SIMON POV
Biyernes.
Napilitan akong pumasok gawa ng kailangan daw na makapagpasa kami ng registration card sa mga magiging professor namin sa lahat ng unit na kukuhanin namin.
Oo di muna ako pumasok ng Tuesday hanggang Thursday. Sa lunes naman talaga ang umpisa pa ng klase. Kakornihan toh welcome ceremony!
Mukhang napa-aga ata ako ng pasok dahil napansin kong onte pa lang ang mga nakaparadang sasakyan dito sa parking ng school. Bumaba ako ng sasakyan at naglakad papuntang Engineering building ngunit napansin kong onte pa lang talaga ang tao... kaya naman pumunta muna ako sa rooftop para magpalipas ng oras. Dito ko na din iintayin si Lucas.
Napapikit ako ng pagkarating doon. Masarap ang hangin at sikat ng araw di pa nakakapaso sa balat. Lumanghap muna ako ng ilang beses ng fresh air! ahhhh whooo!
"College na nga ako hehe" mahina kong sabi sa sarili ko. "sa wakas hindi na lang puro kaguwapuhang mukha ang maipagmamalaki ko kay Daddy!" sabi ko pa habang nakapikit at nakangiti.
Inhale! Exhale! Inhale! Exhale!
Mejo napakunot ako ng maya-maya ay parang nag-iba ang hangin.
Inhale! Exhale! In.....
😳
😳
Buwisit! panira...
Unti-unti akong pumihit sa likuran ko dahil naramdaman kong may ibang tao doon.
😳 Anak ng pating!
May isang taong akala mo kung sinong maangas ang nakaupong pangde-kuatro sa may gilid ng poste at ang lakas pa bumuga ng hinihithit niyang sigarilyo. Mukhang ennjoy na enjoy pa siya sa pagbubuga. Di ko kaagad maaninag ang mukha niya gawa ng sikat ng araw, bukod don ay nakasuot ito ng cap at shades. Ts*nggala! ayos trip...nagsosoundtrip pa. Nakasuot din siya ng headset at nagyoyosi!
Napakunot ang noo ko sa nakita ko.
Ang alam ko ay bawal mag-yosi sa loob ng paaralan. Lalong-lalo na sa teritoryo naming ito ni Lucas. Oo tama! Dito kami madalas tumambay ni Lucas.
Nilapitan ko ang taong iyon.
Tinapik ko na muna siya bago magsalita.
"Excuse me!? sa pagkakaalam ko bawal mag-smoke sa area na ito ng building"
Ngunit wala akong narinig man lang na response sa kanya. Kaya naman inulit ko ang pagtapik at medyo nilakasan ko na iyon.
"Excuse me!? Sorry to disturb you but as per rules and regulations of this school eh not allowed ang mag-smoke sa area na ito ng building..."
Dahan-dahan niyang inalis ang kanyang headset at itinaas ang kanyang ulo paharap saken.
"Problema mo? ayoko sa lahat iniistorbo ako" malamig niyang tugon sa akin na para bang nakaistorbo ako sa kung ano man ang pinagkaka-busyhan niya.
Babae pala ito. Tsk! Tomboy!
"Bawal kasi mag-smoke dito but if you want pwede ka sa labas ng school. Unli smole sa lugar na 'yon. Mas magandang doon ka kaysa dito baka may makakitang security sayo ditto at ma-office ka pa" inis kong sabi sa kanya.
"Korni mo! Dami mong sinabi pinakialaman ba kita nung nakita kitang mukhang baliw na nagsasalita don kanina" tinuro niya pa ang kaninang puwesto ko "Nirespeto ko pagmo-moment mo don kahit mukhang tanga ka so dapat ganon ka din!"
BINABASA MO ANG
Fate
Ficción GeneralAng kuwentong magpapatunay sa atin na ang pag-ibig ay walang pinipiling antas ng buhay.