30

880 49 1
                                    

Ong

"Bakit mo kasi sinend?" Tanong ko kay Baejin

"As if naman hindi totoo, hyung?"

"Di ko alam sinasabi mo."

"May gusto ka na kay Maggie diba?"

"Wala ah, sino nagsabi sayo." Sabi ko sabay talikod

"Hyung, wag mo nga pigilan nararamdaman mo."

"Ayoko lumayo siya sa'kin." Sabi ko pero tawa lang ang sinagot sakin ni Baejin

"Pffft. Kung alam mo lang hyung, kung alam mo lang talaga." Sabi niya

"Ano yon?"

"Secret siyempre walang clue bakit ko sasabihin sa'yo."

"Pero tingin mo lalayuan ako ni Maggie kapag nalaman niya?"

"Hyung. Hindi. Promise." Sabi niya sabay alis. Bastos na bata 'to, kinakausap ko pa eh.

—-

Baejin

Andito kami ngayon nila Jisung-hyung tsaka Minhyun-hyung sa ospital. Every week kasi dapat pupuntahan namin yung doktor ni Ong-hyung para sabihin kung may progress ba o wala.

"May progress na po talaga kay Hyung." Sabi ko.

"That's good to hear. Sino ba lagi niyang kasama?" Tanong nung doktor

"Yung girlfriend po niya." Sabi ni Minhyun-hyung

"Tapos po nagkkwento yung girlfriend niya ng mga progress niya, na yung ugali daw po ni Ong, bumabalik na. Tas may mga familiar sa kanyang name o tao pero di lang niya maalala." Sabi ni Minhyun-hyung

"Then that's a good sign. Ituloy niyo lang yung ginagawa niyo ngayon, and malay natin, sooner or later maalala na niya lahat. Patience is all you need."

"Tingin niyo po nakakatulong yung lagi silang magkasama nung girlfriend niya?"

"Oo. Sobrang laking tulong no'n actually. Basta wag niyo lang siyang bibiglain. Naniniwala naman akong di nakakalimot ang puso."

**

❝ ongnable ❞ ➳ o.swTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon