Chapter Eight

279 26 0
                                    

CHAPTER EIGHT

"I'M NOT liking this," reklamo ni Jane sabay upo sa sofa ng living room, "I'm not Kuya's only girl anymore! Inaagaw mo ang Kuya ko, Patricia!"

Lumipad ang braso ni Jax sa balikat ni Patricia habang magkatabi sila sa love seat. Tumawa si Jax sa reaksiyon ng kapatid nito matapos i-announce ang relasyon nila ni Patricia.

Lumabi si Jane. "Sabi na nga ba. Tama ang hinala ko," anito, "Iba na ang tingin mo sa kaniya, Kuya."

Tumawa si Patricia. Hinagkan ng kaniyang nobyo ang kaniyang sentido. "No wonder you're so spoiled, Jane. Kailangan mo na ng kahati sa Kuya mo."

"Patty's right," sabi ni Jax, smiling, "And from now on, tatawagin mo siyang Ate Patricia."

"Hell no!" reklamo ni Jane.

Sumulyap si Patricia sa nobyo niya. She wondered about his smile. Cloud 9 was more than just a candy when they share a kiss. Isang linggo na siyang inaangkin ni Jax bilang bago nitong nobya. Araw-araw, nararamdaman ni Patricia kung gaano kasarap magmahal si Jax.

"Ay! Oo nga pala," biglang sabi ni Patricia. Kinuha ni Patricia ang paper bag na dala niya at binigay ito kay Jane. "Here you go."

"Ano 'to?" kunut-noong tanong ni Jane. Tinanggap nito ang paper bag at binuksan ang laman. Nahagit nito ang hininga matapos makita ang nasa loob. Nilabas ni Jane ang manyika. "Lily Doll!" tumingin ito kay Patricia, "You fixed Lily Doll!"

Whoa! Hindi masayang reaksyon mula kay Jane ang inaasahan ni Patricia. Dinampot niya noon ang pira-piraso ng basag na manyika. Para lang siyang nagbuo ng jigsaw puzzle habang binubuo ito.

Hilig ni Jane ang magkolekta ng antigong porcelain doll. Noong bata pa siya, madalas siyang bildhan ni Senator Omega ng porcelain dolls tuwing birthday niya.

"Well, you're right. Hindi kayang itago ng sorry ko ang cracks ni Lily Doll." Kamukha ni Lily Doll si Annabelle.

"She's ugly!" Jane commented, smiling, "I love it, Patricia!"

Humagikgik si Jax at gigil na pinisil ang pisngi ni Patricia. "That's nice of you, Patty. Thank you," bulong nito.

Abot langit ang naging ngiti ni Patricia.

May bago nang babae sa bagong sketchpad ni Jax. Ang bawat ngiti ni Patricia ang laman ng pahina sa sketchpad. It was heartwarming. Pinipinta ni Jax si Patricia bilang definition nito ng happiness.

Dahil sobrang lapit niya ngayon sa kaniyang nobyo, kitang-kita ni Patricia ang mga bagong pasa sa mukha nito. Kumunot ang noo ni Patricia. Hinipo niya ang pasa sa mukha ni Jax.

"Saan mo ba nakukuha 'tong mga pasa mo? Nakipag-away ka ba?" tanong niya sa nobyo. Matagal na itong napapaaway. Ngayong boyfriend na niya si Jax, she could now do something other than worrying for his sake. Pwede na niya 'tong pigilan na sumali sa mga gang fight.

Jax flinched from her touch. "Okay lang ako, Pat. Don't worry about me."

Bumuntong-hininga si Patricia. "Jane, saan ba sumusuot ang Kuya Jax mo at lagi na lang siyang nagkakaroon ng pasa?"

"Naku! Ayaw din niyang sabihin sa akin. Siguro ngayong girlfriend ka na niya, matutulungan mo ako na i-persuade si Kuya Jax na magbehave," anito, sinusuri ang manyika.

"Narinig mo ang kapatid mo?" tanong ni Patricia, pinipisil ang pisngi ng binata, "We're joining forces now. Bawal ka na sa gang fight." Pabirong request iyon ni Patricia. Pero hindi ngumiti ang boyfriend niya sa kaniyang lambing.

Patricia OrwellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon