Eleven to End

67 0 0
                                    

Chapter Eleven

“Matt!” Hindi maitago ang kasiyahan at pagkabigla sa mukha ng bumati subalit blangko ang reaksyon ng kaharap. Ginagap nito ang palad ni Jake at mahigpit iyong pinisil bago binitawan. “It's been so long when I last saw you. Dito ka nagtatrabaho?”

“Oo. Sa research department,” Jake flatly stated. Bakit kaya siya tinawag na Matt ng lalaking ito? Sa tono nito ay parang kilalang-kilala siya at hindi nagkakamali lang. Hinihintay niyang bumaba si Anne galing sa fifth floor. Kanina pa siya sa lobby.

“Hey!” Tinapik ng lalaki ang braso niya. “This really is a cold welcome. Hindi mo ba ako nakikilala? Ako ito, si Andrew. Anyway, para namang hindi na ako nasanay sa iyo. Sabihin mong nagbibiro ka lang. You've never seen me with my beard ang long hair, huh?”

Hindi alam ni Jake kung paano tatapatan ang sigla ng kausap. Kilala ba talaga siya nito? O sasabihin na ba niyang baka nagkamali lang ito?

“Sasabihin kong malaki ang ipinagbago mo. Bakit ka nga pala nandirito?” sa halip ay panunubok niya.

“Congratulate me,” tugon ng lalaki na nagpakilalang Andrew.

“Are you getting married?”

“Getting married, my neck!” Tumawa ito. “Ikaw talaga, Matt. I have a lunch appointment with my editor, about my second book. Hindi na ako puwedeng magtagal but, here… take my calling card.”

Kinuha niya ang iniabot nito. Bakit ba ito mapilit na tawagin siyang Matt. Napansin niyang sa may likuran niya ito nakatingin.

“So its Anne Gema all along. Pilyo ka talaga. Palagay ko'y kailangan ko nang umalis. I have to talk to my favorite girl before you introduce me to your new love,” tila malungkot na sabi nito. Ipinagkibit-balikat lang niya ang sinabi nito. Nakalayo na ang lalaki bago pa nakalapit sa kanya si Anne.

MAY HINAHANAP SIYA sa mga drawers sa library nang maramdaman niyang may nanonood sa kanya. Hindi siya nagkamali. Nasa may pintuan si Anne.

“Akala ko'y natutulog ka,” aniya.

“Nagising ako nang mapansing wala ka. May hinahanap ka ba?”

Kalmante niyang isinara ang drawer. Pinatay niya ang ilaw sa silid bago tuluyang lumabas. Sumunod sa kanya ang babae.

Sasabihin ba niyang hinahanap niya ang calling card ni Andrew? Hindi na siguro kailangan.

Napansin marahil nito na wala siyang balak sumagot. Naramdaman ni Anne ang pagbabago niya nitong mga nakaraang araw. Nag-uumpisa nang mabuwag ang kumpiyansa ng babae.

Kinuha niya ang percolator. Nakatalikod siya kay Anne. Naupo ang babe sa isang stool sa dining area.

“Coffee?” tipid na tanong niya nang hindi lumilingon.

“Sure,” sagot nito.

“Hindi ba't sixty-one na ang Papa mo sa darating na birthday niya?” Ipinatong ni Jake ang tasa sa counter at naupo malapit kay Anne.

“Paano mo nalaman?” Pinilit nitong ngumiti.

“Natatandaan ko noong tumawag ka sa kanya noong isang taon. Maganda siguro kung uuwi tayo para batiin siya,” aniya.

“Masyado naman yatang kaabalahan kung uuwi tayo dahil lang kaarawan niya.”

Tiningnan niya ang dalaga at tila bahagya itong nalito.

“Ibig kong sabihin… hindi ba't huli na kung ngayon pa lamang tayo mag-aasikaso ng plane reservations at vacation leave?”

“Inasikaso ko na ang lahat.” Tumayo siya. “Balak ko sanang sorpresahin ka.” Inilapag niya ang hawak na tasa sa sink at binuhay ang faucet. Pinihit niya iyon pasara saka muling nagsalita. “Ang buong akala ko ay matutuwa ka. Nagkamali ako.”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 10, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ikaw LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon