SIMON POV
Naiinis ako! Naiinis ako! Naiinis ako!
Wengya ng 600x ang babaeng 'yon!
Ang yabang yabang! Pinagmukha niya akong katawa-tawa sa canteen ng Engineering mabuti na lang walang gaaning girls ang Engineering sa school na ito kundi di ko mapapatawad ang Bakulaw na 'yon!
Tapos etong kasama ko ni hindi man lang ako nagawang ipagtanggol man lang! walang ginawa kundi umawat! Parang gago lang!
Parang asong ulul na kinikilig kanina kay Hetti na pinagandang poste lang naman ang itsura!Naiinis ako! Naiinis ako! GgRrrrr!
Ang sakit ng ginawang pagsikmura ng Bakulaw na 'yon sa akin eh alam naman niyang katatapos ko lang kumain...
***flashback***
Pagpasok ko ng canteen nakita ko kaagad siya dahil sinalubong agad siya ni Hetti na akala mo eh isang buwan silang hindi nagkita.
Psh! Ang korni nila!
Wala akong choice kundi daanan ko ang pwesto nila dahil doon mismo ang daan papunta sa orderan ng pagkain.
Ako na ang umorder ng pagkain dahil ayoko magpaiwan doon sa mesa namin. Pero bago pa ako makalagpas ay...
("kala ko kasama mo yang dalawang papansin na yan...sabihin ko sana pet lover ka na pala..")
😳
😳Narinig kong sabi ni Red Bakulaw kay Hetti!
Ch*nggala may pet lover ka pang nalalaman s
dyan matapos mo kong lawayan last week!Dumiretso ako ng counter, nawawalan ako ng ganang kumain dahil sa presensya niya pero mahal ko magandang katawan ko at mas lamang ngayon ang gutum ko..
Sinadya kong patalikod na lang na umupo sa gilid ng pwesto nila para si ko na siya makita.
Sa kalagitnaan ng pagkain ko ay narinig ko si Hetti..
Grabe busog na busog ako beshy..Arrgh! Tagal pa ng next subject ko.."
"Tambay ka muna sa pathway..o kaya makipag-bonding ka muna sa mga pet mo"
Mayabang na sabi ng Red Bakulaw...😳
😳Anak ng teteng naman talaga! At di na ako nakapagpigil pa ay agad akong lumusob sa pwesto nila!
"Hoy! sumusobra ka na ha!" sigaw ko sa kanya at sinipa ang ang upuan niya "Kanina ka pa! Sino ka ba sa akala mo!?
Di man lang siya kumibo at di man lang ako pinansin kaya mas lalo akong nainis!
"Para sabihin ko sayo walang basta basta nakakaganyan sa harap ko. Irespeto mo ang kaguwapuhan ko!" sigaw na talaga sa tenga niya
"Edi isako mo mukha mo at itago mo sa locker mo..." maangas na sabi niya sa akin ng di pa rin ako nililingon
Kaya naman padarag ko siyang itinayo gamit ang tshirt niya at balikat kaya naman mabilis niyang kinuha ang bottled water at iniamba sa mukha ko 'yon.
"Sige sibukan mo!!!" hamon niya
Itinulak ko siya ng malakas dahil talaga namang nagdilim ang paningin ko at alam kong masaktan siya doon dahil napaupo siya sa kaninang kinauupuan niya
Nagulat ako sa sarili kong nagawa ko 'yon pati na din si Lucas dahil first time kong gawin sa isang babae iyon kaya inawat niya ako
"Bakulaw!!!" inis kong sabi sa kanya
BINABASA MO ANG
Fate
Genel KurguAng kuwentong magpapatunay sa atin na ang pag-ibig ay walang pinipiling antas ng buhay.