Maggie
"Ouch! Aray naman Maggie, kumalma ka nga!" Sabi ni Jenna sa'kin. Bigla ko nalang kasi siyang hinila nung makasalubong ko siya sa corridor kanina.
"Teka nga, san ba tayo pupunta?" Sabi niya at tumigil
"Sa locker ni Ong."
"Gaga ka ba? Panglalaking locker yon!"
"Si Maggie kaya 'tong kausap mo, duhh? I will always find ways."
"Ewan ko sa'yo, di ka naman namin mapipigilan eh."
"Wait mo ako dito ah?" Sabi ko
"Oo na sige na." Pagkasabi niya niyan ay pumasok na ako sa men's locker room.
"Locker 28M, nasan ka?" I whispered. According to Minhyun-oppa, yan daw locker ni Ong.
Panay ang lingon ko kasi baka may tao dito sa men's locker room, yari ako.
"28L, 11M, 20M, ayun!" pabulong kong sabi nung makita ko yung 28M.
Binasa ko muna ulit yung note bago ko ihulog sa locker ni Ong
Hi Ong!
bakit kasi ayaw mo sa babae? huhu
-mags
Sana gumana na this time
Lumabas ako ng locker room nang walang nakakakita sa'kin.
Tumambay kami sa lobby at inantay lumabas yung section nila Ong. Nung makalabas sila ay inantay ko siyang lumabas.
Ewan ko ba sa lalaking 'to at bakit siya lagi huling lumalabas.
Pagkalabas niya ay napatingin siya sa'kin, nginitian ko siya kaso iniwasan niya lang ako ng tingin.
Pumunta siya agad sa locker room, ilang minuto ang inabot bago siya lumabas, nakita ko namang papalapit siya sa pwesto namin
"Ayan na siya Jenna." Bulong ko kay Jenna
"Maggie." Tawag niya sa'kin
"Yes, Ong?"
"Galing sa'yo 'to diba?" He asked
"Yup. Bakit?"
Nilukot niya sa harap ko yung papel, "Tigilan mo na ako, pwede ba? Di ko alam kung bakit ang kulit kulit mo at kung bakit mo ako kinukulit."
"Pa'no kung ayoko?"
"Tigilan mo na ako please lang."
Ngumiti ako at tinapik siya sa pisngi, "Not gonna happen, my dear Ong. Jenna, let's go." Sabi ko at umalis na kami do'n
"Kaloka ka Maggie, alam naming unstoppable ka pero di naman namin inaasahan na ganon ka pala ka-unstoppable. Bakit mo ba ginugulo si Ong?"
"To be honest Jenna, hindi ko rin alam eh. Alam mo ba yung feeling ng hindi ka mapipirmi hangga't di mo nagagawa ang isang bagay? Ganon nararamdaman ko kaso, di ko alam kung bakit ko ginagawa 'to."
"Ano ba meron kay Ong?"
"Hindi ko rin alam, hindi ako naniniwala sa love at first sight kasi duhh, imposible naman yung mga ganon. Pero bakit nung makita ko si Ong parang nag-iba perspective ko?"
"What do you mean?"
"I think I like Ong."
BINABASA MO ANG
❝ ongnable ❞ ➳ o.sw
Short Story↝ ❝ pag sineen mo'ko, akin ka na... ❞ ❝ aba, seen pa rin? na sa'kin si ongnable, kapag sineen mo pa ako akin na 'to ❞ ↜ ↭ epistolary & narration ↭ wanna one series #2 ↭ date started (02/20/18) ↭ date completed (03/20/18) highest ranking achieved: #...