Madilim ang gabi, naglalakad mag-isa sa kalsada si Maui ng may mapansin siya na may misteryosong tao na sumusunod sa kanya, pinapakiramdaman niya kung saan naroroon ang misteryosong taong ito na patagong sumusunod sa kanya.
Si agent Cola ang sumusunod kay Maui, naghihintay lang siya ng pagkakataon kung papaano niya susugurin ang bading na nasa harapan niya. limang taon na kasi siyang namamalagi sa bansa, hanggang ngayon ay hindi niya pa rin makita ang kanyang hinahanap.
Nakahalata si Maui sa likuran niya at nanghinarap niya ito ay sinapak niya agad, kaso isa pa la itong binatilyo na naghahanap ng bading para maperahan. Maya-maya ay may naramdaman siyang papalapit sa likuran niya at nanghinarap niya ito ay sinapak niya ulit agad at bumulagta, nagulat siya riding in tandem lang pala at sumemplang ang dalawang sakay nito. May sinapak agad siya sa kanyang tagiliran at nagulat ulit siya dahil mambabalot pala ito. “hindi ka kasi nagsasalita” sambit ni Maui.
Nagpatuloy sa paglalakad si Maui na parang walang nangyari, maya-maya ay may napansin siyang anino sa likuran na papalapit sa kanya at dito na siya tinambangan ni agent Cola para turukan sana ng pampatulog pero nakaiwas siya rito.
Maui: Letse ka! Kanina ka pa ah…!
Agent Cola: Letse ka rin, malakas ang pakiramdam mong bading ka ah.
Maui: Hoy! Anong bading props lang ‘to, (may naamoy) may hinahanap ako!
Agent cola: I don’t care what the hell you are looking for!
Maui: Aba! Inglishera! Come on let’s get it on!
Naglaban ang dalawa, parehas na hindi makapaniwala ang dalawa dahil ang alam nila ay mga ordinaryong tao lang ang bawat isa, parehas mabilis, parehas may lakas. Labanan ito ng imported na aswang at local na aswang, pilit pina-pakita ang quality.
Maya-maya ay parehas napansin ng dalawa na may mga pangil ang bawat isa. Nagulat silang sabay at nagsabi ng…
Maui: isa kang aswang!
Agent cola: isa kang vampire!
Mas lalong nagtagisan ang dalawa ng lakas, walang humpay na kalmutan at kagatan, ang tangi na lang magagawa ng bawat isa ay sagpangin ng kagat para matodas ang isa “final blow”.
Kaso nandidiri si agent Cola kay Maui dahil sa amoy nito at nakakadiring balahibo, kaya naisipan na lang niyang tumakas at balikan si Maui.
Agent Cola: Hindi ko na kaya ang amoy mo! Nakakadiri ka!!!
Maui: (napikon) Ay Gaga pala ito eh! Ang arte mo! Feeling mo makakakagat ka! Neknek mo!
Agent Cola: Sa susunod nating pagkikita yari ka! Uunahin ko lang ang misyon ko!
Lumipad ng mabilis si agent Cola papalayo, hindi ito kayang gawin ni Maui dahil pagtalon lang ng mataas ang talent niya.
Maui: (napapa-isip) misyon, ano ‘yon? (bulong sa sarili)

BINABASA MO ANG
Daya love Dugas (K33P TH3 CH@NG3 vol.2)
Fanfictionsabi ni Daya "kung alam mo lang!" pero sabi naman ni Dugas "kung alam mo lang din!"