PROLOGUE

9 0 0
                                    

(Ako ang nag-iisang tagapagmana ng aking ama sa Group of Companies na kanyang hinahawakan. Hindi lang dito sa Pilipinas pati na din sa ibang bansa. Dapat masaya ako doon...

Pero taliwas ang nararamdaman ko. Hindi lahat ng mapera at may mararangyang buhay ay masaya. Kung masaya ako bakit lango ako ngayon sa alak at naiiyak ako sa sobrang kalungkutan?)

Bumaba ako ng sasakyan at ibinigay ang susi niyon sa valet. Pinagmasdan ko ang kabuuang ng The Avery Tower - ang paborito kong condominium tower na pagmamay-ari ng pamilya ko. Ang property na masasabi kong isa sa mga unang pagmamay-ari ko.

Pumasok ako doon at paika-ikang tinungo ang lugar kung saan ang elevator para sa mga tulad kong private owner at VIP. Bumukas ang elevator matapos kong i-tap ang ID card. Pumasok ako at pilit kongvisinanadala ng katawan ko sa kabilang kanto at hawak sa mga gilid niyon

Napatingin ako sa taong nag-aassist ng elevator at agad sumenyas dito dahilan para sapat  na niyang malaman na ayokong sabayan pa niya ako hanggang sa floor ng unit ko.

Pinindot ko ang button ng floor ko at bumalik sa pwesto ko.

(Dapat masaya ako dahil ako ang nag-iisang tagapagmana ni Daddy pero bakit di ko magawa iyon. Madaming bagay ang dapat isantabi at isakripisyo muna, hindi ba pwedeng maging masaya na lang? )

Natawa na lang ako sa mga kadramahang tanong ko sa sarili ko.

Psh! Overacting Idiot!

Pasarado na ang pindo ng biglang may pumigil niyon at pumasok ang isang babae. Sa tipo ng lakad niya ay nasisigiro kong lasing din itong tulad ko. Nakasuot siya ng kulay abo na maluwag na long sleeve hanging tops at leggings.

Pinilit ko siyang pagmasdan kahit nanlalabo ang aking mga mata-  Katamtaman ang height, morena, balingkinitan- hindi payat at hindi din mataba, saktong sakto lang, nakatali ng maluwag ang kanyang medyo kulot na buhok. Gustuhin ko mang makita ang mukha niya ay hindi ko magawa dahil nakasuot siya ng cap.

Nang sumara amg pinto ng elevator ay paika-ika at nanalalambot pa siyang humarap sa mga button at nakita kong kung ano-ano lang ang pinagpipindot niya doon na parang loka-loka pang natatawa.

Psh! iinom-inom hindi naman kaya ang sarili

"Miss...Miss stop that! anong floor mo?" sinikap kong magtanong sa kanya kahit nahihilo na ako

"Don Don Basta don! don ako eh" sabi niyang tumuturo kung saan-saan habang natatawa pa. Pipindutin na naman ang mga buttons na hindi niya pa napapailaw ng pinigil ko siya.

"Hey! Stop it!" at hinawakan ko pa ang magkabila niyang pulsuhan para tumigil siya ngunit tumatawa lang siya.

"Dont stop me..manga huwala kayong kuwenta..hahaha" hibang niyang sabi.

Hinihila niya sa akin ang kanyang mga kamay at di ko naman iyon binitawan. Kahit nanghihina pinilit kong padaigin ang aking lakas para di siya makapanglaban sa akin. "Ayaw mo ha..." sabi niya at maya maya lang ay inilapit sa akin ang kanyang mukha. Akala ko ay iuuntog niya sa akin ang kanyang noo ngunit nagulat na lang ako ng bigla niya akong sunggaban at halikan ng napakadiin.

Madiin. Mainit. Nanlalaban.

Nalasahan ko pa doon ang kung anumang alak na ininum niya. Ngunit mas lalo akong nagulat sa kanyang ginawa ng maramdaman kong mas lalo niyang idinidiin sa akin ang kanyang katawan para maisandal ang aking likod.Itinaas niya ang kanyang mga kamay na hawak ko pa rin at iniyakap iyon sa aking leeg at batok.

FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon