Belle's Pov
'Snap' 'Snap'
"Ui belle. hahahaha" minulat ko ang mata ko. Nakita ko si Barron na may nakakalokong tingin.
"Ang dungis mung kumain ng Ice cream. Ito oh.." pinakita niya yung thumb niya na may Ice cream. It means yung dumampi sa labi ko ay yung thumb niya.
oh shit! Nakakahiya, nasobrahan ko na ata ang pagbasa ko ng wattpad at pati yung pagbasa ko kanina ng kissing scene eh naiisip ko hanggang ngayon at sa harap pa ni Barron.
"Belle namumula ka ah." nakangiti pa siyang nakakaloko.
"huh? eh, eh malamig masyado eh"
"mamumula ba pag masyadong malamig? baka akala mo--"
"Kyaaaah!" sumigaw ako kasi nakakahiya sasabihin niya
"Huwag mo na ituloy, hindi ko inisip na hahal--" napahinto ako sa pagsasalita ng marealize ko ang sasabihin ko. Ang laki ng ngiti niya.
"Uggghh. bahala ka nga. Aalis na ako" tumayo na ako pero pinigilan niya ako.
"Ui joke lang Wala akong iniisip na ganoon."
"hmmp. nakakainis ka pero totoo?"
"Oo."
"Okay" bumalik ako sa upuan. Narealize ko sayang yung Ice cream kung aalis na ako. hehe. Sumubo ako ulit ng ice cream.
He Chuckled.
"oh bakit?"
"wala lang cute mo lang kumain ng ice cream" gosh feeling ko namumula ako kaya di ko na lang pinansin at pingpatuloy sa pagsubo ng ice cream.
Tapos na kami kumain ng Ice cream. Dumiretso kami sa timezone. Naglaro lang kami ng arcade games at nagbasketball kami, grabe ang galing niya, syempre varsity player siya ng basketball eh.
"Pagod ka na?"
"Oo eh"
"halika na, alis na tayo, my gusto ka pa bang puntahan?"
"Ummh." nag isip muna ako.
"Ummh pwede ba tayong pumunta sa park?"
"ummh. oo pwede naman. bakit gusto mo pumunta sa park?"
"antagal ko na kasing di nakapunta sa park." pero ang totoo ay may mga mahalagang alaala lang akong gustong balikan.
"Osige. pero bili mina tayo pagkain sa grocery at kainin natin sa park."
"Good Idea. halika na." Pagkain ulit. yumyum.
Pagkatapos namin bumili ng pagkain dumiretso kami sa parking area.
"May dala kang sasakyan?" tanong ko.
"Malamang papunta tayo sa parking area diba?" oo nga noh.
"tss.."
lumakad kami papuntang sasakyan niya hanggang sa huminto kami sa sasakyan niya.
"Motor ang dala mo?!"
"ano ba sa tingin mo? Ito nga diba?" ai pilosopo talaga.
"hindi yun. bakit motor kasi.." nahihiya ako. "First ko lang kasi sumakay ng motor." mahina kong sabi.
"huh? first time mo?!"
"kakasabi lang diba?"
"tss. ito isuot mo." binato niya sa akin yung helmet.
"Sakay na." sumakay na ako at umupo ako ng pagilid.
"huh? bat ganyan? umupo ka ng paharap sa likod ko."
"ayaw ko nga" para kasi yayakapin ko siya nun.
" mahuhulog ka pag ganyan. bahala ka jan baka matigok ka." oo nga nuh. marami pa akong pangarap sa buhay no. bahala na nga. humarap ako sa likod niya.
"mahuhulog ka pag ganyan." tapos nilagay niya yung kamay ko sa tiyan niya na parang yakap ko siya.
"hoy bat mo nilagay kamay ko sa tiyan mo. chumachansing ka no?"
"ang kapal mo, baka kasi mahulog ka. Tapos di yan tiyan, abs yan. gustong-gusto mo naman eh." hinampas ko siya sa balikat.
"hoy ang kapal ng mukha mo. hindi ah. alis na nga tayo ang dami mo pang sinasabi."
"tss gusto mo rin naman." mahina niyang sabi tapos isinuot niya yung helmet at inistart niya yung motor. Hindi ko na pinansin sinabi niya kasi gusto ko din naman. hahaha, grabe abs nga tong nahahawakan ko.
"hoy ang bilis bagalan mo naman."
"kumapit ka lang mabuti para hindi ka mahulog."
"gusto mo lang yakapin kita ng mahigpit eh. kaya pala motor ang dala mo."
"hoy hindi ah, higpitan mo na lang pagkapit, andami mo pang satsat."
kaya hinigpitan ko na lang, ayaw ko pang matigok.
Pagkahigpit ko...
"Ummh B-bele bagalan ko na lang takbo ko." tapos binagalan niya.
"Ummh, P-pwede mo ng luwagan yung pagk-kapit mo sa akin." utal niyang sabi. Linuwagan ko. Problema nito? kanina sabi niya higpitan ko tapos ngayon pinapaluwag niya..
Please vote and comment :-)
Pov naman ni barron sa next.
Nag edit din ako ng mga errors pero hindi lahat kaya pag may nalilito kayong part pwede niyo balikan tapos kung di pa na correct, i-comment niyo lang.
try ko po mag UD tomorrow, hindi sure kasi magreview ako. kung hindi bukas, next week po. Sorry talaga.

BINABASA MO ANG
WattpadGirl meets WattpadBoy?!
Genç KurguPareho silang Single ng pumasok sila ng College dahil sa niloko sila ng kanya kanya nilang karelasyon bago magtapos ng High School. Nang dahil sa wattpad eh mejo nakakalimot sila kasi maybe they believe that reading is the way for them to escape fro...