chapter 8 "Si Aling Diane at Maui"

54 1 0
                                    

        Nagbabantay si aling Diane ng kanyang tindahan. Sa tapat ng tindahan niya ang parlor nila Dugas ay nakatambay naman sila Ralph. Daya at Dugas.

 Ekstra 1: Aling Diane pwede po bang umutang?

Aling Diane: Ha? Hindi mo ba nakikita ang nakapaskil "bawal utang ngayon, bukas pwede!" bumalik ka na lang bukas.

Ekstra 1: Aling Diane naman lagi namang nakapaskil 'yan eh. kapag bumalik ako bukas ituturo mo na naman sa akin 'yan.

Aling: hindi ka bam aka-gets?

Maui: (biglang sumabat) Ah ano ba 'yung bibilhin mo dapat?

Eksta 1: isang kilong bigas lang po sana.

Maui: (nagbigay tulong) Isang kilong bigas lang pala.

          Bigalng may mga lumapit na tao at humingi ng tulong kay maui.

Eksta 2: Ako rin po hindi pina-pautang niyan.

Ekstra 3: Ako rin po.

Ekstra 4: Ako rin po, kahit limang lata lang ng sardinas.

Maui: (nagulat) Nye! Ang dami niyo naman.

Aling Diane: 'Yan kasi, bait-baitan... kaya nga wala akong pinapautang dito eh, kasi kapag may pinayagan akong isa mag-gagayahan na silang lahat.

Maui: Ganun ba!

        Naging mabuting magkaibigan sila aling Diane at Maui. Lagi silang magkausap at parang palagay ni aling Diane na matagal na niyang kilala ito, bukod sa tumanda sila ay boses bading kasi ang ginagamit ni Maui.

          Laging napapansin nila Dugas, Daya at Ralph ang paglalambingan ng dalawang matanda araw-araw. Nakatambay ang tatlo sa loob ng parlor at pinag-uusapan ang kanilang nakikita.

Dugas: Ay Dayyyy, aaminin ba natin na may lahi kang aswang kay Ralph?

Daya: Ano ka ba? Atin-atin lang 'yon.

Dugas: (nagbiro) Para lalong maturn-off si Ralph sa 'yo? (bumulong) para sa akin na lang siya.

Daya: (nagmamakaawa) Promise mo walang makaka-alam ah.

Dugas: Oo naman, hindi ko (nakitang papasok si Ralph) pagkakalat na may lahi kang aswang.

Ralph: Sinong aswang? (dumeretso sa salamin at nagsalamin)

Daya: (siniko si Dugas) Wala, nagkekwento lang 'to ng kung ano-ano!

Dugas: Aray! (napalingon sa tindahan) Alam mo Daya close na close na sina Maui at Mommy mo no...

Daya: Ok nga yan eh, may nakaka-usap si Mommy.

Dugas: Oo nga, pero maniwala ka may napapansin akong iba. Parang hindi siya girl.

Ralph: iba talaga ang mga bading may ability... "smell"

Dugas: Oo naman ano, naamoy namin kung bading ang isang lalaki at kung pekeng bading ang isang lalaki...

Daya: Ganun?

Ralph: Paano kung nalaman mo na nililigawan na pala ni Maui ang Mommy mo?

Daya: Ok lang, atlis may karamay na si Mommy.

Ralph: Eh, ako? (tumitig sa mga mata ni Daya)

Daya: (nilihis ang tingin) Anong ikaw?

Dugas: (biglang singit) kapag nalaman mo na nililigawan ako ni Ralph, I'm sure payag ka agad diba?

Daya: Tumigil nga kayo! (bumulong sa sarili) ikaw lang Dugas ang mahal ko.

          Makalipas ang isang buwan, sabay na namimili si aling Diane at Maui sa palengke. Tumigil sila sa isang pwesto para mamili ng karne na uulamin para sa kani-kanilang hapag-kainan.

Aling Diane: isang kilo nga po ng baboy.

Tindera: (nambola) Aba ang ganda.

Aling Diane: Salamat.

Tindera: Hindi ikaw, yung kasama mo suki, makinis ang mukha at kutis, kung naging lalaki ka lang? naku... chickboy ka.

Maui: Salamat. (kumukurap ang mata) 

Aling Diane: (sinita ang tindera) nambobola ka lang ata eh? (napatingin kay Maui)

          Habang naglalakad sa tabi ng kalsada sina Maui at aling Diane ay may dalawang lalaking nakatayo lamang at nag-aantay ng mabibiktima. Naispatan ng dalawang holdaper si aling Diane na may hawak napitaka at cellphone sa kamay. Unti-unti silang lumapit sa dalawa, nagawang agawin ng dalawang holdaper ang cellphone at pitaka ni aling Diane, hinabol agad ni Maui ang dalawa at pinag-bubog.

        Nagulat si aling Diane sa kanyang nasaksihan, nakita niya kung paano tumakbo ng mabilis si Maui at paano makipag-suntukan. Dito na siya nagtaka sa kung sino ba talaga si Maui.

        Isang hapon nagpa-alam si Maui na papasok lang sa trabaho kay aling Diane. Matapos maka-alis ni Maui ay pinuntahan agad ni aling Diane ang kwarto nito, may susi si aling Diane ng bawat kwarto. Pagkapasok niya sa kwarto ay nag-usisa agad siya dahil may kutob siya na hindi ordinaryong tao si Maui.

        Pakialam rito pakialam doon, tingin rito tingin doon, galaw rito galaw doon hanggang sa may makita siya na isang bagay na labis niyang kinagulat. Kinuha niya ito. Matapos niyang Makita iyon ay binalik niya agad ang lahat sa dati at mabilis na bumalik sa kanilang bahay. 

Daya love Dugas (K33P TH3 CH@NG3 vol.2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon