RED POV
🎶 Oo nga pala...
Hindi nga pala tayo...
🎶 Hanggang dito lang ako
Nangangarap na mapasayo 🎶
Nagising ako sa isang napakadramang tugtug na narinig ko. Peste!
"anak naman ng pating aga-aga emo!..tsk!" nasabi ko na lang sa utak ko "pakingsyet!" napatakip ako ng unan sa ulo ko....pero..
🎶. Nahihilo, nalilito
Aasa ba ko sayo? Aasa ba ko sayo? 🎶.
Langya bakit parang mas lumakas?
"Letse!" inis na talagang sabi ko sabay biglang bangon.
Kung pede lang mang-pakyu ng kapitbahay ng harap-harapan..haist! Agad ako pumunta sa banyo para magmumug at maghilamos. Mamaya na siguro ako maligo para tipid tubig, wala naman aamoy saken hehe.
Napatingin ako sa oras. "Anak ng 2PM na pala!" kaya pala ngpapatugtug na mga kapit bahay kala ko naman maaga pa.
Nagsaing ako at nagluto n lang ng sardinas na may itlog para sa aking Brunch- pinaghalong Breakfast at Lunch. Favorite ko toh kaya ko kumain ng isang linggo na ito lang ang ulam, masarap na malangsa pa. Hehe 😆
Tok! Tok! Tok!
Napakunot noo ako ng may marinig akong tatlong katok na kasing tunog lang ng parang inuntog na ulo ng pusa sa pinto kaya agad ako sumilip muna s bintana para alamin kung sino. Kahit pa expected ko naman na kung sino.
"Ay ikaw yan?" Tanong ko sa hipon na kumakatok.
"Hindi..Hindi ako to!? Nagha-Hallucinate ka lang... Ano ba!? Bilisan mo, buksan mo to!" Ganyan siya. Maingay. Normal niya yan.
Siya si Hetti. Ang taong pumapapel sa buhay ko at pinagkakalat na magbest friend daw kami kahit simpleng tropa lang naman ang turing ko sa kanya. Matagal ko na siyang kakilala, highschool pa lang kami naging sandalan n namin ang isat isa . Mas madalas nga lang siya. Sabay nga ata kami nito niregla sa sobrang dikit niya sa akin. Maganda siya, di nga lang ma-appeal.
"Kagigising mo lang ano? Tanong niya.
Tsk! Yan ang ayaw ko sa lahat...nakikita na nga sinasabi pa.
"Mukha kang mabaho pero mabuti na lang blooming ka sa umaga. Oh para sayo, pinabibigay ni Mama hehehe" abot niya sa akin ng isang platitong may ampalaya habang nagpapacute.
One of my favorites...nyumnyumnyum!
Alam ko na bakit andito 'to ngaun nandito sa harap ko. Alam na alam ko na ang mga ganitong modus ng babaitang ito.
"Mangungutang ka na naman ba? Please lang huwag ngaun." mahinang sabi ko.
"Lakas ahh! Hahahaha! ramdam na ramdam ahh! Grabe ka P250 lang! Ang sama mong kaibigan, natitiis mo na ako ng ganun ganun lang! Kumain ka na muna para maya-maya magbago na desisyon mo...Hahaha!" Malakas at tumatawang sabi niya.
Bumalik ako sa niluluto ko at sinandok na yun para makakain na.
"Tara kain." anyaya ko sa kanya.
"Huwag na. I-cash mo na lang hehe" agad na sagot niya ng may nakakabuwisit na ngiti.
"Masarap naman ito" anyaya ko ulet.
BINABASA MO ANG
Fate
Ficción GeneralAng kuwentong magpapatunay sa atin na ang pag-ibig ay walang pinipiling antas ng buhay.