Isang misteryosong lalaki ang naglalakad sa isang eskwater area at naghahanap ng mauupahanan, siya ay nakasuot pangbabae naka-doll shoes at may make-up ang mukha. Ang pangalan niya ay Maui at mahigit 40 anyos na bading walang anak, asawa, at mga kapatid mag-isa sa buhay.
Nagtanong siya sa isang tindahan kung may mahahanap ba siya ritong apartment para matirahan, sa tabi niya ay may mga nag-iinumang mga kalalakihan at nakorsonadahan siyang pagtripan.
Maui: (paseksi ang lakad) Saan kaya ako makakahanap ng kwarto rito? Ayun may tindahan.
Tambay 1: Uy… nakikita niyo ba yun? Chiks o.
Tambay 2: Oo nga, parang si Pauline Luna... ang ganda! Baka siya yan?
Nang makita nila si Maui ng malapitan ay nagulat ang mga ito, nagawa nila itong loko-lokohin.
Maui: Hi Kuya, saan po may paupahan dito? (malambing na boses)
Tindera: (nairita) Excuseme… Ate po…
Mga tambay: (nagtawanan)
Maui: Yes mga boys… is there any problem?
Patuloy na nagtatawanan ulit ang mga tambay at sinabi ng isa na “kala ko si Pauline Luna si eh LUMA na yung mukha eh…” patuloy na nagtawanan.
Maui: (ngumiti) Sa akin LUMA… eh yung mukha mo mas LUMA pa. (tumawa ng malakas at napa-utot)
Tambay 3: Bastos ka ah! Ang baho!
Dahil sa pagkaka-utot ni Maui ng pagkabaho-baho ay nabwisit ang tatlong tambay at dito na sila nagkagulo. Sa huli ay nabugbog ni Maui ang tatlong tambay. Nakita ng tinderang bading ang buong eksena, nakita niyang maykakaiba sa pagkatao ni Maui.
Napansin din ni Maui na nakita ng tinderang bading ang pangyayari at kanya itong nilapitan.
Maui: Oh natatakot ka ba?
Tindera: (nakatulala) Hindi po.
Maui: Eh bakit para kang natatakot?
Tindera: Mare… kamag-anak ka ba ni wolverine?
Maui: (nagtaka) Bakit?
Tindera: Oh my gush… (tumili) tinatanggi mo pa eh ano yang mga balahibo sa katawan mo at ang bilis-bilis mong kumilos… paoto-graph naman…
Maui: (nagulat) Nye!
BINABASA MO ANG
Daya love Dugas (K33P TH3 CH@NG3 vol.2)
Fanficsabi ni Daya "kung alam mo lang!" pero sabi naman ni Dugas "kung alam mo lang din!"