47

852 54 3
                                    

Ong

Nandito ako ngayon sa veranda ng kwarto ko. 1am na pero di pa rin ako makatulog kaya napagdesisyunan kong tumambay muna dito.

Bakit parang ang dilim ng bahay ni Maggie? Usually naman, hindi eh.

Kinuha ko yung phone ko at tinignan kung online siya, kaso, active 3 hours ago.

It's been 3 days simula nung huli kaming magkita. At aaminin ko, namimiss ko na siya.

Bumalik ako sa sarili ko nang may makita akong kotseng huminto sa tabi at bumaba do'n si Jaehwan at Sungwoon-hyung

"Jaehwan! Sungwoon-hyung!" Tawag ko sa kanila. Nagsensyas ako na antayin nila ako at dali-dali akong bumaba.

"San kayo galing?" Nakangiti kong tanong.

Nagkatinginan sila bago binalik ang tingin sa'kin.

"Uhm, hyung." Sabi ni Jaehwan

"Oh? Bakit? May problema ba?"

"Pinapabigay ni Maggie." Sabi niya sabay abot sa'kin ng paperbag

"Bakit daw?" I asked

"Uhm ano kasi." Sabi ni Jaehwan

"Wala na si Maggie dito, bumalik na siya ng Los Angeles." Sabi ni Sungwoon hyung

"A-ano? Bakit daw? Kelan siya babalik?"

Nagkibit balikat lang siya, "Di ko alam." Sabi ni Sungwoon hyung

"Sige na hyung, pumasok ka na sa loob. Magpahinga ka na, sasamahan ka pa namin sa doktor bukas."

"Sige. Salamat." Sabi ko at nagpaalam na sa kanila.

Pagkapasok ko sa loob, dumiretso ako agad sa kwarto ko at unti-unting binuksan yung paper bag.

Ongnable.

Tinignan ko pa kung may ibang laman yung paperbag at hindi nga ako nagkakamali kasi may letter.

Ong,

Hi baby ko :) ang kapal ng mukha ko pero namiss kasi kitang tawagin ng ganyan hehe.

So ayun, hindi ko na papahabain 'tong letter. Ayokong mag-isip ka ng kung ano ano eh. Oo nga pala, andiyan na si Ongnable, binalik ko na ah! Hahaha iningatan ko ng sobra sobra yan hahaha

I just want to thank you for the 2 amazing years of relationship. Medyo di lang ramdam yung isang taon, pero for me, it's still amazing :)

Walang halong kaplastikan, pero sobrang saya ko nung sinabi mo no'n sa'kin na may gusto ka rin sa'kin. Ako na ata pinakamasayang babae no'n, literally.

Mag-iingat ka lagi diyan ah? Pinabantayan kita ng maigi kay Jaehwan at Sungwoon. Tsaka andiyan naman ang ibang members ng wanna one para bantayan at samahan ka lagi.

Sorry talaga sa lahat, sorry kung tinago ko sa'yo yon. Sana maintindihan mo ako :(

Ayun, tatapusin ko na 'tong so called letter ko hahaha.

I'm giving you the space that you want, masakit at mahirap man sa'kin na di kita makita, titiisin ko kasi alam kong para rin sa ating dalawa 'to.

Salamat at sorry talaga sa lahat, Ong.

Don't worry, my dear. You're always in my heart.

Loving you always,
Maggie <3

**
1.1k reads agad sbkznjwjdbsks thank you so much!!! 💖 ayun, nakumpleto ko na 'tong kay ong, ipupublish ko nalang siya hehe.

❝ ongnable ❞ ➳ o.swTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon