RED
Dadaan sana ako sa room nila Hetti pero nagtama agad paningin namin ng tukmol na iyon! Masama pa din ang kanyang tingin at salubong na salubong ang kilay!
Kaya naman.....
😳😛🌵
1. Pinanlakihan ko siya ng mata!
2. Binelatan! (Bleh!)
3. Pinakyuhan! (dalawang kamay na para may baon siya hanggang pag-uwi)
HahahaHaHa Laughtrip ang reaksiyon ng mukha niya! Yung tipong gustong gumanti pero di makaganti BuwaHahaHa!!!!!
Nang makita ko ang prof nilang lumabas agad ko ng bilisang maglakad papuntang canteen. Doon ko na lang hihintayin si Hetti.
(Nararamdaman ko lumilindol!)
(Ayan na si Ms. Bakulaw..tumabi kayo baka maipit kayo)
(Hahha siya pala si Ms. Bakulaw)
(Ms.Bakulaw in the house)
Tsk! Okey lang sana kung nagbubulungan lang eh...'nyeta ibinabalandra pa ang mga tsakang mga pagmumukha nila!
Tsk! Tsk! Tsk!
Huminto muna ako sa harap ng grupo ng mga nag-uusap na 'toh..tiningnan ko lang sila, gusto ko makita kung magsasalita pa ba sila ngayong pinag-aaksayahan ko sila ng panahon tingnan..
At sa wakas ay may naglakas ng loob..
Ok show me your angas..."Ahm..excuse me!? May i ask why are you here!? do we know you?" tanong ng isang babaeng may mumurahing brace sa ipin.
May kasama din siyang isang lalaki at dalawa pang babaeng mukhang kutuhin--yung isa bansot..yung isa naman ay..eeww nevermind! basta madami siyang pimples!
"Gusto ko 'weh! share niyo naman topic niyo dyan..mataba ako diba?"
Kumunot ang noo ng babaeng may mumurahing brace "And so!? true naman diba!?.di lang mataba, lumba-lumba pa! Tingnan mo nga sarili mo, sakop mo ang hallway! akala mo kung sino kang siga dyan na naglalakad! naka-headset pa, di ba naiinitan yang leeg mo--ow, sarreh! wala ka palang leeg duh!" sabi niya habang nakataas ang kilay niyang di pantay ang eyebrow.
Pssh! Daming sinabi..di naman bagay sa mukha niya mga pinag-aarte niya..
"Tsk! ayon na 'yon???" painsultong sabi ko na napangisi
"What!?" maarteng sabi niya na nakanganga expose tuloy mga tartar niya sa brace
"Eh kung sabihin ko sayong sa kabila ng katabaan ko eh nag-uumapaw yang kapangitan mo!?"
Kumunot ang kilay niya at namula siya sa galit.
"Tsk! alam mo bang mas mahal pa itong headset ko dyan sa brace mong nakasalpak dyan sa ipin mo!?" sinadya kong nilakasan pagkakasabi ko para marinig ng iba hehe
"Ms. Bakulaw please, mga simpleng babae ang mga kasama ko, they are not here para awayin mo so fuck off!" biglang awat sa amin ng lalaking kasama nila.
Tsk! girlfriend niya ba itong babaeng naka-brace na ito!? tsk eeeww! kadiri!
Hinarap ko siya ng naka-cross arm "Anak ng teteng din kayo eh ano!? kayo 'tong parinig ng parinig about sa katabaan ko tapos kung maka-react kayo ngayong hinarap ko kayo eh ang lumalabas parang kayo pa itong aping-api! Kung di kayo ready harapin ako huwag kayong mag-sasalita ng masama sa harap ko! --- dahil pagsama samahin niyo pa mga mukha niyo di uubra yan sa laki ng katabaan ko!"
BINABASA MO ANG
Fate
General FictionAng kuwentong magpapatunay sa atin na ang pag-ibig ay walang pinipiling antas ng buhay.