Chapter Seven
Dahan-dahang kumilos si Allie. Ayaw niyang magising si Matt. Limang minuto pa, aniya sa sarili. Tuwing umaga, bago siya tuluyang bumangon, pinagsasawa niya ang paningin sa pagmamasid sa asawa kasabay ng paghaplos sa maamong mukha nito at pagbulong ng pagmamahal niya rito. Bahagya lamang ang bigat ng mga bisig nito na nakayapos sa kanya. Marahan siyang kumawala sa mga iyon. Kailangan na niyang bumaba. Isinuot niya ang roba at lumabas ng silid.
Paglapat ng pinto, kumilos si Matt at napangiti sa sarili. Kanina pa nitong pinipigilang gawin iyon sa harap ng asawa. Hindi iilang beses na nais nitong halikan ang kabiyak tuwing naririnig ang ibinubulong ng huli.
“Sweetheart, nasabi ko na ba sa iyo na tumawag ang uncle mo? Itinatanong niya kung puwede tayong mag-weekend sa villa,” ani Matt nang bumaba ito para mag-almusal.
“Ano'ng sagot mo?” Silang dalawa ang nagpasya na sa family house nila Matt manirahan pagkatapos ng kasal. Nasa ibang bansa pareho ang mga magulang ng lalaki.
“Okay lang ba sa iyo na magbiyahe nang malayo sa kondisyon mo?” Alam na ng buong pamilya ang pagdadalantao ni Allie may tatlong buwan na.
“Oo naman. Isa pa, matagal na rin tayong hindi nakakauwi simula nang…” Her voice trailed away.
Alam ni Matt na ang pagpanaw ng kanyang lolo ang tinutukoy niya.
“Maaga na nga pala akong makakauwi simula ngayon. Na-dissolve ang klase ko ng 7-9 ng gabi,” pag-iiba ni Matt ng usapan.
“O sadya mong ipinasa sa ibang professors dahil inaalala mong wala akong kasama dito?” Nagtuturo si Matt sa unibersidad kung saan dating propesor ang ama nito na ngayon ay retirado na.
“Mahal ko ang pagtuturo,” sagot nito, “pero mas mahal kita. I really think na masyado mong pinapagod ang sarili mo para maipaghanda lang ako ng almusal.”
“And I really think na hindi ka kumakain nang maayos,” komento ni Allie nang ilapit niya ang tasa ng kape nito.
“Lagi ko namang kinakain ang mga inihanda mo,” pangungumbinsi ni Matt.
“Lagi… ang sabihin mo, lagi kang nagmamadali.”
Narinig ni Matt na tila may hinanakit sa tinig ng asawa.
“May kasabihan nga, you must not keep a lady waiting…” Gustong-gusto nitong nakikitang nagseselos siya.
Alam niyang ang tinutukoy ni Matt ay ang kababata nitong si Gema. Laging sumasabay ang dalaga kay Matt patungo sa unibersidad. Nagtuturo rin ito roon at malapit lamang ang tirahan sa kanila. Tahimik si Gema at bihira lamang makipag-usap sa kanya. Kadalasan ay hindi ito tumutuloy at hinihintay na lamang si Matt sa garahe.
“Hindi ako nagseselos,” tutol ni Allie na ipinagsisi niya kaagad. Para na rin niyang sinabing ganoon nga.
“Wala naman akong sinabi,” painosenteng pang-aasar ni Matt.
Tumunog ang doorbell. Si Gema tiyak iyon. Alam naman niya na tatanngi rin ang babae kahit ayain niya itong pumasok o sumalo sa almusal. Isa pa, maaari naman itong pagbuksan ni Mari, ang kasambahay nila, kaya hindi na siya nag-aabala. Tiningnan niya ang asawa. Nakakaloko ang ngiti nito bagaman hindi nakatingin sa kanya.
“Tapusin mo sana ang pagkain mo,” naiiritang sabi niya.
“Sweetheart, I'm doing just that,” sagot nito.
“Sweetheart…” maktol niya.
Nagtaka si Allie nang bumukas ang screen door sa kusina at may dumadagundong na boses na kasunod.
“Talaga bang wala nang sense of appointment ang mga tao rito? Simula talaga nang magkaasawa ka, Allie, ay naging makakalimutin ka na. Lagi ka na lang wala sa group date ng barkada-”
“Hindi ka pa rin nagbabago, Reina, maganda ka pa rin,” ani Matt.
“Kung totoo ang sinabi mo ay ako sana ang pinakasalan mo at hindi ang babaeng iyan!” sagot ni Reina na ikinangiti lamang ni Allie. Napailing si Matt.
Hinagip ng asawa ang mga mata niya. “Nakalimutan kong sabihin sa iyo na dalawang buwang mawawala si Gema dahil may dadaluhan siyang seminar sa Australia at sabi niya'y magbabakasyon na rin siya.” Wala naman talaga itong pakialam doon pero gusto nitong makita ang reaksyon ni Allie. Naunahan ni Reina ang huli.
“Babae na naman, Matt?” Nagsalin si Reina ng juice sa baso nito. “Hindi yata Tanya ang pangalang narinig ko. Alam mo bang binisita niya dito si Allie?” Prenteng naupo si Reina sa harap ni Allie. Pinandilatan niya ito. Hindi iyon nakita ni Matt nang bumaling ito sa asawa. Nagtatanong ang mga mata nito.
“Nangumusta lang siya, Matt. Hindi ko nabanggit sa iyo dahil iyon ang araw na ibinalita ko sa iyo ang pagbubuntis ko. I guess my excitement—”
“Ganoon ba kahalaga sa iyo ang pagdalaw ng dati mong nobya, ha, Matt?” bawi ni Reina nang mahalatang walang balak si Allie na ipaalam iyon sa asawa.
“Kakaiba ka talaga, Reina. Dalasan mo na lamang ang pagbisita mo rito para hindi mabagot si Allie.”
“Tuturuan ko na lamang siyang makipag-date nang hindi mo nalalaman para hindi na ako maabala,” banta ni Reina.
Tumawa lamang si Matt. Hindi naman makangiti si Allie. Sinundan nila si Matt patungo sa driveway. Nagtaas ng kilay si Reina nang mainit siyang halikan ni Matt sa labi sa harap nito.
Nag-iwas na lamang siya ng tingin sa kaibigan.
“Bakit ayaw mong ipaalam sa kanya ang pagbisita ni Tanya?”
“Tanya meant no harm,” sagot ni Allie.
“Huwag kang pakasiguro. Kung ako ang pinagsalitaan niya ng ganoon ay baka hindi ko siya natantya.
BINABASA MO ANG
Ikaw Lang
RomanceMinsan, kailangan mong maranasan ang malungkot para ma-appreciate mo iyong mga oras na masaya ka.