RED POV
Naramdaman ko ang pag vibrate ng cellphone ko. Ok alarm ko toh. Kaya agad kong kinuha s gilid ko at ini-off agad yon.
Tinatamad ako pumasok...pakiramdam ko masasakit ang katawan ko. Babangon na sana ako pero...
😑
😳
😳
😳
T*ngina bakit ganito ayos ko?
Tiningnan ko ang katawan ko.
😳
OMG!
OMG!
OMG!
Napatayo ako at patakbong tiningnan ang sarili ko sa salamin.
Magkakahalong kaba at takot na di ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon.
OMG! Hindi pwede ito.
Madami akong red marks sa leeg ko... lalo na sa bandang tyan at dibdib ko! Hindi ito maaari.
Bakit wala na akong suot maski panty! Lintik!
Anak ng tupa! Paking syet! Paano ito nangyari?
Tumingin ako sa kama at nakita kong nagkalat doon ang mga damit ko. Sumakit ang ulo ko kaya dahan-dahan akong bumalik don at napa-upo.
Sh*it pinilit kong alalahanin ang nangyari sakin kagabi...
****flashback****
Buzzzzt! Buzzzt! buzzt!
Sinagot ko ang tawag sa phone ko.
"Oh?" Sagot ko sa hipon na tumatawag sakin
"Langya! Akala ko dito ka sa loob ng school magdodorm!?" sigaw niya sa kabilang linya.
"Nagbago isip ko eh..nalaman ko kasing may hipon na gusto daw maki-share sa tutuluyan ko" malungkot na sabi ko.
"Ano ba naman yan imbes na makatipid ako eh! alam mo namang ayokong maaalis ka sa paningin ko, baka kung ano gawin mo sa sarili mo!" naiinis na sabi niya.
"Ayoko may kasama sa kuwarto alam mo naman yan di ba?" sagot ko sa pag-iinarte niya.
"Asan ka ba? Wait beshy, bakit parang ang ingay diyan!? don't tell me umiinom ka na naman!?" pasigaw niyang sabi sa akin.
"Sige na bye. Pauwe na din ako." agad kong pinutol pag-uusap namin at di na siya binigyan pa ng chance makapagsalita.
Bumalik ako sa bagong condo unit ko.
Binili ko agad itong unit na ito nang malaman kong nagbabalak si Hetti na magdorm kasama ko. Lahat ng naipon kong pera sa pagraraket ko nung nakaraan ay ipinundar ko na dito. Bukod sa safe ang place ay tahimik dito at malapit lang sa school. Ayoko ng may kasama. Maingay at Maarte sa paligid si Hetti. Baka mag-away lang kami 'pag nagkasama kami dito sa unit kong ito. Di ako nagdadamot.Sadyang ayoko lang talaga ng may kasama sa ngayon.
Nahihilo na ako at unti-unti na napapapikit ang mata ko. Pagkabukas ng pinto agad ko lang iyon isinarado at dumiretso na sa kama ko.
"Bahala na bukas pag gicing ko" sabi ko sa sarili ko. Gusto ko ng matulog at kalimutan ang lahat.
BINABASA MO ANG
Fate
General FictionAng kuwentong magpapatunay sa atin na ang pag-ibig ay walang pinipiling antas ng buhay.