CHAPTER SIX
"GIRLS, alam niyo ba ang ibig sabihin ng chikinini?" tanong ni Patricia sa amin habang inaantay si Mr. Collins sa classroom.
Naalala ni Patricia ang eksena sa kwarto ni Jax. Hindi niya matanggal sa isip ang pang-aalaska ni Jax dahil mali raw ang alam niya sa chikinini. So, dapat siyang magtanong sa mga expert.
"Ano nga ulit ang ibig sabihin no'n?" ulit niya.
"Oh, I know!" pambibida ni Arietta. "Kagat ng insekto. May chikinini ako sa braso ngayon. Tignan mo." Ipinakita nito ang namumulang braso. Tumingin kaming dalawa ni Patricia sa braso ni Arietta.
"Yuck!" sabi ko, "Mukha ngang butlig ang chikinini."
Tama si Patricia tungkol sa misteryo ng chikinini.
Nahuli ni Patricia ang pamumula ng pisngi ni Rhian. Ipinantabing ni Rhian ang mga buhok sa leeg nito.
"Bakit ang tahimik mo, Rhian? Ikaw? Ano sa tingin mo ang ibig sabihin ng chikinini?" usisa ni Patricia.
"Hi-hindi ko alam!" kinakabahan na sagot nito, "Humanap kasi kayo ng boyfriend!"
Napamaang kaming tatlo sa kaniya. Defensive masyado si Rhian at halatang tinatago ang leeg nito gamit ang buhok.
"Okay ka lang ba, Rhian? Anong tinatago mo sa leeg?" Kumilos ako at tinanggal ang mga buhok ni Rhian sa leeg. Namumula ang kanang bahagi ng leeg nito. "Anong nangyari diyan? Kinamot mo?"
"Saan mo nakuha 'yan?" usisa ni Patricia.
Nagmurang kamatis ang pisngi ni Rhian. Tinago ulit nito ang leeg gamit ang buhok. "Wala. Kagat 'to ng lamok."
Bumalik ang isip ni Patricia sa kwarto ni Jax. Sinapo niya ang kaniyang bibig. Binigay ni Patricia ang kaniyang first kiss sa isang dare. Nagkaroon ng camping ang varsity players sa labas ng campus. Nilaro nila ang spin the bottle at tumama kay Patricia ang bote. She was dared to kiss someone full on the lips. One second lang naman iyon.
Gusto niyang isipin na first kiss niya si Jax. Sigh! Humalumbaba si Patricia sa desk. His lips were so soft and wet. May nalasahan pa siyang sweetness and everything nice. Tapos aksidente itong kinagat ni Patricia. And his lips bled. But why did he called it chikinini?
"Abot langit ang ngiti mo, Patricia," sita ni Arietta, "kagat-labi ka pa. If I am correct, ganiyan ang itsura mo sa tuwing pinagnanasaan mo ang trophy sa basketball championship."
Binura ni Patricia ang ngiti sa kaniyang labi at umupo nang maayos. Mas una pang nalaman ng ibang tao ang ngiti niya bago siya.
"Ano bang nangyayari sa 'yo?" clueless na tanong ko kay Patricia, "lately para kang lutang."
Ito din ang tanong ni Patricia sa sarili niya. Bakit palagi niyang iniisip ang barechest ni Jax at ang sensation of touch nang hawakan ito ni Patricia. Para siyang computer na nilagyan ng virus kaya madalas ang malfunction.
"Nangitim ba ako?" tanong ko sa kanila, "Binilad tayo sa ilalim ng araw last Saturday sa C.A.T. Scary talaga ang Corps Commander natin. Sayang! Ang gwapo pa man din ni Leonardo Alejandro."
Arietta snorted. "Bwisit ako sa mga Cadet Officers. Lalo na kay Leonardo. Inaabuso nila ang powers nila tuwing C.A.T. Haven't you heard? Nakikipagtulungan ang Cadet Officers sa Prefect of Discipline para hulihin ang Dart Pins."
"Di ba classmate natin si Leonardo sa English?" tanong ko kay Arietta. Kasama ko si Arietta sa English at classmate namin si Leonardo pati ang Corps Staff nito.
BINABASA MO ANG
Patricia Orwell
Teen FictionUmusbong ang vigilante group sa loob ng Green Knoll Academy. Tinuturing ng mga estudyante na bayani ang mga Dart Pins. Taga ligtas mula sa mga villainous being sa loob ng paaralan. At kabilang sa Dart Pins si Patricia Orwell. Naging upside down an...