chapter 7 "Hindi ko 'to matatanggap"

12 1 0
                                    

        Katapat lang ng parlor ni Dugas ang tindahan ni aling Diane ang nanay ni Daya. May-ari ng apartment sila Daya dahil namana ni aling Diane ang kanilang Lupa at Bahay at ng maibenta ito ay nakapagpatayo siya ng apartment sa libis.

          Tanghaling tapat, may isang bading ang nagtanong kay aling Diane kung may bakante pa ba sa apaertment niya. Ito ay si Maui, kinailangan niya kasing lumipat ng ibang lugar para makaiwas.

Maui: Hi… Ah, I wanna know if theres a vacant?

Aling Diane: Where?

Maui: In your heart… jowk… were not different…

Aling Diane: Can you speak to me in tagalong! Hindi ka naman foreigner ah… (kinilig) sayang gwapo ka pa naman.

Maui: Ay! Sorry uso na kasi inglishan ngayon, pwede ko bang Makita yung kwarto?

Aling Diane: Sumunod ka… 6k isang buwan ‘yan.

          Maliit ang kwarto pero ang mahal para sa halagang 6k.

Aling Diane: Ano kunin mo na? papatumpik-tumpik ka pa baka may dumating na iba… maunahan ka pa.

Maui: (nag-aalinlangan) Ano kasi e…

          May biglang sumingit sa kanilang tabi at nagtanong.

Ekstra: Excuse me po, may vacant pa po ba?

Aling Diane: meron kaso isa na lang.

Maui: (hinawi ang mukha ng ekstra) Ah excuse me, nauna kasi ako.

Aling Diane: Teka parang ayaw mo kanina diba, parang ayaw mo kasi kanina e.

Maui: Kayo naman po, hindi kayo mabiro, sa katunayan nand’yan na nga po yung mga gamit at appliances ko sa ibaba. Ito po oh 30,000 na five months advance…

          Hindi sila nagkakilala dahil sa almost 20 years na ang nakakalipas. Tumanda na prehas ang kanilang mukha.

          Makalipas ang dalawang buwan, nanggaling sina Daya at Dugas sa ibang baranggay para magparehistro sa gaganaping miss gay pagent doon, naplatan ng gulong si Daya at naglakad-lakad sila para makahanap ng vulcanizing shop, pagdating sa vulcanizing shop ay may mga kalalakihang nagiinuman sa tabi nito.

          Niloloko-loko ng mga tambay si Dugas, napikon si Daya at sinigawan niya ang mga ito na tigilan sila, maya-maya ay dinuro ng isang tambay si Daya at tsinansingan. Sinapak agad ni Dugas ang lalaki at nagsimula ang kaguluhan.

Tambay 1: (hinimas ang braso) Maganda ka ah, baka pwede kang ligawan?

Dugas: Manyakis ka! (sinapok ang tambay)

Tambay: Uy! Tara mga tropa!

          May limang kalalakihan ang kalaban nila, nagawa nilang makipag-sabayan pero dahil sa dami nila ay hindi nila ito kinaya. May akmang hinagis sa kalsada si Dugas at ng makita ito ni Daya ay mabilis niya itong nailigtas, nakita ng mga kalalakihan ang bilis ni Daya at natulala ang mga ito, maya-maya ay nagalit si Daya at may lumabas na isang pangil sa kanan lang “bakit isa lang” pagtataka niya, maya-maya ay nangitim ang dalawang mata niya at ng makita ito ng mga kalalakihan ay nagsipagtakbo mga ito. Nakita rin ni Dugas si Daya.

Dugas: (lumapit kay Daya) Hoy! Hoy! Bakla (binatukan)

Tumigil ka na sabi ni Direk.

Daya: (bumalik sa uliran) Oh nasaan na sila, natakot mo sila?

Dugas: Ha! Ikaw nga ang tumakot sa kanila eh…

Daya: Paano, diba masasagasaan dapat?

Dugas: Sinagip mo muna ako, tapos sa sobrang galit ay nagawa mong mag-transform…

Daya: Anong transform? Transformers…?

Dugas: Oo, pero into monster.

Daya: Oh no..

          Pagka-uwi nila sa kanilang lugar ay duniretso si Daya agad sa kanilang bahay at tinanong ang buong katotohanan sa pagkatao niya.

Aling Diane: Hindi ko inaakala na malalaman mo pala ang true someday, pinalaki kita ng maayos ah.

Daya: Ano bang meron Mommy, ano ‘to?

Aling Diane: Ok, hayaan mong sabihin ko sa ‘yo ang buong katotohanan. Simula noong nagkakilala kami ng tatay mo hanggang ngayon.

Daya: Ang haba naman niyan Mom, pwede ba make it short na lang.

Aling Diane: Short..? isa kang aswang. May lahi ka ng aswang. Ang tatay mo ay aswang.

Daya: Kaya pala parang may nararamdaman akong iba sa tuwing nakikipag-away ako.

Aling Diane: well that’s your ability and there’s more. (lumapit tumitig sa mga mata ni Daya)

Daya: Mommy.

Aling Diane: Anak imbes na maging masama ka, maging mabuti ka na lang, hindi ako nakakaramdam ng takot sa ‘yo noon pa ako nakakita niyan, gamitin mo ‘yan para magtanggol ng kapwa. Pwede naman diba, malay mo sumikat ka sa katangian mong ’yan. Anak kaloob ‘yan  ng Diyos sa ‘yo.

Daya: (nagulat) Ha! Mommy hindi ko ‘to matatanggap…

Daya love Dugas (K33P TH3 CH@NG3 vol.2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon