CHAPTER TEN
Journal Entry No. 226
I WAS TOO LATE! Huling-huli na ako! Hindi ko nailigtas ang mga Jaime!
Wala na ang mga Jaime. Kinuha sila ni Mr. Collins. Tanging paalis na sasakyan ang naabutan ko sa bahay nila. Narinig ko sa utak ng mga driver ang direksyon kung saan sila pupunta. Malayo ang pagdadalhan kay Jane, Jax at sa kasambahay.
Nakita ko si Mr. Collins na sumakay ng sasakyan. Narinig ko ang iniisip niya. Pinatulog niya ang magkapatid at kasambahay. Nahirapan ang mga tauhan niya dahil nanlaban pa si Jax gamit ang baril. Alam ni Mr. Collins kung saan kinuha ni Jax ang baril. Pinataniman niya ng droga, pera at armas ang bahay ng mga Jaime. Sa gayon, kapag pinaslang na ang magkapatid at ang kasambahay, itatapon nila sa kalsada ang mga bangkay at lalagyan ng cardboard. Kapag nag-imbestiga ang mga pulis sa bahay, mababansagang drug dealers ang mga Jaime.
Hinilot ko ang aking sentido. Nanghihina ako. Buong lakas kong tiniis ang ingay sa utak ni Mr. Collins. Napaka sama niya. Napaka itim ng puso. Takot ako sa utak ng mga mamatay tao. Malala ang mga assassin dahil wala nang mas iitim sa budhi nila.
Tuluyan nang nagmaneho paalis ang lahat ng sasakyan. Tahimik ang utak ng mga Jaime at ng kasambahay. Pinatulog sila at ngayon ay nakasakay sa sasakyan.
Lumapit ako sa front door ng bahay. Nararamdaman ko ang pamilyar na brainwave ni Patricia Orwell. Mahina ang nasesense ko pero tama ako. Nasa loob si Patricia. Pumasok ako at sinundan sa loob ang ingay na nagmumula sa utak ni Patricia.
Nakita ko siya sa loob ng isang kwarto na puno ng alikabok. Tulad ng inaasahan ko, tinaniman nga ni Mr. Collins ng droga, pera at armas ang kwarto. Nasa ilalim ng kama si Patricia. Hindi ko alam kung bakit siya naroon. Hinatak ko si Patricia mula sa ilalim. Binuhat ko siya at inilipat sa katabing kwarto. Inilapag ko siya sa kama. Pinakiramdaman ko ang ulo niya. Mukhang sapilitang pinatulog si Patricia. At sa panaginip niya, damang-dama ko ang desperasyon na iligtas ang mga Jaime. Hinaplos ko ang pisngi ni Patricia.
"I'm sorry," sabi ko, "Hindi ko kayo ilalagay sa panganib. Ikamamatay niyo ang sumali sa away pamilya ng mga Jaime." Kinapa ko ang cellphone sa bulsa ng pantalon ni Patricia. Hinihingi ng phone ang fingerprint ni Patricia para bumukas.
Matapos kong ma-acess ang phone, minessage ko ang lahat ng Dart Pins. Nagpakilala ako bilang si Knocker. Sinabi ko ang kalagayan ni Patricia.
Malapit ako sa abandonadong music room nang ipapanood ni Arietta ang video sa buong Dart Pins. Hindi nila alam na nasa pintuan ako at nakikinig.
Tinulungan ko ang Sigma Theta na linisin ang hanay ng mga miyembro nila para gawing drug free ang samahan. Malaki ang kasalanan ng dalawang estudyante na pinarusahan sa video. Sinira nila ang pangalan ng fraternity at nilulon sa droga ang mga estudyante. Tumaas ang kaso ng rape at overdose dahil sa kanila. Kahit ayaw ko ng karahasan, hindi ko napigilan ang punishment ni Supremo.
Parating na sina Arietta. Kasama nito si Diamond at Rhian. Lumabas ako ng kwarto at nagtago sa katabing kwarto.
Maya-maya lang, nagtrespass sila sa front door. Nilibot nila ang bahay hanggang sa matagpuan nila ang kwarto kung nasaan si Patricia.
Kahit nakapagitan ang malapad na pader sa akin at sa mga Dart Pins, nasasagap ko ang lahat ng brainwaves. Klaro ang impormasyon na dumadating sa diwa ko.
"Patricia!" hiyaw ni Arietta. Agad nilang dinaluhan ang kaibigan.
"Anong nangyari?" tanong ni Rhian. "Magulo ang bahay ng mga Jaime. Basag-basag ang mga gamit. Ninakawan ba sila?
"Ang sabi ni Knocker, dinukot ang mga Jaime at pinatulog si Patricia," kwento ni Diamond.
Sa ingay nila, bumalik ang ulirat ni Patrica at dinilat ang mga mata. Narinig ko ang ingay sa ulo ni Patricia. Nag-uunahan ang panic at takot sa isip niya. Hindi siya makapagsalita sa matinding shock. Naro'n muli ang desperasyon sa isip ng dalaga. Walang nagbago, gising man o tulog, ang kaligtasan ni Jax ang nangingibaw.
Narinig ko. Naisip ni Patricia ang mga kapatid niyang namatay. Kung pati si Jax ay mawawala... Dumapo sa isip ni Patricia ang blade at dugo. Tatapusin ni Patricia ang sarili. Natakot ako dahil seryoso ang dalaga. Desidido.
"Si Jax! Si Jax!" sigaw ni Patricia, umiiyak, "Papatayin sila ni Mr. Collins! Papatayin! Papatayin!"
"Calm down, Patricia!" sigaw ni Arietta. Inabot nito ang bote ng tubig. "Uminom ka muna ng tubig. Sinabihan kami ni Knocker na nandito ka at dinukot ang mga Jaime. Sinong dumukot sa kanila?"
"Si Mr. Collins! Anong nangyari kay Jax? Sumugod siya. Bitbit ang baril. Pinatulog niya ako! Ayaw niya... Ayaw niya..." utal ni Patricia.
Wala nga ba talagang magagawa ang mga vigilante ko? Tama ba ang desisyon ko na wag silang idamay? Mapapahamak sila. Malaki ang kalaban na pinag-uusapan dito. Kung madadamay sila sa away pamilya ng mga Jaime, ako lang ang pwedeng sisihin.
Tama na siguro kung pulis ang humawak ng sitwasyon. Tama. Pulis na ang bahala dito.
Pero ang ingay sa utak ni Patricia... Hindi ako mapakali. Dumadagan sa balikat ko ang desperasyon sa utak ni Patricia. I'm haunted by her thoughts. I understand too much. At dahil naiintindihan ko, natutukso akong ibigay ang gusto niya.
Kumuha ako ng papel at ballpen sa kwarto. Alam ko na kung anong gagawin ko.
Kung naririnig ko ang iniisip ng mga tao, sisiw para sa akin ang bigyan sila ng illusion. Realistic illusions. Hindi ko ito madalas na ginagawa dahil pinagbawalan ako ng mga madreng nagpalaki sa akin sa kumbento.
Gagamitin ko ang pag-asa at takot sa puso ni Patricia Orwell. Hindi na niya dadagdagan ang mga pilat sa pulsuhan. Tuturuan ko siyang pahalagahan ang sariling buhay at harapin ang bukas.
Matapos sumulat, lumakad ako nang tahimik sa harap ng nakasarang pinto. Nilapag ko ang papel sa sahig.
Hindi ko pababayaan ang Dart Pins. Walang mangyayaring masama sa kanila dahil ako ang gabay nila.
Kumatok ako ng apat na beses.
BINABASA MO ANG
Patricia Orwell
Fiksi RemajaUmusbong ang vigilante group sa loob ng Green Knoll Academy. Tinuturing ng mga estudyante na bayani ang mga Dart Pins. Taga ligtas mula sa mga villainous being sa loob ng paaralan. At kabilang sa Dart Pins si Patricia Orwell. Naging upside down an...