Chapter 3 (By your side)

3 0 0
                                    

SIMON POV.


Readyng ready na ako pumasok sa school na toh. Sa Wakas...the long wait is over!

   Nice Car (check!)

   New Bristol black shoes (check!)

   Samsonite sling bag (check!)

   3 Cross ballpoint pen (check!)

   New Guess maong pants (check!)

    New plain white lacoste polo shirt (check!)

Okay im ready! Whoo!

Naka lacoste shades akong pumasok s school. Ramdam ko ang tinginan saken ng mga papansing girls habang lumalakad ako papuntang bulletin para hanapin schedule ko.

Grabe ramdam ko pagpapacute saken ng mga girls. Di pa effort tong porma ko ha..normal ko toh pramis!

Ang school na papasukan ko ay libre lang sakin. Bakit? Hehe dahil ang school na ito ay pagmamay-ari ng bestfriend kong anak ng isa sa pinaka mayamang tao dito sa Pilipinas. Dito din siya mag-aaral at sabay naming kukunin ang kursong Mechanical Engineer..ang kurso para sa mga guwapo.

Don't get me wrong..di ako mahirap! Katunayan nga ay mas mayaman pa nga ako sa bestfriend ko. Nasa akin ang lahat. Di man ganon kaperpect ang buhay ko eh ang mahalaga alam ko sa sarili kong isa ako sa pinaka-magandang lalaki dito sa Pilipinas. Talagang libre lang talaga ako dito sa school na ito dahil ito ang napagpustahan namin ng bestfriend ko matapos ko siyang matalo sa bato-batopik.

Kasalukuyan kong tinitingnan ang bulletin at hinahanap ang schedule ko ngunit di ko makita. Nakadalawang pasada na ako pero di ko pa din nakita. F*ck!

Tumingin ako sa kabilang bulletin board kung saan mas madaming taong tumitingin. Inalis ko na ang lacoste shade kong worth P6k dhil mejo madilim sa part na un na kinalalagyan ng bulletin. Para na din makita ng ibang tao kung gaano ako kaguwapo sa kabila ng shades na suot ko.

Kasalukuyan kong iniisa-isa ang mga papel na naka balandra don ng maya maya...

"Arawtz! ouch! oouch!" Anak ng pating! may tumapak sa paa kong may suot ng bristol black shoes na halagang P5k.

Napapadyak ako sa paang yon dahil napaka-sakit naman talaga..anak ng pucha!

Unti -unti humarap ang isang bakulaw sa harap ko at nagtama ang paningin namin.

Ampanget niya. Sobra. Ang laki niya!

Tumingin siya saken na para bang ako pa ang may kasalanan.

"A-Ate masakit...pero okey lang hehe" sabi ko dahil nakakatakot ang presense niya. Bukod sa panget siya eh ang laki niya. Bakulaw. Dambuhala. Madumi.

Di niya ako kinibo. At bigla na lang umalis sa harap ko.

T*ng-inang panget yon! Di man lang nagawang mag-sorry!

Sinundan ko siya ng tingin ng papalayo na siya sakin dito sa hallway. Nakita ko pa siyang huminto sa paglalakad at unti unting lumingon sa akin. Ok naman na sana kaso nakaramdam ako ng kaba nung napangiti siya saken ng nakakatakot.

😱

Hala!!! Bakit!? inaano kita!?

Nawala ang ngiti niya at napalitan iyon ng masamang tingin. Matagal siya sa aking tumitig. Nakipagtitigan din ako sa kanya. Kinakabahan ako sa tingin niyang iyon.

Sa gitna ng pagtitigan namin ay may dumaang magandang payat na babae..pagkalagpas nito ay biglang nawala na ang babaeng nakatapak sa akin. Mas lalo tuloy ako kinilabutan! Asan na un?

FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon