Special Chapter

436 23 37
                                    

Maggie

10 years after

"Mommy! Daddy! Kinuha ni Slater yung doll ko!"

Napabalikwas ako sa tining ng boses ng anak ko, jusko kang bata ka kanino ka ba nagmana.

"Ayang si Slater talaga, kaugali mo." Sabi ni Ong sa'kin na nakaupo sa sofa

"Kaugali mo naman si Maddie, sumbungera." Sabi ko at pinuntahan ko yung kwarto nung dalawa para hanapin si Slater. Nakita ko naman siyang nakatayo sa tabi ng kama

"Slater, anak, bigay mo na kay Maddie yung doll niya."

"Ayaw. Kay Daddy yung doll na 'yon eh. Hindi naman sa kanya."

Ongnable.

Natawa nalang ako, akala kong doll na tinutukoy ni Maddie ay yung mga dolls niya. Si Ongnable pala

"Slater, okay lang 'yon. Pinahiram ko 'yon kay Maddie. Sige na anak, bigay mo na sa kapatid mo si Ongnable." Sabi ni Ong. Natatawa nalang talaga ako habang tinitignan silang tatlo.

Sa loob ng 12 years na pagsasama namin ni Ong, wala namang nagbago. Ganon pa rin kami. 6 years ago, binigyan kami ng napakagandang blessing. Actually, blessings, dalawa kasi sila. Sobrang nagmature kami ni Ong nung dumating sa buhay namin si Maddie tsaka Slater, kambal naming anak. Si Maddie, kaugali ni Ong, sumbungera, maharot, basta girl version ni Ong. Si Slater naman, kaugali ko, masungit, nangunguha ng doll ng may doll, tsaka straightforward kung magsalita. Boy version ko si Slater.

Isa na akong ganap na ob-gynecologist. Nung nabuntis ako dito sa kambal, nagaaral pa ako no'n pero after ko manganak, tinuloy ko pa rin kasi pangarap ko talaga 'to eh.

"Daddy, akin nalang po si Ongnable." Sabi ni Maddie at nagpabuhat sa daddy niya.

"Sure, baby."

"Yehey! Thank you, daddy! Ey ey eyyy." Sabi ni Maddie, sabi sainyo kaugali ni Ong 'yan eh.

"Mommy, punta tayo kela Uncle Woojin."

Nagkatinginan kami ni Ong, "Bakit gusto mo pumunta do'n, anak?"

"Kasi po si Cassidy."

"Ano meron kay Cassidy?"

"Crush ko po kasi siya. Ang ganda niya po kasi." Nahihiyang sabi ni Slater

Natawa naman kami ni Ong, "Kitamo na? Mana talaga sa'yo 'yang si Slater, kapag maganda crush agad. Ganyan ka rin dati eh." Sabi ni Ong

"Excuse me, Ong Seongwu? Ikaw lang naging crush ko dati."

"Si Kihyun? Si Youngmin? Ano?"

"Tse."

Natawa siya tas niyakap ako habang buhat buhat si Maddie, "I love you, Magazine."

"Baduy mo talaga." Natatawang sabi ko

Napabalikwas kami nang umiyak si Skylar. Dali-dali kaming pumunta sa kwarto.

Actually tatlo na anak namin ni Ong. Slater, Maddie tsaka si Skylar. 10 months old palang si Skylar. Okay na kami sa tatlong anak, swear.

Sumunod naman sa amin yung kambal at naunang lapitan yung bunso nilang kapatid. Sobrang lumambot yung puso ko nang makita silang gano'n. Pinicturan 'yon ni Ong.

"Parang dati lang tayo palang tas ngayon lima na tayo." Sabi ni Ong

"Ambilis lumipas ng sampung taon 'no?"

"Oo nga eh. 12 years na rin pala tayong magkasama. Buti nalang hindi ka nagsasawa sa'kin." Natatawang sabi niya

"Kahit nakakabwisit ka, kahit mas mature pa si Slater sa'yo, hindi ako magsasawa sa'yo. Hindi ko naman kinuha si Ongnable 12 years ago para lang magsawa ako sa'yo. Alam mo namang ikaw lang gusto ko dati pa."

❝ ongnable ❞ ➳ o.swTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon