Ch 9

27 0 0
                                    

Chapter Nine

Hindi alam ni Matt na maaari pa pala siyang makaramdama ng higit na kasiyahan. Kahapon lang ay nagsilang si Allie ng isang batang babae. Madaling-araw na kanina nang umalis siya sa ospital. Hangga't maaari sana ay ayaw niyang iwan si Allie sa mga sandaling ito pero minarapat niyang ayusin na kaagad ang sorpresa niya para rito. Tatanggapin na niya ang alok ng KANE, Inc. bilang isa sa mga project consultants nito. Sa gayon hindi na magkakaroon ng dahilan para makasama niya si Gema, lalo't iiwan niya ang unibersidad.

Lingid sa kaalaman ni Matt, dalawang may magkaibang layunin ang nakasunod sa kanya.

Agad naramdaman ng lalaki ang paparating na kotse mula sa likuran. Nakasisiguro siya na intension ng sinuman na nasa manibela ang sagasaan siya.

Hindi kaagad nakakilos ang babae na kanina pang nakamasid mula sa malayo. Napakabilis ng reflex ng lalaking iyon. Hindi niya akalain na magagawa nitong takasan ang hindi inaasahang panganib. Gayunman, tumalsik pa rin ang lalaki sa tindi ng impact ng naging contact nito sa sasakyan. Pinipilit nitong bumangon pero kailangan na nito ng tulong. Ito na ang pagkakataon niya.

Tumigil ang kotse sa may di kalayuan sa lalaking inaalalayan ng babae para makatayo. Makaraan ang ilang sandali ay pinasibad ng tao sa loob niyon ang sasakyan.

Inakay ng babae ang lalaki patungo sa sarili nitong kotse. “Kailangang madala ka sa ospital.”

“Kilala ba kita? Magkasama ba tayo?”

Napatingin dito ang babae na kasalukuyang binubuhay ang makina. Nag-iisip ito ng isasagot.

“Hindi mo ba naaalala?”

Tinutop ng lalaki ang noon a para bang biglang sumakit ang ulo nito.

“Hindi. Wala akong maalala. Magkakilala ba tayo? Bakit mo ako tinutulungan?”

“Rest easy. Huwag mong pilitin ang sarili mo na mag-isip. Nasa mabubuting kamay ka.”

Sumunod ang lalaki. Isinandal nito ang ulo sa headrest ng sasakyan.

“Gawan mo ng paraan, Papa,” pakiusap ng dalaga. “Gusto kong makalabas kami ng bansa sa lalong madaling panahon.”

Humarap ang matandang lalaki. Tumigil itong saglit sa pagpapalakad-lakad at bumaling sa anak. “Alam mong hindi iyan maaari. Kilala mo siya. He is already married!” Nagpapaunawa ang tingin nito. “Hindi mo siya puwedeng itago habambuhay para angkinin. Sooner or later, babalik ang alaala niya at iiwan ka rin niya.” Halos magmakaawa ang tinig ng matandang lalaki sa kabila ng hina niyon.

“Hindi niya iyon gagawin kung may pananagutan na siya sa akin pagkatapos ng panahong magkasama kami.” Ni hindi natinag sa eleganteng pagkakaupo ang babae.

“At paano kang nakasiguro?” Umupo ang matanda at nagpasyang ibaba na lamang sa ash tray ang sigarilyong kanina pang hawak ngunit hindi na nasindihan.

“Ikaw na ang nagsabi na kilala ko siya. Kaibigan natin ang kanilang pamilya. Ibinigay na siya sa akin sa pagkakataong ito. Hindi ko na papayagang mawala pa siya.”

“Hija, makinig ka. May sarili na siyang buhay—”

“Siya ang buhay ko, Papa. Magagawa mo kaming tulungan.”

“Ang ospital kung saan siya naroon ngayon…”

“Walang makaaalam na siya iyon. Ibang pangalan ang ginamit ko.”

“Anne—”

“Tulungan mo kami, Papa. Isang bagong pangalan at pagkatao para sa kanya. Gawin mo iyon…at mapapatawad na kita,” sumbat nito.

Ikaw LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon