20 years ago, si Maroy ang ama ni Daya ay isang matalinong estudyante ng kanilang paaralan ay gustong-gusto ni Diane ang ina ni Daya. Nagkaligawan ang dalawa at hindi ito natanggap ng magulang ni Diane na mula sa may-kayang pamilya dahil mga bata pa sila kaya itinanan ni Maroy si Diane.
Dinala ni Maroy sa kanilang baryo doon sa kanilang kubo para doon manirahan. Hindi sila tinanggap ng magulang ni Maroy dahil baka malaman ang kanilang lihim at delikado si Diane sa lugar na ‘yon dahil lugar ‘yon ng mga aswang.
Nanay: Sira na ba ulo mo Maroy? Nagawa mong magdala ng tao rito!
Tatay: Hindi mo alam ang ginagawa mo! Labag ‘yan sa batas dito, Rep. act. article666 illigal alien!
Maroy: Mommy, Dad, mahal ko si Diane at ayaw kong magkalayo po kami. (nagsusumamo)
Nanay: Nasisiraan na kayo! (tingin ng masama kay Diane) Mga bata pa kayo! Wala ka pang trabaho, anong papakain mo d’yan bituka ng baboy? (binawi ang salita) ay este… adobong baboy?
Tatay: Ni wala ka pang makitang BUHAY para… (siniko ng asawa) ay este pang hanap-buhay!
Diane: (tumayo) Nagmamahalan po kami ni Maroy.
Nanay: Shut up… I’m not talking to you! I think you must to go back to your family!
Maroy: (sumabat) Mommy, maniwala po kayo. (niyakap si Diane)
Diane: Ipinag-katiwala ko na po kasi kay Maroy ang “puso” ko.
Nanlaki ang mga mata at sabay na napatingin kay Diane ang mag-asawa ng marinig ang salitang “puso”.
Tatay: Masarap yan!
Nanay: Favorite ko ‘yan! Appetizers!
Maroy: Mommy, Dad, mali po kayo nang pagkakarinig! Ibig niya pong sabihin ay yung PUSO niya, yung pagmamahal niya!
Nanay: Ay ganoon ba!
Tatay: Ayusin mo kasi Iha!
Makalipas ang dalawang buwan, gumising si Diane para pumunta sa banyo. Hinanap niya ang banyo at nagbakasakaling nasa likod kaya pumunta siya rito, nagulat siya at nangilabot ng makita niya ang likuran nang bahay. Samut-saring buto ng hayop at sa tabi niya ay may malaking kawa na ginagamit na lutuan ng mangkukulam at nang lapitan niya ito ay nakita niya ang mga atay, bituka at may mga gulay pa na pangsahog at sa tabi ay may garapon ng betsin. sa gulat niya ay napa-atras siya patalikod at natabig ang isang garapon, paglingon niya ay nakita niya ang hanay ng garapon na puro laman ng mga ensekto, maliliit na hayop at sa dulo ay may candy. Kumuha ng isa lang.
Biglang lumitaw ang Nanay ni Maroy sa tabi niya at nagulat siya.
Diane: (nagulat) Oh! Nanay naman!
Nanay: (nakakatakot ang titig) Umuwi ka na lang Iha!
Diane: Ano po meron dito? Bakit po may mga witchcraft dito? And bones of animals over there? And you, you look Witch too.
Nanay: itong suot ko? Pinasuot na lang ‘to ni Direk at ‘yang mga ‘yan props lang ‘yan. (nakakatakot at seryoso ang mukha)
Diane: Anong…. Eh bakit parang totoo, at parang napaka-misteryoso ng bahay na ‘to?
Nanay: Eh hindi ka naman pala tanga eh… Lahi kami ng mga aswang! (nakakatakot) Ako ay mangkukulam ang aking asawa ay aswang kaya si Maroy ay hindi tunay na tao.
BINABASA MO ANG
Daya love Dugas (K33P TH3 CH@NG3 vol.2)
Fanfictionsabi ni Daya "kung alam mo lang!" pero sabi naman ni Dugas "kung alam mo lang din!"