Malaki na ngayon sina Dugas at Daya. Hindi matanggap ni Daya na nagsusuot ng gown at may make-up ang mukha ni Dugas. Iritang-irita siya rito dahil sa mayroon kasi siyang lihim na pagtingin at hindi niya matanggap na bading ito.
Emcee: siya po ang ating pang-pitong kalahok.
Dugas: Hi I’m Douglas Aguinaldo, 20 y/o, nakatira sa sitio 7 ng barangay na ‘to, a.k.a. Maui Taylor ay naniniwala sa kasabihang “ang taong pantay ang ngipin… malamang sa alamang PUSTISO ang gamit…”
Emcee: (ina-anouce ang mananalo) “Ang MISS GAY LIBIS” goes to… Maui Taylor…
Nanalo si Dugas sa unang pagsali niya sa kanilang barangay. Sa totoo lang ay ilang na ilang si Daya sa pinag-gagawa ni Dugas sa buhay niya pero pilit niya itong tinatanggap sa kalooban niya dahil sa minamahal niya ito at nakikita niya naman ang kasiyahan ni Dugas sa ginagawa niya. Very supportive ang mga kapatid nito lalo na ang kanyang kunsitidor na Ina maliban lang sa kanyang ama.
Sali dito sali doon, ganyan ang gina-gawa nila, minsan nananalo at minsan ay natatalo. Pero go lang ng go si Dugas dahil ito lang naman din ang kanyang pinagkakakitaan bukod sa paggugupit sa parlor ng kanyang Ina.
Habang may ginugupitan si Dugas ay may dumating na isang lalaki at hindi niya agad nakilala. Si Ralph ay malaki na ngayon, umalis kasi ang pamilya nila Ralph noong maliit pa sila para lumipat ng ibang lugar. Hindi agad nakilala ni Dugas si Ralph sa halip ay nagkagusto siya rito.
Dugas: (nang-uuto sa customer) Bagay ah… baka hindi makilala ng tao paglabas mo ng parlor na ‘to.
Customer: (utong-uto) Salamat ah… ang galing mo talaga mag-gupit. Ito oh tip mo limang piso. (mabilis na lumabas)
Dugas: Ito lang!
Maya-maya ay may pumasok na lalaki.
Ralph: Hi, kamusta ka na?
Dugas: (nabighani) Wow! Ang gwapo! May I know your name…
Ralph: Si Ralph ‘to, yung kababata mo… Hindi mo na naalala no…?
Dugas: (natandaan) Ralph ikaw na ba yan…? (yumakap kay Ralph na may pagnanasa)
Biglang dumating si Daya sa loob at sinita si Dugas sa pagkakayakap nito sa lalaki.
Daya: (hinawi ang katawan ng dalawa) Hoy!! Sino ‘tong lalaking na ‘to nanaman, hindi ka ba nagsasawa, kaylan lang ay naloko ka diba?!
Dugas: Sira ka ba, hindi mo ba siya nakikilala?
Daya: (nagtaka) Parang kilala kita ah?
Ralph: Ako ‘to si Ralph…
Daya: Wala akong maalalang Ralph. Pero parang natatandaan kita e…
Ralph: Ralph nga yung kababata ninyo.
Daya: (nakaalala) Ikaw na ba yan… (tipong yayakap)
Dugas: (pinigilan si Daya) O, o, oh…. Ako ang nauna sa kanya.
Ralph: Kakatanggap ko lang kasi d’yan sa Eastwood sa mga call center d’yan. So naghahanap ako ng apartment dito, magkakasama na tayo ulit…
Dugas: (payakap kay Ralph) Wow congrats… magiging tayo na ulit…
Daya: (pinigilan si Dugas sa pagyakap) Oh, o, yayakap pa eh.
Sa muli ay nagkasama muli ang mga magkababata. Araw-araw ay nakatambay ang tatlo sa parlor shop. Selos na selos si Daya kay Ralph at si Ralph naman ay nagseselos din kay Daya. Para silang love triangle, para rin naman silang mga tanga sa isat-isa.
Crush ni Ralph si Daya since bata pa lang sila, torpeng-torpe siya rito, si Dugas ang lagi niyang ginagawang daan para maligawan ito pero ang hindi niya alam ay si Dugas ang sumasabutahi sa kanya. Kapag nagbibigay siya ng pagkain ay itatapon ito ni Dugas at sasabihing “hindi niya raw gusto”, kapag tatanungin ni Ralph kung nasaan si Daya ay tinatanggi niya ito at si Dugas ang nagsabi na tomboy si Daya kay Ralph. Kaya simula noon ay kinaibigan na lang ni Ralph si Daya at ito ang lubos na kinagalak ni Dugas.

BINABASA MO ANG
Daya love Dugas (K33P TH3 CH@NG3 vol.2)
Fanfictionsabi ni Daya "kung alam mo lang!" pero sabi naman ni Dugas "kung alam mo lang din!"