41

903 50 7
                                    

Maggie

Kung dati, ako ang nangungulit kay Ong. Ngayon, baliktad na kami.

Siya na ang nangungulit ahehehe.

One message received

Ong Seongwu
Active now

ong: can we meet?

maggie: oh? ano nakain mo? porket nasakin si ongnable?? |deleted
maggie: when and where??

ong: sa lobby. may ginagawa ka ba?

maggie: wala. free time namin

ong: pwede ngayon na?

maggie: K

ong: salamat!!
Seen

Dali dali akong pumunta sa lobby. Nadatnan ko siyang nakaupo don. Nung makita niya ako ay napatayo siya bigla.

"Hi Ong."

He smiled, "Hi Maggie."

JUSKO ANG POGI!!!!

"Bakit mo ako pinapunta?"

"Mag-usap lang sana tayo."

"About?"

"About things? Ewan basta mag-usap lang tayo."

"Hmm. Okay."

Umupo kami, "So, bakit mo ako kinukulit?" He asked

Naningkit mga mata ko, "Kasi ayokong manatili 'yang galit mo sa puso mo. Di naman pwedeng galit ka nalang habang buhay, alam kong may rason ka. Kaya gusto kita tulungan." I said

Pero 'yan yung mababaw na rason, siyempre may mas malalim pa.

"Bakit?"

Kasi gusto kita

"Ewan ko." Sabi ko at nagkibit-balikat

"Seryoso ka talaga diyan?"

"Oo nga. Kung sasabihin mo yung rason kung bakit ka galit sa mga babae, baka kaya kitang tulungan."

"Seryoso?"

"Ay ang kulit." Sabi ko

Bumuntong-hininga siya, "Ganto kasi yan, alam kong maling magalit sa lahat ng babae. Pero kasi di mo naman ako masisisi kasi sobrang sakit ng nangyare sa'kin. Yung ex-girlfriend ko kasi, mahal na mahal ko yon. Tipong, lahat talaga gagawin ko para sa kanya, lahat kaya kong isakripisyo. Pero ano nangyare? She cheated on me."

So yun pala yon?

"Di naman lahat ng babae, manloloko."

"I know."

"Ayun naman pala, edi bakit di mo umpisahang magpatawad, at iaccept nalang? Tapos na kasi eh. Kahit anong galit o kahit anong gawin mo, hindi no'n mababago ang nakaraan. Hindi ka ba nahihirapan? Ang hirap kumilos at ang hirap mabuhay kung puro galit pinapairal mo."

"Alam mo, ikaw pinaka-makulit na babaeng nakilala ko."

"Ikaw kasi pinaka-bitter na lalaking nakilala ko. Sayang ka, gwapo ka pa naman."

"So crush mo ako?"

"Oo bakit papalag ka?"

"Geez napaka-straightforward."

"Well? Eh kesa naman puro kaplastikan."

"Sabagay."

"So friends na tayo?" I asked then offered him my hand

He chuckled, "Friends." Sabi niya at tinanggap yon.

"Baka naman kaya ka nakikipagkaibigan kasi gusto mong ibalik ko sa'yo si Ongnable?"

"Hindi ah."

"Weh?"

"Oh edi sige. Sa'yo muna si Ongnable. Tas kapag tingin mo, napatunayan ko na sarili ko sa'yo, edi tsaka mo ibalik."

"Talagang friends na tayo?"

"Oo nga."

End of Flashback

At simula no'n, nagstart yung friendship namin. Few months after, sinabi niyang may gusto siya sa'kin then few months after, naging kami na.

Mabilis, oo. Pero mahal ko eh.

Naging masaya naman kami, hindi rin naman maiiwasan yung hindi pagkakaintindihan pero naaayos naman.

Naalala ko pa nung first anniversary namin, ang saya ko pa no'n. Kaso few days after, nangyare nga yung naaksidente siya then up until now, di pa rin siya fully recovered.

Niyakap ko si Ongnable.

"Ibabalik na ba kita kay Ong? Napapagod na ako pero nagpromise ako na di ko susukuan si Ong. At hindi ko naman talaga siya susukuan, kaso napapagod na talaga ako."

Ano na gagawin ko?

**
so near to 1k reads hsjsnxjshdbsje thank you guys!! 💖

❝ ongnable ❞ ➳ o.swTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon