Maggie
Kauuwi lang namin ni Ong galing sa mall, pero imbes na umuwi na siya, andito pa rin siya sa bahay. Nakatambay kami sa rooftop.
"Maggie, pa-cr ako." Sabi ni Ong
"Baba ka lang sa second floor tas yung pangalawang pinto sa kanan, yun yung cr."
"Okay. Salamat."
"Sige."
Pagkababa niya, chineck ko yung phone ko. Di ko alam pero namiss ko bigla si Sungwoon at Jaehwan kaya I decided to chat them.
Si Sungwoon sana una kong ichachat kaso active 3 hours ago, baka umiidlip. Buti nalang online si Jaehwan kaya siya nalang minessage ko.
~*~
Kim Jaehwan
Active now3:48 pm
maggie: jaehwanniieeeeee
jaehwan: wae wae wae wae
maggie: miss ko na kayo ni sungwoon :<
jaehwan: di ka namin miss
jaehwan: jok. bond tayo after ng comeback and tour naminmaggie: ngek. kelan pa yon? after 6 months?
jaehwan: oo. after ng comeback, North and South American tour lang naman yon.
maggie: osige na nga ;(
jaehwan: magooffline na ako ah, may sinusulat kasi akong kanta
maggie: halaaa goodluck!!!!!
jaehwan: ang bait mo ata ngayon?
jaehwan: salamat palamaggie: sige na diyan ka na
jaehwan: binabawi ko na yung sinabi ko (-_-;)
jaehwan logged out
maggie: love u jaehwanie HAHAHAHA
~*~
Pagka-logout ni Jaehwan, wala pa rin si Ong.
Di naman ganon kalaki yung bahay ah? Di naman siguro yon maliligaw?
Ilang minuto ko pa siyang inantay pero nung natagalan pa rin ay napagdesisyunan ko nang bumaba.
Pumunta ako agad sa CR at kumatok kaso walang sumasagot kaya binuksan ko na yung pinto. Pag bukas ko ng pinto...
Walang tao
"Ong?"
Pumunta ako sa katabing kwarto ng cr, yung kwarto ko
Dun ko nakita si Ong, nakatalikod siya mula sa pwesto ko.
"Uy Ong, ano ginagawa mo di—" he cut me off by saying,
"Maggie, ano 'to?" Tanong niya sabay pakita sa'kin nung picture frame na may picture namin
Sht!
Picture namin yon nung first anniversary namin. Magka-holding hands kami no'n.
"Ah s-san mo nakuha yan?"
"Sa desk mo. Bakit may ganto tayo? Bakit di ko matandaan?"
"Ha? Eh kamukha mo lang yan." Sabi ko tas akmang kukunin sa kanya yung picture frame nang tinaas niya yung kamay niya
"Alam kong ako 'to, Maggie. Sagutin mo yung tanong ko."
Nakayuko lang ako. Hindi ko alam gagawin ko.
"Sino ka ba talaga Maggie? Ano ba talaga kita?"
BINABASA MO ANG
❝ ongnable ❞ ➳ o.sw
Cerita Pendek↝ ❝ pag sineen mo'ko, akin ka na... ❞ ❝ aba, seen pa rin? na sa'kin si ongnable, kapag sineen mo pa ako akin na 'to ❞ ↜ ↭ epistolary & narration ↭ wanna one series #2 ↭ date started (02/20/18) ↭ date completed (03/20/18) highest ranking achieved: #...