HETTI POV
Hi Hetti here! Bwahahahaha!
Matapos kong makautang sa isang baliw na Red L. Montecillo ay syempre pa dumiretso agad ako sa pinakamalapit na palengke ditto sa amin para bumili ng mga notebook at ballpen...OO tama Palengke! sa mga Mall Bookstore kasi eh nasa P40.00 ang mga notebook samantalang sa palengke ay nasa P12.00 lang laking tipid diba dagdag mo pang nakabawas din ako ng pamasahe
Ang cool ng pangalan ng Beshy ko diba!?
Red L. Montecillo
Tinuturing ko siyang Bestfriend.
Bakit? Dahil siya ang nakilala kong magaan ang loob ko at matiyagang nakikinig sa mga drama ng buhay ko. 70% ata ng pagkatao ko alam niya. Kahinaan ko, gusto ko, lakas ko, pangarap ko...at marami pang iba. Lahat alam ng baboy na un.
Ewan ko ba bakit bigla yan tumaba kung kelan nagkaproblema son lumaki ng lumaki. Pinabayaan niya sarili at figure niya. Madalas niya ako tawaging hipon kahit di naman totoo. Kaya ng tumaba siya ay baboy ang naging pang-asar ko sa kanya. Bwahahaha napakalaki naman kasi talaga ng inilaki ng bestfriend kong yon. Bwahahahha!
Minsan nga nung highschool dahil sa kakadikit ko sa kanya, nalilito ang mga guys na nakaka-kilala sa amin kung sino ang liligawan nila sa aming dalawa ni Red. Pareho kasi kaming maganda, magkaiba nga lang ng aura.
Maamo ang mukha ko at maporma. Laging sunod sa uso ang mga damit na suot ko. Babaeng babae. Madalas sinasabi saken na parang barbie ang kagandahan ko dhil nga sa bukod na matangkad ako eh slim na slim talaga ang figure ko. Pansinin ang kagandahan ko. Yan din ang madalas sinasabi sa akin ng nanay ko. Hehe
Si Red naman eh kakaiba. Iba talaga siya. Kaya niyang itago ang sariling nararamdaman niya. Nakaka-intimidate ang kagandahan niya. Halata mo kasi sa way ng pagsasalita niya na matalino at mapang-asar siya.Di siya friendly, laitera pa nga kung tutuusin. Masama kung maka-tingin kaya takaw away ang kanyang kagandahan. Minsan nga nagtataka na lang siya may mga umiirap na lang sa kanya at nagpaparinig. Basta iba ang ganda niya. Noong di pa siya mataba, ibang klase ang pagka balingkinitan niya. Madalas siyang nabobotong muse sa klase namin taon-taon at syempre ako lang naman ang inyong lingkod ang palaging kalaban niya. Wala naman kasi talagang papantay sa ganda namin. Totoo iyon. Everytime na may nagpapahaging sa kanyang manligaw o kaya ay may nararamdaman siyang mga lalaking nanliligaw na, prangka niyang haharapin para patigilin na at di na umasa pa. Kaya madami ang naiintimidate sa kanya. Kakaiba siya.
Papaasok na ako ng gate ng maaninag ko sa bintana ni Beshy ang isang malaking bultong parang nagmomowdel-mowdel pa,.ang malupit pa doon ay nakatapis lang ito ng tuwalya.
Psh! Aga-aga mukhang nagdadrama na naman si Beshy.
Pinuntahan ko ang pinto niya at kumatok doon.
"Red! Red! Baboy buksan mo ang pinto!" Malakas na sigaw ko
"Anong ini-iingay ingay mo jan?" kunot noong sabi niya pagkabukas pa lang niya ng pinto hehe
"Tara sa bahay ka na mag-agahan. Hehe" anyaya ko sa kanya hbng itinataas ko ang pandesal na binili ko lang ngaun sa bakery malapit dito sa compiund namin.
"Okey." walang kakuwenta kuwentang sabi niya.
"Taray full of energy tayo ngaun ah! may milo sa bahay ipagtitimpla kita hehe" pang-aasar ko sa kanya at tiningnan niya lang ako ng masama.
Sumabay na siya sakin papuntang bahay.
"Ma ihanda moang mga itinatago mong magagarang mga baso, may makiki-kain sa ating inutangan ko ng pera kahapon!" sigaw ko kay Mama hbng papasok kami sa bahay
BINABASA MO ANG
Fate
Narrativa generaleAng kuwentong magpapatunay sa atin na ang pag-ibig ay walang pinipiling antas ng buhay.