CHAPTER FOUR
"LAST three seconds," sabi ng basketball coach na si Sandra.
Pinasa ng team mate ang bola kay Patricia. Nagdribble siya habang naglalakad across the court. Walang kahirap-hirap na tumigil siya sa three point line at gumayak ng shooting stance.
Hindi na siya binabantayan ng mga kalaban. Three seconds na lang, tapos na ang game.
Tumalon si Patricia at pinakawalan ang bola. Lahat ng mata, sinusundan ang momentum ng bola.
Shoot.
Ngumiti si Patricia. That last shot didn't actually mattered. Lamang ng twenty-three points ang team ni Patricia. Isa pa, practice game lang naman ito.
Pumito si Coach Sandra. "Water break: fifteen minutes."
Lumapit si Charlene, ang team captain ng opposing team, kay Patty, "What are you up to lately?" kunut-noong tanong nito.
"Anong pinagsasabi mo?" inosenteng tanong ni Patricia.
"Hindi makapaglaro nang maayos ang mga players dahil may audience ka, Patricia." Ngumuso si Charlene sa gilid ng covered gym at nakita ni Patty ang grupo ng mga kalalakihan, tumatambay sa bleachers.
Naabutan ni Patricia ang smug na ngiti sa labi ni Jax habang pinapanood ang kanilang practice game.
"Hindi ko kakilala ang unggoy na 'yan," tanggi ni Patricia, sabay iwas ng tingin sa bleachers, "Di kami related kaya hindi ko kasalanan na gusto niyang tumambay dito."
"Talaga lang, huh?" taas-kilay na rebuttal ni Charlene, "Kapatid ko ang kasama ni Jax. Ang sabi niya, initiation nila ngayon sa Sigma Theta dito sa covered gym. Pinepwersa daw silang manood ng practice game natin."
"I don't see why you think this is my fault?"
Nanlisik ang mata ni Charlene. "Itatanggi mo pa? Tumitili ang mga lalaki sa bleachers sa tuwing gagayak ka ng shoot! Nanggugulo sila dito dahil sa 'yo. Nadidistract ang team ko dahil sa presensiya nila."
Patricia rolled her eyes. "Piss off, Charlene. Hindi ko kasalanan na nandito ang frat nila. I told you. Hindi ko sila kakilala." Nagwalk-out siya at lumapit sa drinking fountain.
Simula nang binasag niya ang mukha at katawan ni Lily Doll, samu't-saring kamalasan na ang inabot ni Patricia sa kamay ng mga Jaime. Pangalawang beses na ito na tumambay ang Sigma Theta sa practice game ni Patricia. Nag-iingay sila bago at pagkatapos magshoot ni Patricia ng bola.
Pinukulan ni Patricia nang masamang tingin si Jax Jaime sa mga bleachers. Naabutan niya ang smug nitong ngiti. Kinindatan pa siya matapos magtama ang kanilang paningin.
May kalakip na mensahe ang bawat ngiti at kindat ng binata. Pinapaalala nito ang kahihiyang inabot ni Patricia sa kwarto nito.
Gigil na tinagis ni Patricia ang kaniyang bagang. Aambaan pa sana niya ng kamao ang gangster kaso may humarang sa tapat niya.
"Hello, Patricia," sabi ng isang binata, sabay ngiti sa kaniya.
Hindi alam ng dalaga ang pangalan ng lalaki sa harap niya. Pero kilala niya ito sa mukha. Madalas niya itong nakikitang manood ng practice game nila since last school year.
"Yes? May maitutulong ba ako?" tanong niya.
He laughed nervously. "You probably didn't know me," iwas ng tingin, "My name is Paul. I've been watching you play, and I've never seen a girl like you in court."
Patricia caught her breath. Wala sa hinagap niya na makaka-attract siya ng attention kahit basa siya ng pawis at amoy body odor siya. Inipit niya ang buhok sa tainga at ngumiti nang sobrang tamis sa kaniyang potential admirer.
BINABASA MO ANG
Patricia Orwell
Teen FictionUmusbong ang vigilante group sa loob ng Green Knoll Academy. Tinuturing ng mga estudyante na bayani ang mga Dart Pins. Taga ligtas mula sa mga villainous being sa loob ng paaralan. At kabilang sa Dart Pins si Patricia Orwell. Naging upside down an...