chapter 14 "Sabi ni direk eh"

10 1 0
                                    

        Kailangang talunin ni Dugas si agent Cola bago sumikat ang araw, dahil baka pati siya ay mawala rin dahil sa sinag nito. Pina-alalahanan siya ni Daya sa pamamagitan ng pagsenyas sa relo.

Daya: Dugas, lumapit ka sa akin may ibubulong ako sa 'yo.

Dugas: Wait lang opponent usap lang kami.

Daya: (pabulong) Huwag mong kalimutang lumingon sa silangan, bantayan mo ang sinag ng araw dahil kung hindi pati ikaw dedbol!

Dugas: Ok, ah, alam ko na dadalhin ko siya sa gitna ng bukirin para swak ang liwanag ng araw.

Daya: Galing mo talaga, (hinawakan ang mukha ni Dugas) mag-iingat ka, tanga ka pa naman!

Dugas: Oo na, (humarap kay agent Cola) tara lets get it on.

          Dinala ni Dugas sa gitna ng bukirin si agent Cola, sumunod ang mga ekstrang vampire para mas lalong mapanood ang labanan dahil sa nagppupustahan pa ang mga 'to.

        Nagtagisan ng bilis, lakas at galing ang dalawa. Walang kamalay-malay ang dalawa na palitaw na pala ang araw. Napansin ito nila Daya at aling Diane.

Aling Diane: Naku what time na, napuyat tayo, tingnan mo Daya oh palitaw na ang araw.

Daya: Dugas... (sumenyas ng panguso-paturo sa silangan)

Dugas: Ay shet!

          Tumakbo papalayo si Dugas at nagtago sa likod ng puno. Hindi alam ni agent Cola na papasikat na pala ang araw. naalala ni Dugas na hindi nga pala siya pwedeng mamatay o masugatan dahil order sa kanya iyon. Nagpakita si Dugas at pina-alala ang mga it okay agent Cola.

Dugas: (mula sa likod ng puno) Hoy! Nandito ako! (iniluwa ang itim na bato)

Agent Cola: Nand'yan ka lang pala!

Dugas: (bumalik sa urihinal na katauhan) Diba hindi ako pwedeng masugatan at mapatay.

Agent Cola: (nagulat) Oo nga ano, buti naman pinaalala mo! Patay kasi ako kapag hindi kita naipadala sa aming palasyo.

Dugas: (nagtaka) Ha! Bakit ako? anong meron ako?

Agent cola: (lumapit sa harapan ni Dugas) Ikaw kasi ang makakapag-pagaling sa aming hari.

Dugas: Me, why me?

Agent Cola: Dahil may kulay berde kang dugo! Nabalitaan namin na may mga taong kulay berde ang dugo sa bansa ninyo mga bading daw sila at sa halos anim na taon ko rito ay ikaw lang pala ang hinahanap ko. Nakita ko ang dugo mo nung gabi nang huling pagent na sinalihan mo.

          Naalala ni Dugas ang gabing iyon, naalala niya na nasagi muna siya sa pako tapos biglang may pumatak na berdeng pintura sa bandang sugat niya. Natawa siya at napahalakhak ng malakas dahil na-miss interpret lang pala ng vampire na kaharap niya ang lahat.      

Dugas: (tumatawa) Eh mga tanga pala kayo eh!

Agent Cola: (nagalit) Anong sabi mo!

Dugas: Oh, oh, bawal akong saktan! (Napansin ang liwanag ng araw)

          Naghihiyawan pa rin ang mga ekstrang vampire. Parang mga tanga lang.

Agent Cola: Sumama ka na sa akin ng maayos.

Dugas: (tumuro sa likuran) merong nasa likuran mo oh, tinatawag ka.

          Pagkaharap ni agent Cola sa likuran ay nagulat siya dahil natatanaw na niya ang araw, sinalabayan siya ni Dugas para hindi siya makawala at nang masilawan ng araw ay nasunog na paunti-unti si agent Cola at tuluyan ng natepok, pati ang mga ekstra vampire ay tuluyan na ring nalusaw sa sinag ng araw.

          Sa wakas ay natapos na ang lahat, nilapitan nila aling Diane at Daya si Dugas, niyakap ni Daya ng mahigpit si Dugas pero nandiri ito, natanaw nila si Maui na naglalakad papalapit sa kanila at tinawag nila ito.

          Habang nag-uusap sila at nagmo-moment ay may dumaan na FX at pinara ito. Sumakay sila sa loob. Sa harapan sumakay si aling Diane. Naalala ni Aling Diane na ito yung sinakyan niya na FX noon, tiningnan niya ang driver at nagulat siya.

Aling Diane: Ikaw na naman, have you remember me almost 7 years ago?

FX driver: Alam ko, ikaw yun.

Aling Diane: Sanay ka na eh ano? Ito na lang ba laging eksena mo?

FX driver: Sabi ni direk eh.

          Nagulat ang lahat sa sinagot ng FX driver sa kanila. Dito na natatapos ang kwento nila "Daya love Dugas".

Daya love Dugas (K33P TH3 CH@NG3 vol.2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon