Chapter Three

335 35 2
                                    

CHAPTER THREE

NGA-NGA si Patricia habang pinagmamasdan niya ang kabuuan ng bahay ng mga Jaime. Totoo nga! May bahay sila sa loob ng school property. May kalakihan ang brick house. Ito'y two-storey, may patio at maliit na iron gate. Nakatanim ang puno ng bayabas sa front yard. Alagang-alaga sa tubig ang green grass.

Binuksan ni Patricia ang gate mula sa labas. Lumakad siya sa wooden pathway. Umakyat siya sa hagdan ng patio. Saka siya kumatok sa screen door.

Malapit ang bahay ng mga Jaime sa vegetable garden ng paaralan. In fact, hinatid ni Yael at Rhian si Patricia sa bahay ng mga Jaime. Sabado ng tanghali ngayon at tutulungan ni Yael ang nobya nitong magharvest sa garden. Katatapos lang ng klase namin sa C.A.T.

Ang laki ng pinagbago ni Yael. Madalas na itong makinig sa turo ng mga teachers nito. Kayang-kaya na ni Yael mag-aral mag-isa. Gusto lang nitong magpacute sa girlfriend nito na tutor pa rin ng binata hanggang ngayon.

Kumatok si Patricia sa wooden screen door.

Bumukas ang main door at sumalubong sa kaniya ang isang matandang babae. Kahit harang ang screen door, naanigan ni Patricia ang matanda. Maputi na ang buhok nito sa katandaan. Kulubot ang mga balat. At mukhang may osteophorosis. Hindi diretso ang likod nito.

"Sino ka?" ani ng matandang boses.

"Si Patricia Orwell po. Uhm. Inaasahan po 'ko nina Jane at Jax Jaime."

"Ah!" Binuksan ng matanda ang screen door. "Pasok ka. Inaabangan ka na ng mga alaga ko."

"Good morning po," bati ni Patricia.

"Pasok. Pasok. Ako si Aling Pacita. Kasambahay ng mga kapatid at guardian na rin," introduction ng matada. Ngumiti pa ito nang maluwang kay Patricia. "Tinatawag nila akong Nana."

Iginiya ni Patricia ang mata sa loob ng bahay. Wooden ang varnished floors. Wooden ang staircase. Wooden ang mga pader pati na rin ang lahat ng upholstery at furnitures. Malamig sa loob. Ito ang bahay na ang sarap tambayan kapag umuulan. Tapos iinom ka ng hot chocolate habang nakaupo sa malambot na couch at pinapanood ang ulan sa labas ng bintana.

Amoy timber sa loob. Dagdag pa ang sizzling butter galing sa kusina.

"Nasa living room ang mga bata. Hinihintay ka nila. Sige na. Tumuloy ka na doon. Nagluluto ako ng almusal," ngumiti sa kaniya ang matanda, "Sa wakas, may karelyebo na rin ako sa gawaing bahay." Iyon lang at umalis na ang matanda.

Gawaing bahay? Nalito si Patricia. Gagawin ba siyang kasambahay ng magkapatid?

"UGH! Hindi maganda ang pakiramdam ko tungkol dito," turan ni Patricia.

Nasaan ba ang living room? Malaki ang bahay at maraming pinto. Nag-explore si Patricia.

"Hindi nga tayo invited, Jane! Wag na matigas ang ulo mo!" bulyaw ni Jax.

Nakatayo si Patricia sa foyer at nanggagaling ang boses ni Jax sa katabing kwarto. Baka naroon ang living room. Sinundan niya ang ingay.

"But it's his birthday! Bumili ako ng regalo. Don't you want to see him?" frustrated ang boses ni Jane.

Bumuga ng hangin si Jax. "Ayoko. Kaya nga hindi kita papayagan pumunta sa birthday niya. He doesn't deserve a gift!"

"Well, I don't like this! Hindi niya tayo dinadalaw! Sa mga balita at diyaryo ko na lang siya nakikita!"

"Quit being such a brat! Ang drama mo," bumingisngis si Jax, "Don't worry. Mabibigay mo ang regalo mo. I'm sure dadalaw siya sa atin."

Ajar ang pinto at kita ni Patricia sa loob ng living room ang magkapatid. Magkatabi sila sa sofa at bukas ang television set. Inakbayan ni Jax ang kapatid nito at ginulo-gulo ang buhok.

Patricia OrwellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon