31

929 52 30
                                    

Maggie

Andito ako ngayon sa kwarto ko.

Nakaupo habang tinititigan si Ongnable. Habang tinititigan ko 'tong manikang 'to, ang dami kong naaalala.

[ flashback ] - 3 years ago

"Jaehwan, ang pogi no'n." Sabi ko sabay turo dun sa kaibigan ni Jaehwan.

"Sino? Ako?"

"Gago."

"Aba? Mas matanda ako sa'yo, Maggie ah."

"Joke lang. Ano nga pangalan no'n?"

"Magpakabait ka muna sa'kin tas sasabihin ko name niya." Sabi ni Jaehwan

"Mangarap ka." Sabi ko at lumapit do'n sa kaibigan niya. Andito kasi ako sa bahay nila Jaehwan, tas nasaktong andito yung mga kaibigan niya. Familiar ako do'n sa iba, pero sa iba, hindi.

"Hi po kuya. I'm Maggie, kinakapatid po ako ni Jaehwan. Can I ask your name po? May research po kasi kami about good looking boys po."

"Ay ganon ba? Ong Seongwoo, but you can call me Ong."

"Okay po. Thank you." Sabi ko at nagbow, ganon din siya.

Bumalik ako sa kusina kung nasan si Jaehwan at nadatnan siyang nanlalaki ang mata

"Ayaw mong sabihin eh. I'm Maggie, I will always find ways." Sabi ko sabay kindat sa kanya

"Alam mo, di ko talaga alam kung saan mo nakukuha 'yang confidence mo. Napaka-taas eh."

"Lahat naman sa'tin mataas eh, mataas confidence ko, mataas boses mo. Height lang naman ni Sungwoon ang hindi."

"HAHAHAHAHAHAHA." Tawa ni Jaehwan

"Aish. Magsama nga kayo ni Sungwoon. Sakit sa tenga ng tawa niyo."

"Ano meron dito?" Sungwoon asked na kararating lang dito sa kusina.

"Etong pinsan mo, masyadong mataas ang confidence." Jaehwan said

"Ano bang bago do'n? Wala naman. Bakit? Ano na naman ginawa ni Maggie this time?"

"Sabi niya kanina, ang pogi daw ni Ong-hyung tas tinatanong niya sa'kin name. Tas sabi ko magpakabait muna siya sa'kin tas sasabihin ko kung ano pangalan ni Ong-hyung. Aba, sabi ba naman sa'kin mangarap daw ako. Tas alam mo ba ginawa niya?"

"Hindi. Kaya nga nagtatanong ako eh psh."

Mahina akong tumawa, tinignan lang ako ng masama ni Jaehwan. "Eto na nga, lumapit kay hyung tas tinanong pangalan, sabi kelangan daw nila sa research nila."

Biglang natawa si Sungwoon.

"Ahhhh. Ang sakit sa tenga, diyan na nga kayo." Sabi ko at iniwan sila sa kusina. Umupo ako sa sofa sa sala. Tinitigan ko si Ong habang naglalaro sila ng Play station ni Baejin.

Hmm, pano mo kaya ako mapapansin?

**
puro flashbacks po muna sa next chapters, hangga't walang nakikitang end of flashback ay flashback pa rin, owkie?? hehe.

❝ ongnable ❞ ➳ o.swTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon