CHAPTER NINE
"HINDI ka na dapat pa maglinis sa bahay," sulsol ni Nana kay Patricia matapos makita na hawak ni Patricia ang feather duster at basahan. "Bilin sa akin ni Jax wag na wag kang paglilinisin sa bahay. Aba, hija! Girlfriend ka na ng alaga ko. Tiyak na malulungkot siyang makita na nahihirapan ka."
"Naku! Sinabi 'yon ni Jax?" Ngumiti si Patricia. "Hindi naman 'yon pwede, Nana. Di pa bayad ang manyika ni Jane. Walang magbabago por que kami na ng alaga niyo."
"Mapipigilan ba kita?" sumusukong sabi ni Nana, iiling-iling, "Sige. Wag mo lang papagurin ang sarili mo."
"Nasaan po ang magkapatid, Nana?"
"Pumunta lang sa bayan para bumili ng groceries. Pabalik na din sila't malapit nang kumagat ang dilim."
"Okay po," sabi ni Patricia. Iniwan na niya si Nana sa kusina at umakyat sa second floor.
Ang tahimik ng buong bahay. Kinakabahan si Patricia sa gagawin niya. Tamang-tama ang grocery ng magkapatid sa bayan. Parang betrayal ang ginagawa niya kay Jax. Pero kailangan. Para sa peace of mind ni Patricia at ng iba, mag-iimbestiga siya sa buong bahay.
Una niyang hinalughog nang maayos ang kwarto ni Jax. Lahat ng sulok, kahit anino sa loob, hindi nakatakas sa imbestigasyon ni Patricia. Sa awa ng Diyos, malinis ang kwarto ni Jax. Walang kahina-hinala.
Sinunod niya ang kwarto ni Jane at Nana. Wala. Wala siyang nakita.
Tumayo si Patricia sa hallway. Naalala niya ang mga bakanteng kwarto. Sa buong durasyon ng pamamalagi niya sa brick house, hindi pa niya napapasok ang mga ito.
Tama. Walang kwarto ang ligtas sa imbestigasyon. Inuna niya ang bakanteng kwarto katabi ng kwarto ni Jax. Hindi lock ang pinto at malayang pumasok si Patricia.
Iginiya niya ang tingin sa loob ng kwarto. Natatabingan ng puting tela ang lahat ng furnitures sa loob. Proteksyon sa alikabok. Lumakad siya sa kama. Hinawakan niya ang puting tela at inangat nang bahagya ito.
White powders. Green dried leaves. Mga pakete ang nagpakita kay Patricia sa ilalim ng puting tela. Parang napaso na binitiwan niya ang tela sabay atras.
Holy shit.
Sinapo ni Patricia ang bibig para ikulong ang sigaw na gustong kumawala sa kaniyang bibig. Tinipon niya ang lakas para humakbang palapit sa kama, hinawakan niya ang tela, inihagis ito sa hangin para ilantad ang tinatago nito sa ilalim.
Lumunok si Patricia. Sumasakit ang kaniyang lalamunan dahil sa pinipigil na luha.
Packs and packs of stimulants and depressents filled the bed, parang natutulog sila at ginambala sila ni Patricia.
No! Agad na humakbang si Patricia at tinanggal ang puting tela sa warbrobe. Lumipad ang mga alikabok at walang paki si Patricia kung malanghap niya ang mga ito. Buong tapang na binuksan niya ang wardrobe.
Kumindat kay Patricia ang shiny metals ng deadly weapons sa harap niya: knives, pistols, grenades, tranquilizer guns, machine guns, pakete ng mga bala in all shapes and sizes. It was all inside the wardrobe.
Lumalabo ang paningin ni Patricia dahil sa namumuong luha. Nanginginig ang mga tuhod niya sa takot. Pero hindi siya tumigil. Tinanggal pa niya ang ibang tela. Sinunod niya ang tukador. Lumipad ang mga alikabok. Binuksan ni Patricia ang lahat ng drawer.
Umaalingasaw ang amoy ng paper money—rolyo-rolyo. Umatras si Patricia palayo sa mga drug money.
Tama si Rhian. Tama si Arietta. Tama ang sabi naming lahat tungkol kay Jax Jaime. Blind faith na ang tawag doon kung maniniwala na naman si Patricia na may eksplanasyon sa mga ebidensiya laban kay Jax.
BINABASA MO ANG
Patricia Orwell
Teen FictionUmusbong ang vigilante group sa loob ng Green Knoll Academy. Tinuturing ng mga estudyante na bayani ang mga Dart Pins. Taga ligtas mula sa mga villainous being sa loob ng paaralan. At kabilang sa Dart Pins si Patricia Orwell. Naging upside down an...