CHAPTER TWO
TALENTADO ang administration ng paaralan. Nadawit ang paaralan sa eskandalo ng torture at murder ng guro na si Ms. Ong. Pero nalusutan nila with ease ang eskandalo na kumalat dahil sa guro.
Ang principal at president ng school na si Principal Felicidad Santos ay kasapi ng kilalang political dynasty. Ang tatlong kapatid nito ay nakaupo sa mataas na position ng gobyerno. Governor ng Camarines Norte ang bunsong kapatid nito. Kaya nang mag-imbestiga sa paaralan ang mga pulis, abot-abot lang ng sobre, lusot na.
Ganoon din ang nangyari nang dalhin sa national level ang kaso ni Ms. Ong. Nakaupo bilang isa sa Justices ng Supreme Court ang isang kapatid ng principal. DepEd Secretary naman ang panganay na kapatid nito.
Dagdag pa na walang pamilya ang tatlong biniktima ni Ms. Ong. Walang nagsasampa ng kaso o reklamo kundi ang NGO na lumalaban para sa children's human rights.
Tumindi ang repustasyon ng discipline boarding school sa bayan ng Santa Barbara. Dahil sa eskandalo ni Ms. Ong, nakilala ang boarding school mula Mindanao hanggang Luzon.
Sa isang iglap, burado ang pangalan ni Ms. Ong sa records ng Faculty. Lumalabas na walang tinanggap na Ms. Judy Ong para magturo sa paaralan.
Lumabas sa imbestigasyon na walang kasalanan ang Green Knoll Academy sa nangyaring torture at murder. Abswelto na ang paaralan sa kaso at tuloy ang kwento ng wooden patpat at dungeon.
Binabartolina ang students na quota na sa discipline record. Tuloy, nagkaroon ng reputasyon ang paaralan. Green Knoll Academy was a boarding school at the top of the mountain for unwanted children with no place to call their home. Naghihintay ang boarding school para sa mga batang kailangang bigyan ng disiplina at tirahan.
Classmates kaming apat sa Geometry. Bago ang teacher namin. Hindi pa nagsisimula ang period kaya riot ang buong klase habang hinihintay si Mr. Collins. Lumilipad ang black board eraser, chalk at paper airplanes. Tawa dito, tsismis diyan.
Gulat na gulat kaming tatlo sa kwento ni Patricia.
"Alam ni Jax?!" bulalas ko, "Paanong alam niya kung sino-sino ang miyembro ng Dart Pins?!"
"Shhh! Gumamit ka ng megaphone, Diamond. Hindi ka rinig sa buong classroom!" sita sa akin ni Arietta.
Sinapo ko ang bibig ko at tumingin sa paligid. The coast was clear.
"Ming hindi ko nga nakita si Jax sa paligid nang tirahin mo si Ms. Ong," sabi ko kay Patricia, "Paano kung isa lang 'tong bluff?"
"Even if it's a bluff," sabi ni Rhian, "hindi pa rin tayo safe. Remember, gangster ang problema natin. Kakanta si Jax ano mang oras niya gustuhin."
"Tama si, Rhian. Kung pwede lang, bibingwasan ko si Jax Jaime. Aba! Gusto pa akong gawing alalay ng magkapatid. Mga putang-ina!"
"Calm down!" awat ni Arietta. "Ang mabuti pa, ako na ang magbabayad sa kanila."
Huminga nang malalim si Patricia. Sa aming apat, si Arietta ang pinaka mapera. Ulilang lubos na si Arietta. Magulang ni Arietta ang nagpapatakbo sa Golding Sandals noon. May iniwang trust funds ang parents nito at makukuha lang iyon ni Arietta sa oras na magdebut ang kaibigan namin. Nevertheless, financially abundant si Arietta dahil maalaga ang Uncle Julian nito.
"Sa akin ka na lang magbayad, Patricia," dagdag ni Arietta.
"Ayoko. Malaking pera ang ilalabas mo. Kasalanan ko 'to, okay? Isa pa, hindi ako lumapit sa parents ko."
"Patty, nakataya rito ang stability ng grupo. Paano kung hindi mo mapigilan ang attitude mo? Maaasar si Jax Jaime at kakanta siya."
"Attitude?! Wala akong attitude problem!" deny ni Patricia. "Kaya ko 'to. So keep your own money, Arietta."
BINABASA MO ANG
Patricia Orwell
Teen FictionUmusbong ang vigilante group sa loob ng Green Knoll Academy. Tinuturing ng mga estudyante na bayani ang mga Dart Pins. Taga ligtas mula sa mga villainous being sa loob ng paaralan. At kabilang sa Dart Pins si Patricia Orwell. Naging upside down an...