Chapter 11 (Amazed)

3 0 0
                                    

RED POV


"Miss..Miss?" naramdaman kong may tumatapik sa akin

"Miss?? Hey wake up..." ulit pa niya sa mejo masalakas na pagtapik sa balikat ko kaya naman unti-unti kong iminulat ang mga mata ko...

At sumalubong sa akin ang isang nakakasilaw na imahe ng pagkaguwapo...totoo ba ito?

"Malapit na mag-time..." sabi pa niya

Shemay...nananaginip ba ako!? Umiling-iling pa ako at kinalog ang ulo ko ng bahagya..pero totoo gising na gising ako!

"Ah eh Thank you" ayun na lang ang sabi ko dahil nacoconcious ako sa tingin niya.

Ngumiti siya dahilan para mejo maihi ako sa hiya

"I'm Drew by the way" inilahad niya pa ang kamay niya senyales na gusto niya ako makilala pero di ko natugunan yon dahil natutulala ako sa kanya. Ibinaba niya na lang iyon at may kinuha sa bag niya "Here's tissue" abot niya sa akin na ipinagtaka ko. Itiniro niya ang bunganga niya kaya naman na-gets ko.

Hehe.. Jahe ang King-ina!

Inabot ko ang tissue na bigay niya at pinunasan ko na lang ng madiin ang buo kong bunganga at kumuha pa ng isa para sa mata ko baka sakaling may muta.

"Red here" abot ko ng kamay ko sa kanya "Salamat ulet hehe" at nagbeautiful eyes na lang ako para magpacute.

Dumating bigla ang prof namin dahilan para mapaupo kami sa mga pwesto namin.

Kung suswertehin ka nga naman ay talagang dito pa talaga sa tabi kong upuan siya nagdecide umupo..naconcious tuloy ako kung maganda ba ako ngayon. Sinilip ko ang sarili ko sa camera screen ng cellphone ko at napangiti ako ng makitang walang kapantay naman talaga ang ipinagkaloob sa aking akgandahan ng Poong Maykapal.

Wala ako pakialam sa pinagsasabi ng proff namin ang alam koblang ay mukhang strict siya dahil major daw ang subject na ituturo niya..

Tiningnan ko si Drew..itsura pa lang mabait na. Ang cute ng medyo kulot niyang buhok. malinis din siyang manamit hanggang sa sapatos niya. Nakakahiya namang idikit ang converse shoes kong madumi.

Natapos ang subject namin ng dibko namamalayan. Basta ang alam ko lang eh madaming pinabibiling kung ano-anong drawing materials at pang-sukat ang prof namin.

"Grabe! Major nga ang subject na ito, mukhang KJ ang lecturer natin. Korni ang p*tcha" sabi ko habamg nag-sstretch ng katawan

"Whoah! Haha smartmouth! Your funny!" sabi niyang naaamaze sa akin

Magpapacute pa sana ako ng maramdaman ko angbpagvibrate ng cellphone ko sa bulsa. Kinuha ko 'yon at walang dudang si Hipon ang tumatawag..


BrzZZt! BrzzZt!

"Oh ano wala ka na namang pamasahe?"

["Haha ok ka na? Bakit alam mo?"]

"My third eye ako eh"

["Bakit multo ba ako. Baliw di ako mangungutang! Ireremind ko lang na ngayon na ----"]

"Oo magjojogging ako! gusto mo gawin ko pang 3hrs eh!"

[so saan tayo magkita?"]

"Di na baka sabihin may kasama pa akong hipon!"

[Hahhaha"]

"Oh sige na bye na"


FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon