Chapte 7 (This is war)

4 0 0
                                    

SIMON POV


"Aray p*tsa! sino- " May pumitik sa tenga ko! Inis akong pumihit sa likod para makita sa likod kung sino yin pero...whaaaaa!!!

😳😱😳

Bakit ba bigla-bigla na lang siya sumusulpot sa harap ko!?

"Di ka pa pala nakakamove-on sa ganda ko. Hanep! inis na inis ahh!" mayabang na sabi niya.

Di ako nakapagsalita dahil sa gulat.

Pero takte! ang sakit ng pitik niya kaya hanggang ngayon nalahawak pa din ako sa tenga ko..

"Uy magkakilala na kayo!?" excited na tanong nitong Hetti daw siya.

"Di ako mahilug magpakilala unless gusto talaga ako neting makilala" mayabang na sabi ng bakulaw sa harap ko

Aba di pwede 'tong nadedehado ang kaguwapuhan ko..kahit na mukha kang horror kakasa ako sayo. Kaya tumayo agad ako at marahas siyang hinila sa kanyang braso...

"Who give you the permission to do that!? Sino ka ba sa akala mo ha?!? Bakit mo ako pinitik!?" gigil na sabinkobsa mukha niyang....oo maganda pero mukha siyang bakulaw

Tiningnan niya lang ako ng masama sa mata...at unti-unti niya iyon ibinaba sa kamay kong nakahawak sa braso niya..

"Pinagbantaan na kita, sabi ko walang basta bastang nakakahawak sa akin..bibilangan kita hanggang dalawang segundo..aalisin mo yan o aalisin ko mukha mo.." walang emosyong sabi niya

Narinig ko mga bulungan ng mga klasmeyt namin dito...

(oww...may riot!)

(psh! parang mga bata! mga walang mama at papa)

(dito pa ba talaga sila mag-aaway)

"Isa..." bilang niya at saka lang bumalik sa kanya ang atensyon ko.

"Dalawa!" matapos niyang banggitin ang bilang 'non ay hinagis niya pabalibag ang kamay ko at agad niya akong sinuntok!

WTF!

Nagulat ako sa ginawa niya ganun din ang mga klasmeyt namin ni Hetti dito sa room. Napaatras akong bahagya sa lakas 'non mabuti na lang at di ako natumba.

Napangahan ako dun ah! at parang medyo nagblack-out ang paningin ko.

"Sh*t! walanghiya kang bakulaw ka!" sigaw ko sa kanya habang hawak pa din ang panga ko.

T*ngna buksengero pala ang bakulaw na ito!

Akala ko ay matitinag siya ng sigawan ko siya pero kinabahan ako ng lumapit siya sa akin at kwelyuhan ako

"Ayoko sa lahat eh yung hinahawakan ako naiintindihan mo!? At ayoko din sa lahat eh mga baklang napaka-tsismoso"

...aba masyado naman na ata 'tong sumosobrang bakulaw na ito...

Tinulak ko siya ng malakas para mapalayo sa akin mabuti na lang at napaatras siya at di naman pala ganon kabigat sobra ang mga taba niya.

"Wag mong uubusin ang pasensya ko bakulaw! Isa kang malaking bakulaw"

Susugod pa sana ulit siya saken pero nangibabaw ang boses ng Lucas Del Rosario na ito at agad na umawat sa amin

"What's happening here" sabi niyang pumagitna samin' ni Bakulaw

FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon