Chapter 4

37 0 0
                                    

*Chapter Four*

“Ano ba, Allie? Malayo pa ba ang puntod ng iyong Mama't Papa? Basang-basa na ang mga paa ko!” reklamo ni Reina. Isa ito sa mga bagong scholar ng Rogelio Reales, Sr. Foundation. Nagsisilbi rin ito bilang private nurse ng kanyang lolo, si Rogelio Reales II.

“Sinabi ko na sa iyo na huwag sandals ang isuot mo,” mahinahong sagot niya. Sinabi ni Matt na mauna na sila dahil may kakausapin pa itong mahalagang tao sa cell phone.

“Puwede ba? Hindi bagay ang rubber shoes sa damit ko, 'no? Ano na lang ang sasabihin ni Matt? Ano, huwag mong sabihing naliligaw tayo?”

“Nakikita mo ba iyong parang tolda na iyon? Doon tayo pupunta.”

Malapit na sila nang may mapuna si Reina. “Sino ang lalaking iyan?” tanong nito nang mapuna ang nakatalikod na taong may suot na cap. “Paano siya nakapasok sa loob? Hindi ba't nasa iyo ang susi?” anito sa kanya.

“Ngayon ko lang din siya nakita,” ani Allie. Nakasuot ng maong na jacket at jeans ang tao sa loob.

“Mabuti pa ay bumalik na lamang tayo kay Matt.” Hindi itinatago ng magandang nurse ang pagkakagusto sa kanyang nobyo. “Dapat talaga ay sinamahan muna ako ni Matt hanggang dito,” bulong ni Reina.

“Halika na, pumasok na tayo,” yaya niya.

“Ayoko nga. Mamaya masamang tao iyan. Kung gusto mo, mag-isa ka na lang.”

Napabuntong hininga siya. “Hinaan mo'ng boses mo.” Mabuti na lamang at hindi lumilingon ang lalaki. Mukhang hindi naman nito narinig ang dalaga. “Tara na sa loob, itatanim pa natin itong mga bulaklak na dala ko.” Pansamantala niyang ibinaba ang basket na kinalalagyan ng mga gamit sa pagtatanim.

“Bahala ka. Basta ako, mag-uumpisa na akong maglakad pabalik sa kotse. Pag nagkataon, problema na naman ni Matt kapag napahamak ka.” Iyon lang at iniwan na nito si Allie. Makipot ang daan patungo sa burol na kinaroroonan ng puntod at hindi iyon napapasok ng sasakyan.

Buhat ang basket ay nakatalikod niyang binati ang nakatalikod na lalaki. “Magandang umaga. Kilala mo ba ang mga magulang ko?” Allie was hoping that it was so. Sabik siya sa anumang impormasyon patungkol sa kanyang Papa at Mama dahil walang kibo ang kanyang lolo tungkol doon. Hinihintay pa niyang makaharap ang mga magulang ni Matt para makapagtanong.

Noon nagsalita ang babae. “Tama ang kaibigan mo. Hindi ka dapat basta nagtitiwala. Paano kung masamang tao nga ako?” Pagkasabi niyon ay humarap ito at inalis ang cap sa ulo.

“Oh, my…” Nabitawan ni Allie ang basket sa pagkabigla. Ibang-iba ang malamig na boses ng… babae. Makinis ang mukha nito at mahahaba ang pilik-mata. Napakaganda nito para maging lalaki.

Tinulungan siya ng babae na nagpakilalang Lily sa pag-aalis ng maliliit na damo sa paligid ng puntod. Sinabi nito sa kanya na naglayas ito sa kanila. Napansin niya ang dala nitong bag.

“Nineteen na ako,” aniya. “Ikaw?”

“Twenty at wala pa ring natatapos. Parang ayoko nang bumalik sa unibersidad.

“Ako nga pala si Allie. Allie Reales.” Tumayo siya at inabot ang

kamay sa babae.

Pormal itong tumayo at nakipagkamay. “Lily Ardennes.”

Tinipon nila ni Lily sa isang dako ang mga natuyong damo. Naglabas ng lighter si Lily at sinindihan iyon. Humingi ng paumanhin si Lily dahil sa pagpapalipas umano ng magdamag sa puntod ng kanyang mga magulang.

“Pero hindi ba malamig sa lugar na ito kapag gabi?” aniya.

“Nakakatuwa ka. Napakamaalalahanin mo. Mahal na mahal ka siguro noong kasama ninyong naiwan sa kotse.” Nanunukso ang himig ni Lily.

“Si Matt…” Bahagyang namula si Allie.

“Magkasintahan kayo, ano?”

Hindi siya sumagot.

“Ano ba namang klaseng reaksyon iyan? Sa naikuwento mo sa akin kanina—”

“Pero si Tanya…” Bigla ay parang gusto niyang bawiin ang pangalang nabanggit.

“Teka, sinadya mo bang hindi sabihin sa akin ang napag-usapan ninyo ni Matt tungkol kay Tanya? Ngayon ka pa ba naman maglilihim, eh halos nahuhulaan ko na ang buong istorya?”

Itinuon lamang ni Allie ang paningin sa lambak sa ibaba.

“Tinanong ko si Matt kung bakit wala siyang nabanggit tungkol sa nakaraan niya.”

“Ano'ng sabi niya?”

“Hindi raw ako nagtatanong.” Naupo si Allie sa damuhan at niyapos ang mga binti.

“Interesante. Makikilala ko ba si Matt mamayang tanghalian?” Nanatiling nakatayo si Lily.

“Ayokong magtanong, ayokong isipin niya na nagdududa ako sa kanya. Gusto ko sa kanya manggaling.”

“Nakita mo na ba si Tanya?” Umupo sa tabi niya si Lily.

“Hindi pa. Naihatid na siya ni Matt bago ko pa siya na-meet noong minsang dumalaw sila sa villa. “

“Selos ka naman…” biro nito.

“Hindi, ah,” tanggi niya. Hinawi niya ang maliliit na damo sa kanyang paanan gamit ang isang patpat. “May mga magulang ka pa ba, Lily?”

“May pakiramdam ako na gusto mong ibahin ang usapan. Sige, sasagutin kita. Oo, may mga magulang pa ako. My father is an employee at an international shipping agency. Plain housewife naman ang mother ko. Tatlo kaming magkakapatid, panay babae at ako na lamang ang walang asawa. Maiba ako, nangangailan 'ka mo kayo ng cook sa bahay?”

“Bakit, may irerekomenda ka?” Naghagis si Lily ng isang maliit na bato sa lambak. Hinintay nitong mawala iyon sa paningin bago nagsalita.

“Hindi na kailangan. Kaharap mo na ako.”

“Hindi kaya mag-init lang ng tubig ang alam mong gawin?” Naisip agad ni Allie na maipapakiusap niya kay Uncle Martin ang pagtigil ni Lily sa villa.

“Baka makalimutan mo ang pangalan mo pag natikman mo ang luto ko,” pagmamalaki nito.

“Sa sarap o sa pangit ng lasa?” Napalingon si Allie nang may humawak sa balikat niya. “Matt…” Inabot ng lalaki ang kamay niya at itinayo siya nito. Tiningnan nito si Lily pero hindi ito nagtanong.

“Pasensya na kung natagalan ako,” anito.

“Matt, nasaan si Reina?” Biglang sumulpot sa likuran nito ang hinahanap niya.

“Nakasalubong ko lang siya,” ani Matt. “Hindi niya yata alam kung kakaliwa o kakanan.”

“At sino naman ang babaeng iyan?” Reina demanded.

Si Lily mismo ang sumagot dito. “Ako lang naman ang tinawag mong masamang tao kanina.”

Ikaw LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon