C11

111 6 1
                                    

Alex's Pov

Umuwii na ako ng maaga kasi mainit tapos nakakita pa ako ng maniak kaya umuwi na ako. Yung maniak kasi na yun laging pinapainit ulo ko. ewan ko ba basta kapag nakikita ko siya sira na agad ang araw ko.

May tutor din ako mamaya. Nung una ayaw ko pero ngayon ayaw ko pa rin. haha. Si mommy kasi pinipilit ako kaya sumunod na lang ako kasi hindi naman ako makikinig. Sabi ni mama gwapo at matalino daw yung anak ng presidente ng kompanya na nag aaral daw sa Montero university din. Nakita ko na kaya siya?

Baka i-arrange marriage din daw kami. Hindi na ako nagsalita kasi alam kong pag yun ang gusto ni mommy yun ang masusunod. Matagal ko ng tanggap yan, na ang mapapang asawa ko ay hindi ko mahal. Well, hindi pa naman sure kaya pwede pa naman sigurong hindi tala matuloy.

Matutulog muna ako dahilmamaya pa naman darating yung magtuturo sa akin. sana hindi tumagal sa akin yung magtututor, baka pagtripan ko pa. haha

Maya-maya may gumising na sa akin.

"ma'am alex gumisin na daw po kayo sabi ng mommy niyo at magbihis kasi andoon na po yung magtututor sainyo."

"bago ka ba dito?"

"Yes ma'am"

"just call me alex. ok?"

"Yes ma'am--" tinignan ko siya ng masama. "Sige mauna na ako alex."  tumalikod na.

Si mama talaga, tss. walang tumatagal kasi sakanya.

Bumaba na ako ng hindi nagbibihis o nag aayos, basta pagkagising ko yun na. Alangan mag paganda pa ako sa bisita, In his dream!

Nung nasa baba na ako pumunta muna ako ng kitchen para kumuha ng maiinom na tubig tapos dumiretso na ko sa living room nakita ko si mommy kausap niya na yung lalaking magtuturo sa akin pero nakatalikod siya. Hindi pa ako napapansin kaya ininom ko muna yung tubig.

"oh anak bat di ka man lang nag ayos o nagbihis? sinabihan ka ba nung yaya natin?"

lumingon sa akin yung lalaki.

at sumunod na ang nangyari ay

nabuga ko yung iniinom ko dahil yung kausap ni mommy at yung magtuturo sa akin

ay si maniak...

Vincent's Pov

Friday na ngayon at may itu-tutor daw ako. Sabi ni mama, anak daw ng BOD kung saan president si mama. Meron daw 60% shares yung BOD na yun kaya my control siya sa company. Kaya possibleng I-arrange marriage kami. Matagal ko ng tangganp ang ganitong arrangement kasi basta mga mayayaman, ganito ang nagiging set-up.

Sabi ni mama, spoiled daw yung anak ng kaibigan ni mama, tapos tamad daw mag-aral kaya mabababa ang grade nito. Maganda daw yung tuturuan ko. haha, sana nga para kahit hindi ko mahal eh, maganda naman pero sana yung makakatuluyan ko yung mahal ko talaga.

Papunta na ako ng bahay nila pero ewan ko ba bigla ko na lang naalala si Assuming girl. Alex ang name niya sabi sa akin ni Barron, classma niya eh. Grabe yung babaeng yun, tuwing magkikita kami lagi kaming nag aaway at nagsisigawan. Sayang maganda pa naman siya pero ang ugali, bagsak na siya. Ayaw niya makinig sa explination ko, eh di wag. Bahala siya sa buhay niya. nagsasawa na din ako makipag away sakanya.

Andito na ako sa binigay na address. Grabe ang ganda ng bahay nila, mansion na may pagkamodern. Napaka elegante tignan sa labas, paano pa kaya sa loob. Mansion din bahay namin pero mas maganda ito tapos mas malaki ito.

Nag doorbell na ako at lumabas na yung guard pero pinapasok na ako agad, pinakita na siguro yung picture ko. ginuide niya ako hanggang sa loob. Nung nakapasok na ako, elegante talaga tignan.

Pinaupo ako hanggang lumabas na Yung kaibigan ni mama. Ang pangalan pala ay Solidad Heussaf, sinabi na sa akin ni mama bago ako pumunta dito. tumayo ako pero pinaupo din. Pinatawag niya na sa maid nila yung anak ni tita. Maganda siya pero mukhang mataray. Nag usap lang kami about sa mga achievements and background ko. kailangan ko daw magpa impress sakanya sabi ni mama. Dumating na anak niya at tuturuan ko.

"oh anak bat di ka man lang nag ayos o nagbihis? sinabihan ka ba nung yaya natin?"

tumingin ako sa likod kung saan nakatingin si Tita Solidad. tita daw itawag ko sakanya.

Napatulala ako kasi si Alex yung nakita ko.

Ibig sabihin siya t-tuturuan ko...

nabuga niya yung iniinom niya dahil katulad ko hindi namin ine-expect.

hindi ko agad alam ang sasabihin ko kasi nakaka hiya naman kung magsisigawan kami ng anak niya pero nagsalita siya.

"Mommy ano ginagawa niya dito?!"

"Siya ang magtututor sayo. Do you know him?"

"Yes! and we're enemies! that Pervert guy!"

"Is that true Vincent?"

"Yes we're enemies but It's not true that I'm Pervert"

"Lier!"

"Ok! whatever it is, just forget it alex because starting now, Vincent will be your tutor."

"No mom! I won't accept it!"

"Whether you like it or not, tuloy pa rin so go up stairs and prepare your things so that vincent can start teaching you."

"Uggggghhhh!" tumaas na siya

Nagsorry na lang si tita solidad sa inarte ni Alex at sinabing pumunta na sa taas para ma umpisahan ko ng turuan.

eh patayan ata ang mangyayari sa amin, good luck na lang sa akin...

Please vote and like:-)

WattpadGirl meets WattpadBoy?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon