chapter 12 "Bakit niyo ba ako kinidnap?"

13 1 0
                                    

        Makalipas ang isang linggo, galing sa isang pasugalan ang kanyang ama. Matapos ang pagkapanalo ng kanyang ama ay nagpainom ito at sa sobrang kalasingan ay hindi niya magawang makapag-lakad ng maayos sa daanan. Mabuti na lang at nakita siya ni Dugas para akayin pauwi sa kanilang bahay.

Dugas: (nahanap ang tatay) Itay, sumandal po kayo sa akin, (nabigatan) ang bigat naman!

Tatay: Oh Dugas, ang bading kong anak! (pasuray-suray) Sa huling pagkakataon bakla ka ba o hindi?

Dugas: Itay naman, Bakla po.

Tatay: (sinisinok-sinok) Ok, sa halagang 100, bakla ka ba o hindi?

Dugas: Itay naman. Huwag naman kayong ganyan sa akin.

Tatay: (nainis) Ayaw mong itanggi... ha... 500 pesos... bakla ka ba o hindi? (suminok)

Dugas: Bakla nga po, hindi niyo ba talaga ako matatanggap?

Tatay: (sumisinok-sinok) sigurado babawi ka rin, (may pinakitangpera)1000 piso.

Dugas: (kinuha ang pera) Itay (nagboses lalaki) lalaki po ako. (bumulong) uto-uto talaga 'tong Tatay ko.

          Maya-maya ay may mga kalalakihang nangtrip sa kanila at talagang gusto silang pagtripan. Walang magawa si Dugas kundi lumaban na mag-isa dahil wala sa uliran ang tatay niya. Takot na takot siya dahil alam niyang mabubogbog lang ang beauty niya. Buti na lang ay dumating si Maui at nagawa silang ipagtanggol, binugbog ni Maui ang mga kalalakihan at ang buong akala ng Tatay ni Dugas ay si Dugas ang lumalaban sa mga ito dahil nanlalabo ang paningin. Pagkadating sa bahay, nawala ang pagkalasing ng Tatay ni Dugas at pagkabalik sa ulira't ay pinuri niya ang anak at simula noon ay natanggap na ng ama niya ang tunay niyang katauhan. Hindi inamin ni Dugas na ibang tao ang nambugbug sa kalalakihan kundi ay ikinuwento pa sa ama na siya ang nambugbog sa mga iyon.

          Makalipas ang isang linggo, rumampa na naman si Dugas sa isang miss guy pagent. Sa pagkakataong ito ay buo na ang pamilya niya na sumusuporta sa kanya kasama sina aling Diane at Daya. Wala si Maui dahil may pasok sa trabaho.

          Habang masayang nanonood ang lahat ay nasa kabilang dulo nila sina agent Cola at Ralph na isa nang vampire. Nakamasid ang dalawa at naghihintay lang ng pagkakataon para makidnap si Daya.

          Ang buong stage ay hindi pa tapos marenovate, may mga parte pa sa itaasan na hindi pa napipinturahan ng kulay berde at may mga kahoy na itsurang pahagdan pa sa tabi na ginagamit ng mga konstraksyon boy sa pagpintura. Sa itaas ng stage ay nakaiwan pa ang mga kagamitan gaya ng lagare, martilyo, pako, paint brush at gallon ng pintura na kulay berde.

        Bago tawagin ng emcee ang mananalo ay nasagi si Dugas sa kanyang kanang braso dahil sa isang nakausling pako sa likod ng stage. Tumulo ang sugat ni Dugas at pinunas-punasan niya ito.

        Tatawagin na ng emcee mula sa back stage ang mananalo ngayong gabi sa pagent na 'to. Tahimik ang lahat, maya-maya ay isinigaw na ng emcee ang pangalan ni Dugas, medyo kalat ang dugo sa braso nito pero kailangang umakyat agad ni Dugas para kunin ang papremyo. Maya-maya ay may isang pusa ang nakasagi sa gallon ng pintura at tumapon sa sahig, tumulo ito sakto sa braso ni Dugas na may dugo. Tuwang-tuwa ang buong pamilya niya at sabay-sabay na nagsisigaw pati si Daya.

Mga kapatid: kapatid namin yan...

Nanay: anak ko 'yan, that's my girl...

Tatay: (galak na galak) That's my girl too...

Daya: I love you Dugas...

Buong pamilya: ANO?

          Napansin ng emcee ang sugat sa braso ni Dugas pero hindi ang pumatak-patak na pintura at nagbiro pa kay Dugas.

Emcee: (may napansin) Aba! maysugat ka sa braso at kulay berde pa, ikaw na, ikaw na ang taong may berde ang dugo. (pabirong sinabi)

          Nang marinig ni agent Cola ang sinabi nang announcer ay ginamit niya agad ang kanyang pang-amoy at tinitigan ang braso ni Dugas ng maigi. Nakita niya na kulay berde ang dugo ni Dugas at naamoy niya na may dugo ng tao sa paligid niya. Sinenyasan niya si Ralph na ang pakay nila ngayon ay dukutin na lang si Dugas at huwag na lang si Daya.

          Matapos ang pagkapanalo ay nagkasiyahan ang lahat sa bahay nila Dugas. Sa labas naman ay naka-abang sina agent Cola at Ralph.

Tatay: I'm so proud of you anak, pinatunayan mong may silbi ka pala sa mundong ito.

Dugas: (nainis) Proud ka ba talaga Itay? O ano lang?

Tatay: Anyway... Tuloy sa kasiyahan...

Daya: Ang galing mo talaga Dugas. (napayakap)

Mga kapatid: (may nahalata) Uy! Kapatid namin 'yan.

Nanay: Ay wala ng yelo, hindi na malamig 'tong juice.

Sinong pwedeng bumili.

Dugas: Nay ako na po ang bibili.

          Sinamahan ni Daya si Dugas sa paglabas ng bahay.

        Habang naglalakad sila ay sumulpot ang dalawang vampire, dinakma si Dugas ni agent Cola At hinarangan naman ni Ralph si Daya. Walang nagawa si Daya dahil wala siyang baong langis.

        Dinala ni agent Cola at Ralph si Dugas sa isang lumang bahay malapit sa sabungan sa probinsya. Itinawag agad ni agent Cola sa kanyang main head quarters na nakakuha na siya ng isang bading na may kulay dugo. Sinabi sa kanya ng main head quarters na pagalingin ang sugat ni Dugas at huwag hayaang masugatan ito ulit para hindi mabawasan ang kanyang dugo. Iniutos ni agent Cola kay Ralp na gamutin ang sugat ni Dugas at bantayan ito. Walang kaalam-alam si Ralph kung bakit biglang si Dugas ang pinakidnap ni agent Cola.

 Agent Cola: Gamutin mo ang sugat niyan agad at huwag hayaang masugatn ng kahit sino, that's an order sa atin.

Ralph: Akala ko ba si Daya ang kikidnapin natin, bakit biglang naging siya. Paki-explain nga!

Agent Cola: Halos 6 na taon na ako rito, meron kasi akong misyon sa bansang ito and its none of your business!

Dugas: (nasa harapan lang ng dalawa) Pwede ba, pakawalan niyo ako rito, bakit niyo ba ako kinidnap... pwede paki explain?

Daya love Dugas (K33P TH3 CH@NG3 vol.2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon