CHAPTER SEVEN
"SO PAANO kayo nagkamabutihan ng anak ko?" tanong ni Senador Omega kay Patricia.
Muntikan nang masubo nang buo ni Patricia ang beefsteak na sinubo niya sa hapag kainan. Dahil katabi niya ang boyfriend niya, maagap nitong inabutan ng tubig si Patricia at tinapik ang likod ng dalaga.
"Uhm," sambit ni Patricia. Kitang-kita niya ang antisipasyon sa mukha ng senador.
Ring! Ring! Ring! Tinignan ni Senator Omega ang phone nito at nag-excuse sa hapag kainan. "Hello? WHAT?! You son of a bitch! Ayusin mo ang gusot na ginawa mo!" sigaw nito sa kausap, "Ang ayoko sa lahat 'yong niloloko ako!! Gusto mo bang ipaalala ko sa 'yo ang ginagawa ko sa mga sinungaling?!"
Dagling namutla si Patricia. Ayaw niyang malaman kung anong ginagawa ng senador sa mga friends ni Pinocchio.
Hinawakan ni Jax ang kamay niya sa ilalim ng table. Sumulyap si Patricia sa binata. Nahuli niya itong titig na titig sa kaniya at mukhang aliw na aliw sa reaksiyon ni Patricia. Pinisil nito ang kamay ni Patrica, ginagarantiya na wala siyang dapat ikatakot.
Tapos na rin sa wakas ang senador sa kausap nito. Muli nitong binalingan si Patricia at tinanong tungkol sa love story nila ni Jax.
"We-we met—" pinutol ni Jax ang sasabihin ni Patricia.
"I saw her one day, playing darts," simula ni Jax, hawak-hawak ang kamay ng dalaga sa ilalim ng table, "I can't stop thinking about Patricia after that. So I went to the basketball court to watch her play. God, she looked like an angel dress in sweat whenever she jumps to shoot the ball. And when she finally looked at me," Jax hesitated and looked into Patricia's eyes, "I cower in fear. She has the most beautiful eyes—she could see right through me."
Biglang nawala ang kalbaryo sa loob ni Patricia. Dumiretso sa puso niya ang bawat salita ni Jax. Nabitiwan ni Jane ang cutleries nito sa plato at napamaang sa kuya nito.
He continued, "She has a lot of scars in her body," anito at tumingin sa palad ni Patricia, hinaplos nito ang pilat ni Patricia sa pulsuhan at pati na din ang punseras, "Hihintayin ko ang kwento sa mga pilat niya. I will make sure that Patricia will never scar herself again. And for that, she has to be mine." Umangat nang dahan-dahan ang mata ng binata sa mata ni Patricia.
It's cruel of Jax to say those lovely words just for show. Gustong bumigay ni Patricia at maniwala sa mga salitang binitiwan ng binata.
"Hello?" sabi ni Senator Omega sa phone nito, iniwan nito ang hapag para kausapin ang nasa kabilang linya, "Dumating na? That's good. Papunta na ako diyan."
"Okay na," bulong ni Jane, "Hindi naman nakikinig si Papa sa kwento mo, Kuya Jax. I think he's about to leave. You can drop your act now."
Binitiwan ni Jax ang kamay ni Patricia at nag-iwas ng tingin. Sinakop ng pang-uuyam ang ekspresyon ni Jax sa mukha. "You shouldn't be here, Patricia," asik ni Jax, "You made me lie to my father." Tinulak nito ang plato at umalis sa dinning room.
"Kuya!" pagtawag ni Jane.
Lihim na bumuntong-hininga si Patricia. Uminom siya sa baso ng tubig para itago ang kirot. Kumurap-kurap siya at tumingin sa malayo.
MINABUTI ni Patricia na magpahangin sa secret tambayan ng mga Jaime. Sumalubong sa kaniya ang init ng araw. Malapit na itong lumubog.
Kahit pumikit siya, hindi mawala sa isip niya ang intensidad ng titig ni Jax. Gusto niyang takbuhan ang riot sa puso niya kapag naaalala ang haplos ng binata sa mga pilat niya kanina. The way he talked when he said those lovely words...
BINABASA MO ANG
Patricia Orwell
Teen FictionUmusbong ang vigilante group sa loob ng Green Knoll Academy. Tinuturing ng mga estudyante na bayani ang mga Dart Pins. Taga ligtas mula sa mga villainous being sa loob ng paaralan. At kabilang sa Dart Pins si Patricia Orwell. Naging upside down an...