C32

55 3 0
                                    

Belle’s Pov

Tahimik lang kaming nagbabyahe habang si Barron ang nagdadrive. Wala talagang kibuan, ewan ko ba ngayon eh kasi lagi kaming maingay pag magkasama kami sa school pero ngayon ni isang salita walang makapagsabi baka nagcoconsentrate siya sa pagdradrive.

Pero sa totoo lang kung bakit hindi rin ako makapag salita kasi Ang gwapo-gwapo niya ngayon. (anong connect? -_-) eh basta. Brush up hair, black suit, black polo shirt at grey neck tie. Basta bagay niya, yung tipong mapapatingin lahat ng taong madadaanan niya.

Huminto na yung sasakyan, andito na pala kami sa hotel na pag-gaganapan ng debut ni Alex. Isa itong five star hotel, mapapawow ka na lang pagkakita mo pa lang sa labas. Sobrang yaman pala talaga nila alex.

Bubuksan ko pa lang yung pintuan ng may bumukas nito sa labas, syempre si Barron. Inoffer niya ang kanyang kamay para alalayan ako makalabas. Iniabot ko naman ang aking kamay at lumabas.

“ang Gentleman natin ah.” Biro ko.

“Sulitin mo na, ngayon lang to.” I giggled. Tapos inoffer niya ulit ang kanyang siko at hinawakan ko naman ito at naglakad na paloob ng hotel.

Pagkaloob namin, nakita ko na sila ni Iya at ken. Katulad ko(pagbigyan-_-), maganda at gwapo sila. Lumapit kami sakanila.

“Bes..” sabi ko at napalingon sila sa akin at kay barron.

“Bes ikaw ba yan?!” hanggang dito ba naman para parin siyang taong bundok. Napalingon tuloy sa amin ang mga tao.

“Bes hinaan mo boses mo, nasa hotel tayo wala sa bar.” Pabulong kong sabi.

“hehe sorry. Pero ikaw ba talaga yan?”-iya

“hindi bes, imahinasyon mo lang ‘to.” Sarkastiko kong sabi.

“Ang ganda mo kasi parang ngayon lang rin kita nakitang mag ayos ng ganyan.”-iya

“Maganda ka rin naman eh.” Tapos hinampas niya ako na buntik ko ng ikatumba pero bigla niya akong hinawakan.

“Sorry Bes. Hehe.” Hindi ko na lang pinansin. Ang bigat talaga ng kamay niya.

Nag uusap na pala sila Barron at ken.

“Bes puntahan natin si Alex. Tinext niya kung asan siya.”-iya na sobrang excited.

“Sige-sige.” Excited ko ding sabi.

“Ah ken, barron maiwan lang naming kayo saglit, puntahan namin si Alex.” Ako.

Nagsmile lang sila. Kaya naglakad na kami papunta sa kwarto kung saan inaayusan si Alex.

Alex’s Pov

Ako na lang tao dito sa kwarto kasi tapos na din ako Ayusan. Kinakabahan talaga ako sa mangyayari mamaya. Kasabay ng debut ko ay ang pag announce ng planong pagpapakasal namin ni Vincent. Bakit naman kasi sa dami ng lalaki eh sa lalaking yun pa, that jerk! Diba nkakainis lang?

Habang nag-iisip ako ay may biglang kumatok.

“Pasok.” Ako

Tapos biglang pumasok si Iya at si.. Belle. Ang ganda niya parang ngayon ko lang ito nakitang mag ayos ng ganyan.

“Alex!” Sabay nilang sabi. Paumunta sila sa akin at hinug nila ako.

“Happy birthday!” sabay nilang sabi.

“Thank you! An ganda natin ah.”

“Syempre, ikaw yung pinakamaganda.”- Belle.

Tapos linagay ni Iya an gang kamay sa taas ng ulo tapo inilagay sa aking ulo na parang pinapasa ang korona. Natawa na lang kaming tatlo.

“O bigla kang nag seryoso?” Belle sa akin.

“Kinakabahan kasi ako.”

“wag kang kabahan, baka madulas ka pa eh.”-iya.

“tama.”

“eh kasi—“

Tapos ikwinento ko sa kanila yung plano ng pagpapakasal naming..

“Huwhaaaaat?” yan n lang reaction nilang dalawa.

“ eh di parang engagement party na din ito?”-Iya

“Ganun na nga.” Malungkot kong sabi.

Kinomfort na lang nila ako, di rin nila siguro alam ang sasabihin. Nag beso-beso na lang kami at sinabihan ng Good luck.

“Alex, Smile.”-Iya

“Birthday mo kaya enjoy the night, andito lagi kami.” Belle

Nagsmile na lang ako sakanila at umalis na sila.

Please Vote and Comment

Hindi na lang po ako mag sabi ng day kung kalian ako mag UD kasi hindi rin naman nasusunod.

Basta Abangan niyo na lang next UD, habaan ko next time.

Ito lang kasi nakayanan ko ngayon.

Pakishare na rin po itong story sa mga friends niyo.

Spread the love. haha

WattpadGirl meets WattpadBoy?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon