Ipinasok ni Ralph si Maui sa call center na kanyang pinapasukan, naging magkaibigan ang dalawa dahil nalaman ni Ralph na magaling pala mag-inglish si Maui.
Makalipas ang isang buwan ni Maui sa trabaho ay nakita ni agent Cola mula sa sasakyan na magkasamang pumapasok sina Maui at Ralph dahil halos magkalapit lang ang condominium niya at ang building na pinagtatrabahuhan nila. Sinubaybayan niya ang mga ito at napag-isipisip niya na baka mapakinabangan niya ang lalaking kasama nito. Dahil inaakala niya na baka balakid si Maui sa kanyang misyon.
Kinabukasan, linggo, 7:00 ng gabi, Isang compition ang magaganap na sasalihan ni Dugas. Kasama niya sina ang buong pamilya niya maliban sa kanyang ama, si aling Diane, Daya, Ralph at si Maui.
Sa kabilang banda nila ay nagmamasid si agent Cola at nakatitig sa kanila. Gulat na gulat si Agent cola Dahil parang hindi talaga nauubos ang mga bading sa bansang ito, dahil sa dami na raw ng kanyang napatay at nakidnap at sa halos 6 na taon na niya sa bansang ito ay steel marami pa rin sila.
Hindi pa man natatapos ang compition ay napansin ni Maui sa di-kalayuan ang isang babaeng nakatitig sa kanya.
Ralph: (nagpapaalam na may bibilhin) Ah may bibilhin lang ako na pagkain kakagutom eh.
Maui: Ok, bili mo ako ng piatos.
Aling Diane: Bili ka ng isang litrong softdrinks.
Daya: Ako nova.
Ralph: Sige…
Si Dugas ay kasalukuyang rumarampa sa entablado. At nakorsonadahan din ito ni agent Cola.
Sa labas ng lugar ng compition, binangga ni Agent Cola si Ralph at nagpa-cute. Inakit ni agent Cola si Ralph sa kanyang sasakyan. Sinundan ni Maui si Ralph sa labas dahil sa tagal nito.
Ralph: Nay pabili nga po ng piatos, nova at RC isang litro.
Agent Cola: (biglang sumulpot sa tabi ni Ralph) Hi, kuya your so cute, type kita.
Ralph: Hi din. (ngumiti)
Agent: Pwede ba kitang maka-usap banda roon? (hinimas-himas ang braso at inakit ng malagkit na tingin)
Ralph: (nakaramdam ng pagkalibog) Ok. Saglit lang ah.
Agent Cola: (naaamoy na papalapit si Maui) Tara bilis…
Maui: (nagtanong sa tindera) May bumili po ba rito na lalaki ng you know softdrinks, piatos and nova?
Tindera: Ah niyaya ng girl banda roon.
Maui: Sinong gerlalu yun?
Habang nanonood si Daya ay natanaw niya si Ralph sa malayo na may kasamang ibang girl. Sinundan niya ito, pagkadating doon ay kitang-kita niya kung paano kagatin ng babae sa leeg si Ralph sa loob ng sasakyan, nanginlabot siya sa kanyang nasaksihan. nakita ni agent Cola sa labas ang isang babae nakatitig sa kanila.
Daya: (hindi makapaniwala) Aswang…?
Agent Cola: (napatingin sa labas) Ha! May nakakita sa akin! (lumabas ng sasakyan) Yari ka sa akin…! Wa…
Maui: (biglang sulpot) Wata… huwag mo siyang sasaktan, ako ang labanan mo!
Daya: (nakilala ang boses) Maui, ikaw si Maui. Isa kang baklang aswang!
Maui: (nairita kay Daya) Grabe ka naman, Tumabi ka, watch and learn.
Agent Cola: (nasaktan) masakit yun ah!
Muli na namang naglaban ang dalawa, sa pagkakataong ito ay may kasama na si agent Cola, tatlong vampire.
Agent Cola: Oh panu mga FAREH, talunin niyo yan ha. (naglakad lang ng pasimple papuntang sasakyan) Bbye…
Hindi na lumaban pa si Agent Cola at hinayaan na lang ang tatlo na lumaban kay Maui at tumakas papalayo sakay ng sasakayan. Hindi kinaya ni Maui ang tatlo dahil may kalakasan ang mga ito at mas matindi pa ang amoy kesa sa kanya.
Maui: (nabibwisit) Shet! ang babaho niyo! (nagiisip ng paraan) Paano ko matatalo ang mga ito?
Vampire 1: (kinalmot sa likuran si Maui) Wata…
Maui: (nasaktan) Aray..! Letse ka!
Vampire 2: Patay ka na ngayon! (akmang dudukutin ang puso ni Maui)
Nang Makita ni Daya na akmang titirahin si Maui ay tumakbo siya ng mabilis at naiiwas ng mabilis ang katawan nito. Hindi maniwala si Maui sa ginawa ni Daya. Maya-maya ay nagbabago ang anyo ni Maui.
Daya: Yari kayo sa akin!
Vampire 1: Game! (inunat-unat ang ulo)
Daya: Yari kayo sa akin! Waaa….. (nanakot)
Vampire 2: game! (pumormang parang boksingero)
Vampire 3: lets get it on! (naglabas ng dila tapos nalaglag ang postiso at sabay dampot)
Daya: Waaaa… hindi ba kayo natatakot?
Sabay-sabay sumagot ang tatlong Vampire “hindi inday…”
Daya: Lets get it on…
Nagtulungan sina Maui at Daya sa pakikipaglaban sa tatlong vampire, sa huli ay nanalo sila Maui at Daya. Biglang naging abo ang mga katawan ng mga vampire.
Naalala ni Daya na sakay ng sasakyan si Ralph at ang naaalala niya ay kinagat sa leeg si Ralph.
Daya: Ate Maui si Ralph po sakay ng sasakyan na ‘yon.
Maui: Ha… naku… nakagat na rin ‘yun!
Daya: Kawawa naman si Ralph.
Maui: Ang importante sa ngayon ay walang makakaalam ng mga sikreto natin.

BINABASA MO ANG
Daya love Dugas (K33P TH3 CH@NG3 vol.2)
Fanficsabi ni Daya "kung alam mo lang!" pero sabi naman ni Dugas "kung alam mo lang din!"