Chapter Ten
Labing-pitong buwan simula nang huling magkaroon ng progreso sa pagkawala ni Matt, nakatanggap si Allie ng tawag mula sa isang misteryosong tao na nagsabing maaari itong makatulong. Ayaw siyang payagan ni Reina na umalis mag-isa pero mapilit siya.
“Allie Bellisario,” pahayag ng lalaki. “Pinagmamasdan kita buhat sa labas.”
She motioned for him to sit.
“Sinadya kong hindi magpakilala sa telepono. Ako si Jed. Dati kong kasintahan si Tanya.”
“Nabanggit ka na noon sa akin ni Matt,” tugon niya.
“Kung gayon ay sira na ang reputasyon ko.”
“Hindi si Matt ang tipo na maninira ng tao.”
“Sang-ayon ako. Pero mabuting may tiwala ka sa akin at hindi iyon mangyayari kung hindi mo ako lubusang kilala,” sabi nito.
“Makinig ka, wala akong karapatan na husgahan ka anuman ang nagawa mo noon. Nandito lamang ako para linawin ang tulong na sinasabi mo. At para sabihin na ngayon pa lang ay nagpapasalamat na ako.”
“Naniniwala ka ba na kaya kong saktan o pagbantaan man lang ang sarili kong kasintahan dahil lang sa isang paligsahan?”
“Kahit si Matt ay hindi makapaniwala na magagawa mo ang ganoon,” maingat na pahayag niya.
“Hindi ko iyon ginawa.” Nakita ni Jed ang pagkamangha niya sa sinabi nito. “Ang lahat ay sa pagitan lamang ni Angelo at ng pinsan ko na malaki ang inggit kay Matt. Hindi ko alam kung may kinalaman si Tanya sa lahat pero—”
“Naniniwala ako sa iyo,” walang gatol na putol niya.
Tama nga si Angelo, naisip ni Jed. Mabilis magtiwala si Allie at hindi yata marunong magduda. Ngayong wala si Matt, hindi malayong mapahamak ito.
“Sinabi kong naniniwala ako sa sinabi mo pero hindi ibig sabihin noon ay nakuha mo na ang tiwala ko. Hindi ko alam kung posible pa iyong mangyari. Ngayong hindi ko kasama si Matt, kailangan kong mag-ingat, kahit sa mga katulad mo na nagmamagandang-loob. Malinaw sana sa iyo ang bagay na iyan.
He underestimated her. Matalino ang babae. Nakakalansi ang ganda nito.
“Nauunawaan ko. Ang totoo ay natatakot ako para sa iyo,” dagdag ni Jed.
“Hindi mo kailangang gawin iyan. Marami na silang nag-aalala sa akin.” Napatungo si Allie sa isiping iyon.
“Hindi ko maiaalis sa iyo ang mag-ingat. Pero sinisiguro ko sa iyo na hindi ako kalaban, at hindi ko alam kung may maitutulong pa ako sa iyo bukod sa sasabihin ko ngayon.”
“Anong ibig mong sabihin?”
“Si Angelo ang nagmamaneho ng kotseng sumugod kay Matt mula sa likuran.”
“Anong nangyari? Sino raw siya?” pag-uusisa ni Reina pagkarating niya.
Lumabas si Lily galing sa guest room.
“Nandirito ka rin pala, Lily,” ani Allie.
“Nahuli lang ako ng dating. Kung nandito ako kanina ay hindi kita papayagang umalis mag-isa,” tugon nito.
“Ayan na, naramdaman yata ni Allyssa na narito ka na at umiyak. Aaliwin ko muna habang nagbibihis ka,” ani Reina. “Nagpasabi pala sina Mina at Amy na dito sila manananghalian.”
“Reina, si Jed na rin ang nagsabi na ipapahamak ako ng pagtitiwala ko,” tutol ni Allie nang sabihin nitong nakakaduda ang pagboboluntaryo ni Jed na tumulong.
BINABASA MO ANG
Ikaw Lang
RomanceMinsan, kailangan mong maranasan ang malungkot para ma-appreciate mo iyong mga oras na masaya ka.