"hoy babae bilisan mo na! paalis na nga tayo nagbabasa ka pa rin !" sigaw ng bestfriend ko na si Iya. Kung makasigaw tlga abot hanggang kanto.
"Opo Ma'am" ayon tinapos ko na nga pagbabasa ko. Papunta kasi kami ng mall para mamili ng gamit namin para bukas. Yeah! pasukan na nga bukas. College na kami and we're taking up BS accountancy. mataas daw salary pag accountant kaya tinanggap ko na lang. Pero kung ako lang hrm ang ku2nin ko.
Ai sorry hindi pa pala ako nagpapakilala, Isabelle delos santos ang name ko, my friends call me belle. yung makasigaw naman kanina ay si Areeya siapno pero Iya na lang tawag ko sakanya para maikli. pareho kaming 18 y/o at mag aaral kami sa Montero University. May itsura kaming dalawa, 5'6 ang height ko at ang hair ko naman abot hanggang talampakan, lol -_- basta sakto lang para sa age ko.
Andito na kami ngayon sa mall. kasama ni iya si ken yung boyfriend niya. Magkaholding hands sila while walking. kainis naman. nakakainggit sila.
"hoy kayong dalawa, andito ako oh, single, wag naman kau painggit."
"Che! edi humanap ka ng papalit kay ron ng my hhww ka din!" iya
"oo na. hinaan mo na lang boses mo,wala kasi tayo sa palengke, nasa mall tayo"
ang ingay niya talaga pero ang ganda ng boses niya, kung makabirit wagas.
hayyy... naalala ko nanaman tuloy si ron, aaron ang first name niya. 2 years kaming nagtagal, sa 2 years na yun, minahal at pinagkatiwalaan namin ang isa't isa. 4th year high school nangyari ito. pagkatapos ng christmas break noong high school kami, hindi na siya nagpakita. Tinetext ko siya at tinatawagan pero walang response akong natatanggap. Ang balita ay nakabuntis siya, inaway ko mga classmate ko niyan dahil hindi niya yon magagawa. after 1 month nakita ko siya na may kasamang babae sa mall. Yung girl parang busog, pero hindi, buntis to, mga 2 months siguro. So totoo nga...
nagulat si ron nung nakita ko siya. He was about to speak pero inunahan ko na. I slapped his face. "I"ve trusted you ron, but what's this?! pinagpalit mo ako sa isang--" sabay tingin sa babae"--bitch" before i turned around, I slapped the girl's face. pagkatalikod ko, the tears that I've been controlling just dropped through my cheeks and I ran. Isang linggo din ako nagiiyak. mejo nakarecover din ako sa panloloko niya sa tulong ni Iya. dinadamayan niya din ako pag times na naaalala ko si ron.
Isang araw nakita ko nalang si Iya na may binabasa sa phone niya. linapitan ko at nabasa ko wattpad. at doon na nag umpisa ang lahat. na adik ako. tuwing nagbabasa ako ng story ai nakakalimutan ko si ron.
.
.
.
nakauwi na kami sa boarding. tatlo ang bed pero di pa na ooccupy yung isa. pagkauwi ko binabasa ko yung naudlot na pagbabasa ko kanina.
"nanaman, adik ka talaga" iya
"hehe ^_^V" ako
noong i naantok na ako, natulog na ako, kailangan ko din magising ng maaga.
Next day...
Bumangon na kami. kumakanta nanaman siya.
"So before I let you go i want to say I love you" kanta niya.
Nang aasar nanaman siya. "pwede ba" tumahimihk siya. Natakot sa akin baka makalbo ko pa siya. haha. paalis na kami
Montero university.
malawak ito, maganda at makabago ang mga facility. Papunta na ako ng room, magkaiba kami ng block pero magclassmate kami ng dalawang subject.
pumasok na ako sa room ko,mejo tahimik pa kasi nga getting to know each other pa. ang nakaagaw ng pansin ko ai yung lalaki na parang may binabasa. Gwapo siya. matangos ang ilong at maputi, matangkad ata. Nakaupo kasi at side view kaya hindi ko siya maayos na madescribe. may vacant chair sa likod niya, umupo ako duon pero di naman mismong likod niya. Hindi ko pinansin ang binabasa niya. kinuha ko na yung phone ko at nag umpisa na basahin yung hindi ko natapos basahin kahapon, nasa climax na kasi. haha
30 mins. na pero wala pa rin instructor namin, first day pa lang kaya siguro tamad pa. yung lalaki kanina di padin tapos sa pagbabasa. matalino siguro kasi first day palang nag-aadvance reading na. panay din ang tingin sakanya ng mga classmate kong babae.
dahil na curious ako sa binabasa niya tinignan ko ito.
"what the heck" sabi ko sa isip ko.
wattpad to ah.
" b-bakla s-siya??" nauutal na sabi ko sa isip ko.
Please Vote and Comment :)
Pa-read na rin po yung isang story ko. One shot lang po yun. Tignan niyo na lang po sa works ko. Thanks :)
BINABASA MO ANG
WattpadGirl meets WattpadBoy?!
Genç KurguPareho silang Single ng pumasok sila ng College dahil sa niloko sila ng kanya kanya nilang karelasyon bago magtapos ng High School. Nang dahil sa wattpad eh mejo nakakalimot sila kasi maybe they believe that reading is the way for them to escape fro...