SIMON POV
Nagising akong masakit ang ulo ko.
Argh! Kung papaano akong nakarating dito ngayon sa kuwarto ko ay hindi ko na alam. Ang natatandaan ko kagabi ay masyado akong naagpakalango sa mga alak na ininum namin ni Lucas.
Simula ng umalis ang mga parents namin patungong Europe naging sabik kami ni Lucas sa ganitong lifestyle. Mga bagay na di namin nagagawa noong mga panahong andito sila. Hindi istrikto ang Daddy ko, katunayan napaka-cool niya baka nga kung malaman niyang umiinom na ako ay tapikin pa ako 'non at buong ngiting sabihing "I'm so proud of you my son!" o kaya naman ay "Di ka lang talaga guwapo anak.,manang-mana ka sa Daddy mo!".
Matino akong anak kay Daddy. Though alam kong part of growing-up ang mga ganitong bagay nung highschool, ay di ko kailanman ginawa...bakit? Dahil masyado ako naging focus sa pag-aalaga kay Daddy. Second year highschool ako ng mawala ng biglaan si Mommy dahil sa atake puso. Nasa school ako ng mga panahong iyon at nagulat na lang ako ng sinalubong ako ng mga katiwala namin sa bahay ng umuwi ako at sabihing nasa ospital nga si Mommy at Daddy . Napaka bilis ng mga pangyayari ng mga panahong iyon...naging napakalungkot ng buong bahay. Katunayan ay halos dalawang taon niyang di iyon matanggap, dumaan siya sa matinding kalungkutan na nauwi sa depresyon. Kaya naman habang tinatapos ko ang highschool ay sinikap kong huwag ng bigyan ng mga alalahanin pa si Daddy. Iniwasan ko ang mabarkada sa mga masyadong pa-cool naming mga klasmeyt ni Lucas. Nagpasya din muna akong huwag muna mag-college at unti-unti tulungan si Daddy na labanan ang kanyang depresyon pati na din sa mga napapabayaan niyang negosyo.
Naging positibo ang idinulot ng desisyon kong iyon. Nagising siya sa katotohanan at unti-unting bumangon para magmove-on sa lahat ng mga nangyari. Doon ko napatunayan na bukod sa may guwapo akong mukha ay may angking kakayanan din akong mag-manage ng mga negosyo. Napabangon kong muli ang mga kumpanyang mga napabayaan ni Daddy sa loob lamang ng walong buwan. Ganoon' kalakas ang karisma ko sa mga investors.
Pero sadyang mataas siguro ang pangarap ko, hindi para sa akin ang ganitong basta-bastang linya ng trabaho. Mas gusto kong maging engineer saka ako hahawak ng kumpanyang ima-manage ko. Nakaplano na sa utak ko o ang mga dapat akong gawin. Unang-una kong iha-hire na empleyado ay si Lucas, bilang security guard dahil mukha rin naman siyang Labrador.
Ang parehong Dad namin ay matagal na ding magkaibigan at magkasosyo na nga din sa ibang business. Katunayan ang biglaang pagpunta ng mga parents namin ni Lucas sa Europe ay parehong di namin inaasahan, 'nang magtanong naman kami ay may hahalagang negosyo daw silang ipapakipagsapalarn doon. Pinilit din nila kaming sa Concordia Hill International College School dito sa Antipolo- isang international school na pagmamay-ari nila Pitbull. Hindi biro ang tuition sa school na ito- kaya karamihan ay mga anak ng negosyante, artista, foreigner at pulitiko lamang ang nakakapag-enroll dito. Mas pinili na din nila Dad na dito kami mag-aral dahil bukod sa mga guwapo, ay para na kami ay amipara makaiwas ng mga magkakasunod na death threats at banta ng kidnap na pwede mangyari sa amin anong mang oras.
BzzZng! BzzZng! BzzZng! BzzZng!
Naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko. Kinapa ko ang magkabilang gilid ng kama para hanapin 'yon at sagutin ang tawag ng kung sino man 'yon. Di ko na tiningnan kung sino ang tumatawag. Nakapikit pa din akong sinagot 'yon dahil antok na antok pa ako.
"E-ellow?"
Pero walang sumagot kaya nagtanong akong muli.
"Hello!?"
"Tanghali na anak pero mukhang kagigising mo lang.."
Napamulat ako bigla... Wait! seryoso!?
BINABASA MO ANG
Fate
General FictionAng kuwentong magpapatunay sa atin na ang pag-ibig ay walang pinipiling antas ng buhay.