Makalipas ang isang linggo, naisipan ni Daya na makipag-usap kay Maui at magtanong sa kung ano bang katangian ng mga aswang at kung pwede ba siyang maging normal na tao pa rin.
Daya: (kumatok sa pinto) Tao po.
Maui: (binuksan ang pinto) Oh ikaw pala Daya.
Daya: Pwede ko po ba kayong makausap saglit.
Maui: Tuloy ka.
Naupo sa supa ang dalawa.
Daya: Gusto ko lang po malaman kung may anidote pa po ba sa pagiging aswang at ano po ba yung mga dis-advantage and advantage ng pagiging asawang?
Maui: Well na sayo yan. If you want to be bad or good.
Daya: Kayo po, aswang din kayo, pero hindi kayo pumapatay ng tao tama po ba?
Maui: Tama ka, (sumeryoso ang mukha) pinalaki kasi ako ng mga parents ko in human way.
Daya: Paano po?
Maui: Simple lang ... hindi kumakain ng laman ng tao hindi umiinum ng dugo ng tao, naka bear brand, imbes na karne ng tao yung "pampanga's best" ang binibili ko, ang gamit kong mantika vegetable oil at siyempre self study how to become a healthy human sa interner lang.
Daya: Ganon? Eh, Ano rin po ba yung mga ability ng aswang?
Maui: Sa akin kaya kong tumalon ng mataas, magpahaba ng koko pangkalmot, ngipin pangkagat, tumakbo ng mabilis at maka-amoy... para malaman din kung sinong umutot malapit sayo.
Daya: Hiwagang-hiwaga na po kasi ako sa pagka-tao ko. Parang ayaw sabihin ni Ina yang pinagmulan ko dahil baka maging bad daw ako.
Parang tanga ang dalawa sa kanilang pag-uusap.
Maui: (may naalala) Alam mo? May anak ako babae, hanggang ngayon nagbabakasakali akong makikita ko siya. Baka nga ikaw yun e.
Daya: Eh bakit hindi tayo magtanong kay Inay.
Maui: Oo nga no...
Daya: Baka tatay kita...
Maui: Baka anak kita...
Daya: Ang swerte ko naman parang telenovela...
Maui: Parang drama sa T.V..
Nasa pinto lang pala si aling Diane at nakikinig sa pag-uusap ng dalawa.
Daya: Tara na po... (nakangiti)
Maui: Tara... (nakangiti)
Aling Diane: Huwag na kayong mag-abala pa... aaminin ko na... Oo tatay mo siya at ikaw anak mo siya... nakita ang isang larawan sa pitaka mo, larawan nating dalawa.
Maui: ano ka ba naman Diane hindi mo man lang sinuspense, inamin mo ka-agad.
Daya: Oo nga Mommy.
Biglang nagtitigan at nagyakapan ang dalawa.
Maui: Anak kita?
Daya: Tatay kita?
Maui: Anak ituturo ko sa 'yo ang mga ability ng aswang.
Daya: Sige po. Alam niyo po ba marunong na ako ng ganito.
Maui: Well that is your ability. Tara magpunta tayo sa training camp at tuturuan kita.
Aling Diane: Ingatan mo ang anak mo Maroy. Huwag mo siyang tuturuan ng bad!
Maui: Akong bahala.
Tinuruan ni Maui si Daya ng mga skill and ability ng aswang. Pinakita ni Maui ang dalawang sikreto niya ang "bote ng langis ng aswang" at ang "itim na bato". Pinakita ni Maui kung paano magpahid ng langis.
Maui: (nilagyan ng langis ang kamay) Oh ganto lang kaunti parang 1 drops lang, kasi matagal bago ako makagawa ng bago.
Pagkatapos magpahid ay ini-abot niya ang bote na may label ng gin kay Daya para siya naman ang sumubok.
Daya: Ganto po ba Dad?
Maui: Unti lang! kapag sumobra ka baka mahati sa ilan ang body mo!
Nahati ang katawan ni Daya sa dalawa.
Daya: Aray Dad ang sakit ang hapdi!
Maui: Sa una lang 'yan sa mga susunod bale wala na 'yan.
Daya: (pinipilit maigsan ang sakit) Waaaaa...
Maui: You did it, yes you did it. (galak na galak)
Daya: I did it, nahati ko ang katawan ko, daig ko pa si Chris Angel... (tuwang-tuwa)
Maui: Ganito yan anak, pwede mong pahabain ang iyong dila at bituka na parang lubid, ang iyong pangil na pang final blow at (may iniabot) Wait huwag mong kakalimutan ang magsout ng relo!
Daya: Bakit po Dad?
Maui: Freshman ka pa lang, baka sa sobrang aliw mo sa paglipad ay malimutan mong pasikat na pala ang araw, sige ka matulad ka sa ibang aswang noon na sa sobrang excited hindi na nakakabalik pa.
Hindi itinuro ni Maui ang pag-gamit ng itim na bato dahil pang-boys lang 'yon. Ito kasing bato ay imbensiyon pa ng kanyang kalola-lolahan at laging ginagamit sa mga pakikipag-laban bilang aswang, ibig sabihin marami ng aswang ang gumamit nito at sinasalin-salin na lang. "YAK!"
Maui: (inilabas ang itim na bato) itong bato na 'to pang boys lang, pwede rin naman sa 'yo. Kaso nga lang baka hindi mo kayanin eh, ma-overdose ka lang!
Isang gabi ay may isang tao sana ang isa-salvage ng mga armadong tao.
Killer 1: Tara todasin na naitn 'to.
Killer 2: Sige patayin mo na, para hindi pa makapag-kalat ng lahi 'yan.
Victim: Maawa kayo sa 'kin!!!
Killer 3: ahahaha, mag-makaawa ka na, (may napansin sa itaas) Ano 'yun? Parang may malaking anino nakita niyo ba 'yun?
Killer 4: Oo nga napansin ko rin.
Killer 5: Mga gago! Dami niyong alam! Barilin niyo na at mag-dodota pa ako.
Babarili na sana ng isang killer ang biktima ng may lubid na tumali sa kanyang kamay at pinigilan siya. Natakot ang killer dahil pagtingin niya sa itaas ay isang manananggal ang kanyang nakikita.
Killer 3: (hindi makapagsalita ng maayus) Gaaaays look... looook inn daaaa sky... itssss aaaa.
Killer 5: Mag-dodota pa ako barilin mo na! (napatingin sa itaas) krobelus is that you? (napasigaw) waaaaa may manananggal!!!
Tinali ni Daya ang lima sa pamamagitan ng kanyang bituka na may dugo-dugo pa. Kinabukasan ay laman ng balita ang limang lalaki na nakatali gamit ang bituka ng tao, maraming nagtataka at marami rin ang nandidiri. Hanggang sa marami na ang nakaka-alam tungkol sa manananggal na pagala-gala sa buong metro manila pero hindi nananakot kundi kilala bilang taga-pagtanggol ng sambayanang Pilipino.

BINABASA MO ANG
Daya love Dugas (K33P TH3 CH@NG3 vol.2)
Fanficsabi ni Daya "kung alam mo lang!" pero sabi naman ni Dugas "kung alam mo lang din!"