23

934 56 2
                                    

Ong

Nung magtext si Maggie na pupunta siya dito ay dali-dali akong lumabas para antayin siya.

Nung makita ko siyang lumabas ng gate nila, di ko alam pero parang ibang Maggie yung nakita ko. Parang sobrang nag-aalala siya, ganon.

Di ko alam kung anong meron pero bigla nalang niya akong niyakap. Tatanungin ko sana siya kung bakit kaso narinig ko siyang umiiyak kaya nanahimik nalang ako

Ilang minuto kaming ganon bago siya tumigil sa pag-iyak

"Sorry. Nadala lang ako." Sabi niya pagkahiwalay niya sa yakap

"Bakit ka umiiyak?" Tanong ko.

"Wala, namimiss ko lang pamilya ko." Sabi niya habang pinupunasan yung luha niya

Di ko alam pero bigla ko nalang siyang niyakap, nagulat din ako sa ginawa ko kaso bakit parang gusto ko? Gusto kong yakapin siya hanggang sa maging okay na siya? Gusto kong sabihin sa kanya na okay lang yan, andito naman ako, di kita iiwan?

"Lika pasok tayo sa loob." Sabi ko. Tumango lang siya. Pagkaupo niya sa sofa, nagpaalam ako na kukuha ko siya ng tubig. Kaya dali-dali ako pumunta sa kusina.

Habang nagsasalin ako ng tubig sa baso, bigla akong napangiti.

Ano ba nangyayare sa'yo, Seongwoo?

—-

Maggie

Ugh Maggie! What were you thinking?!

Gusto ko magpakain sa lupa sa kahihiyan huhu bakit ko ba kasi niyakap si ong?

Malamang kasi miss na miss mo na diba? Kasi nahihirapan ka na diba?

"Tubig Maggie oh." Sabi niya sabay abot sa'kin ng baso ng tubig

"Salamat." Sabi ko at ininom yon. Ugh feeling ko pulang-pula na ilong ko.

"Okay ka na?" He asked

"Yup. Thank you."

"Tanong ko lang, nasan pala family mo? Bukod kay Sungwoon-hyung?" Tanong niya. Napatitig ako sa kanya

Nasa ibang bansa sila diba? Gusto kong sabihin yan kaso naalala ko, wala ka palang maalala

"Nasa LA sila. Naiwan ako dito kasi nag-aaral ako. Yung reason kung bakit sila pumunta don kasi yung kapatid kong lalaki, mahina yung puso niya. As in super. Kaya dinala siya do'n para ipagamot." Sabi ko

"Ilang taon na kapatid mo?"

"8 years old siya."

"Gusto ko siya ma-meet."

Na-meet mo na siya dati, mas gusto ka nga niya kesa sa'kin eh haha

"Ay oo nga pala, yung kanina, ang weird talaga eh." Sabi niya

"Ong, wag mo pipilitin sarili mong umalala ng mga bagay. Kung di mo matandaan, wag mo nang pilitin." Sabi ko.

"Pero nacucurious talaga ako kung sino siya eh."

"Baka nameet mo lang before tas nakalimutan mo na, ganyan din ako eh. May nameet ako before tas di ko na matandaan." Pagpapalusot ko

"Sabagay."

May mga bagay talaga na di na namin sinabi sa'yo nung gumising ka sa ospital. Pati ako, di na nila ako pinakilala sa'yo bilang girlfriend mo nung magising ka.

Flashback

"Maggie, gising na si Ong." Sabi sa'kin ni Jaehwan. Dali-dali kaming pumunta ng ospital.

Pero pagkarating ko do'n, nakita ko silang nagtutumpukan sa gilid mo at isa-isang nagpapakilala. And in that moment, alam ko nang may amnesia ka.

Ipapakilala na dapat ako ni Sungwoon sa'yo na ako ang girlfriend mo kaso sabi ko wag na. Di magandang biglain ka sa lahat ng bagay.

Di ko alam gagawin ko no'n, ang sakit pala. Na yung mahal na mahal mo, di ka maalala.

Ong, kelan ba?

❝ ongnable ❞ ➳ o.swTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon