Chapter 13 (Fit for you)

0 0 0
                                    

Nag-enroll ako dito sa Gym malapit sa unit ko...Isang buwan.Isang buwan

Gusto ata ako patayin ng guwapong anghel na 'yon..tsk! Ginabayan niya kasi ako kaninang umaga sa routine daw na gagawin ko para sa isang buwan kong session

20 minutes Cardio (walking in threadmill)
30 minutes Cardio (running in threadmill)
3 x 20 times squat (with 6lbs bar)
3 x 20 times sit-ups
3 x 20 cycling crunches
2 minute elbow planking
20 minutes Cardio (walking in threadmill)
30 minutes Cardio (running in threadmill)
25 times arm hanging
25 times  jumping jack

Ayan..ayan daw ang routine na makakatulong sa akin..in less than two weeks kuno makikita na ang pagbabago sa katawan ko basta sasabayan ko lang daw ng 3 times a week na pag-jogging.

Bukod 'dyan ay binigyan din niya ako ng guide sa mga kakainin ko kuno.

Matindi siya. Di ko naman goal ang maging buto-buto..Tsk! mukhang hindi ata kami nagkaintindihan na gusto ko lang bumaba ang timbang ko. Ano ba ang klasipikasyon niya ng pagiging fit?

Pero andito na ito...di ko sasayangin ang Six thousand kong inilabas para sa 1 month program na ito. Nakatipid pa nga ako dahil napaka-mahal naman talaga ng bayad dito, imagine halos nasa 17,000 lahat. Ang mahal naman talaga pag sa mga pang-yamanin na gym eh halos di rin naman ito naiiba sa ibang gym na dati ay napupuntahan ko.

Sadyang binigyan lang ako ng napakalaking discount nag anghel ko. Ang katunayan ayaw niya tanggapin ang bayad ko pero nung umalis siya sadyang ipinagpilitan ko lang iyon sa kapatid niya.

Matapos ko maglambitin ng ilang ulit sa hanging bars ay nagpahinga na lang muna ako saglit.

"Okey na 'ko" sabi ko sa sarili kong basang basa ng pawis. Paano ba naman binigyan nila ako dito ng thermal suit, nakakatulong daw iyon lalo para pagpawisan ka ng madami. Kaya 'eto ako feeling malagkit na matapos ang dalawa't kalahating oras.

Nagligpit na ako at nagbihis para makapag-ready ng umuwi.

Hinahanap ko si Hetti sa floor ng makita ko si tukmol na busyng-busy sa kakabuhat ng mga dumbells doon habang nakaupo. Kung tutuusin ay di naman na niya kailangan magwork-out pa dahil sakto lang naman ang katawan niya. Sakto para mabugbug ko.

Naalala ko tuloy na naglalandian sila kanina ni Hetti sa likod ko at may pahawak-hawak pa silang nalalaman. Tiningnan ko ulet siya at mukhang wala sa sarili ang ungas dahil di niya alintana ang mga babaeng nagpapansin at nakapalibot doon sa kanya. Napangiti ako.

Hehe maasar nga si tukmol bago maka-uwi...

Lumapit ako sa bandang gilid niya at pinanuod siya dahilan para magsipag-taasan mga kilay ng mga babaeng andoon..

Tss mga papansin...

Pinanood ko si tukmol..wala nga siya sa sarili niya dahil parang nagsasalita pa siya sa sarili.

Lumapit pa ako bahagya sa kanya para marinig ang mga kaabnormalan niya..

"...may nangyari sa amin."

"May nangyari sa amin."

Huh? nino, nung kahalikan niya kahapon sa parking!? Yuck!  Tsk! Womanizer...

"Nino?" tanong ko sa kanya

Pero kitang kita ko ang pagkagulat niya sa tanong ko. OA amp*tsa!

Di siya nakaimik at mukhang natulala na naman sa kagandahan kong walang kupas. Nakanganga pa ng bahagya ang bunganga niya...

Kinunutan ko lang siya ng kilay pero di pa din naalis ang pagkagulat niya na akala mo ngayon lang nakakita ng mataba pero nuknukan ng kagandahan.

FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon