga...

Ito na yung pagkakataon para makapag sorry ako.

Belle's Pov

Papunta na ako bahay ng boss ni mama. binigay ni mama sa akin yung address. Parang may something akong nararam daman sa pagpunta ko doon, ewan ko ba. Bahala na jan.

Maya-maya lang huminto na yung taxi.

"Ma'am dito na po yung address na binigay niyo sa akin."

"Sige salamat po" at binigay ko na yung bayad at bumaba.

Grabe ang laki ng bahay nila, may fountain pa sa harap. Ang yaman nila kaya pla ang laki ng sweldo ni mama dito. Nag doorbell na ako at biglang lumabas yung guard sa guard house.

"Sino po sila?"

"ako po yung anak ng secretary na pinapapunta dito po" binuksan niya yung gate.

"Sige pasok ka" pumasok na ako. habang naglalakad napansi ko garde nila. Grabe ang ganda, ganito yung gusto kong itsura ng Garden.

Nakarating na kami sa loob. may lalaking nanood ng anime, alam ko yan kasi pag may time nanood ako sa online. Favorite ko din yan. Nakaupong nakatalikod yung lalaki.

Nagsalita yung guard.

"Sir andito na po yung anak ng secretary ng papa niyo, Sige po aalis na ako"

lumingon yung lalaking nakaupo sa likod niya kung nasaan ako.

Grabe bakit lagi kaming pinagtatagpo?

hindi ako makapagsalita.

Tumayo siya.

"So ikaw pala yung Anak ng secretary ni papa?"

"Ummh.. ou" mejo may hiyaan pa sa pagsasalita namin.

matagal na walang nagsalita, ang awkward hanggang sa binasag niya na yung katahimikan.

"Ummh. may sasa---" naputol ang sasabihin niya ng may teenager na babae na sumigaw mula sa hagdan.

"Ate belle!"

kilala ko ba to?

WattpadGirl meets WattpadBoy?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon