Chapter Eight
Itatanong sana ni Matt kung gustong uminom ni Allie ng gatas bago ito matulog pero mukhang hindi na kailangan. Nakatulog na ito sa sofa. Kapapasok lamang nila galing sa restaurant at doon muna ito naupo habang isinasara niya ang pintuan.
Naupo si Matt sa sahig. Sinalikop niya ang mga tuhod at pinagmasdan ang natutulog na kabiyak. He looked at her face; it was serenely beautiful. Allie was only twenty when he married her. Ngayon, pagkatapos ng dalawang taon, malapit na silang magkaanak. Naramdaman marahil ng asawa ang panonood niya at bahagya nitong iminulat ang mga mata. Pinilit nitong ngumiti kahit alam niyang inaantok na ito.
“Aakyat na ba tayo?” Gayak itong tatayo pero maagap siya.
“Don't get up, Sweetheart. Bubuhatin na lamang kita.”
“But I'm too heavy.” Nasa mga bisig na ito ni Matt.
“No, Honey, you're just right.” Napansin niyang simula nang magbuntis si Allie ay noon lamang ito naging antukin. Ayon sa mga librong nababasa niya ay natural lamang iyon sa nagdadalang-tao.
Naalala niya ang mga pagkakataong ibinubulong ni Allie ang pagmamahal nito sa kanya at tinugon iyon, “I love you, too, Sweetheart,” he whispered in her lavender-scented hair. Hindi marahil naririnig nito ang sinabi niya.
So alam mo pala iyon, saloob ni Allie. Bahagyang humigpit ang mga bisig niyang nakayapos sa leeg nito.
KInabahan si Matt nang sa pagmulat niya ay wala sa kanyang tabi ang asawa. Kabisado niya ang oras na bumabangon ito. Plano niya sanang unahan ito paggising at pagsasabi ng I love you pero siya ang nasorpresa.
Napansin niya kaagad ang puting ilaw na nanggagaling sa banyo ng kanilang silid. Bumangon siya at tinungo iyon. Nakatingin sa kanya ang repleksyon nito sa salamin. Maluha-luha ito.
“Hindi ba't sa patatlong buwan nakakaramdam ng ganya ang mga buntis? This is your sixth month…” Hinagod niya ang likod nito.
“I'm fine, Matt. Nasabi sa akin ni Reina na baka late ko itong maranasan.” Si Reina ang OB-Gyne niya. Ganap na itong doktor ngayon.
“Pero bakit parang hinang-hina ka? Sigurado ka bang okay ka lang?” Mataman siyang tinitigan ni Matt.
“Oo naman, 'wag kang mag-alala. Ayokong nag-aalala ka ng ganyan. It must be something na kinain ko sa dinner natin kagabi.”
“And to think na anniversary dinner natin iyon,” tila di ma-appease na sagot ng asawa. Iniabot nito sa kanya ang tuwalya. “O, saan ka pupunta?” Mabilis nitong nahagip ang kamay niya bago pa siya nakalabas ng pinto.
“Eh, di maghahanda po ng almusal n'yo,” sagot niya.
“Kaya na iyon ni Mari,” tukoy nito sa kasama nila sa bahay. “Puwede bang pagbigyan mo ako at magpahinga ka na lang dito?”
“Kung ayaw mong ihanda ko ang almusal mo, sasabayan na lang kita. Bababa na ako habang naliligo ka para masabihan ko na si Mari.” Kumalas siya sa pagkakayakap nito. Matt was sure he didn't like it.
“May nakalimutan ka yata, Sweetheart?”
“Hm?” Tumaas ang kilay ni Allie. “I've prepared your suit. Nasa tamang lugar.” Nginitian niya si Matt, proud of herself.
“You are supposed to say 'I love you',” anang asawa. “Hindi ba't iyon ang lagi mong ginagawa.
Nilapitan muli ni Allie si Matt at marahang hinalikan ito sa labi. “Baka 'ka ko nagsasawa ka na dahil sinagot mo na ako kagabi. Anyway, I do love you.”
Nakahinga nang maluwag si Matt nang makitang kampanteng nakaupo si Reina sa isang mesa sa cafeteria ng unibersidad.
“Ang akala ko ay may klase ka?” tanong nito.
“Dinismiss ko nang maaga ang mga estudyante ko nang matanggap ko ang tawag mo.” Ngayon lamang nangyari na sinadya siya ni Reina sa unibersidad. Madali naman siyang makakausap nito sa bahay kung kinakailangan. “I gather this is not a social visit kaya nagmadali ako.”
“Tama ka. Pasensya na kung napag-alala kita pero wala naman itong kinalaman sa kondisyon ni Allie. Alam kong hindi mo siya pinababayaan,” anito sa mahinang tinig. “Pero may kinalaman pa rin ito sa kanya.”
“Ano'ng ibig mong sabihin?”
May inilabas itong mga litrato buhat sa dalagang bag. Ipinatong nito iyon sa mesa at iniharap sa kanya.
“Damn!” Matt muttered.
Noon lang nakita ni Reina na matalim ang mga mata ni Matt.
“Kahit ako ay nabigla nang makita ko ang mga ito,” ani Reina. Kinuha niyang muli ang mga larawan. Wala yatang balak si Matt na hawakan man lamang ang mga iyon. Mahusay ang kumuha ng mga litrato. Tila genuine ang ngiti roon ni Matt at napakaganda ng katugong expression ng katabi nitong babae—si Tanya. Alam niya na bihira ang ganoong ngiti kay Matt lalo na at wala sa paligid si Allie.
“Were you blackmailed into going with her?” Tiningnan siya nang derecho ni Matt. Hindi nga pala ito ang tipong nagpapa-blackmail, maliban na lang siguro kung si Allie ang gagawa niyon.
“Pasensya ka na, Matt. A week or two from now, manganganak na si Allie. Ayaw ko sanang panghimasukan ang bagay na ito pero… mahal ko ang kaibigan ko,” aniya. “Sa tingin ko'y makabubuting malaman mo na hindi iyan ang unang pagkakataon na… Anyway, tama ako. Inilihim ni Allie sa iyo. Naniniwala naman ako na mahal na mahal mo si Allie pero…” Hindi maituloy ni Reina ang sasabihin.
“Noong unang magpunta si Tanya sa bahay, hindi totoong binisita lamang niya si Allie, hindi ba?” kutob nito.
“Ah… iyon ba? Sinabi niya na… siya dapat ang nasa kalagayan ni Allie, na siya ang dapat na…” Nahuhulaan marahil ni Matt na naghahanap siya ng salitang ipapalit sa sinabi ng babae. Minsan ay pinagsisisihan niya kung bakit naroon siya nang dumalaw ang dati nitong nobya.
“Sana sinabi mo agad,” maigting nitong tugon.
“Sorry.”
“Hindi mo rin kailangang humingi ng paumanhin,” ani Matt. Dapat nga ay pasalamatan pa niya ang dalaga.
“Hindi ko alam kung hanggang saan ang puwedeng gawin ng dati mong nobya.” There was a bite in her words.
Ibinaba ni Matt ang baso ng juice na iinumin sana. “Gusto mo ba talagang malaman kung bakit kasama ko si Tanya nang gabing iyon?” Bahagyang tumango ang babae. Mas bagay yata dito ang kastigador kaysa doctor, naisip ni Matt. “Taliwas sa iniisip mo, hindi kami magkasamang nagpunta doon. Matagal nang hinihiling ni Tanya na magkausap kami at ipinalagay kong pinakamabuti ang pagkakataong iyon. I believed I owe her that much pero ngayon ay hindi na ako sigurado.”
“Mabuti at hindi mo kasama si Allie?”
“Kilala mo siya, hindi siya komportable sa mataong lugar. Kasama ko noon si Dr. Escaflor, presidente ng R. Reales Memorial Foundation, if you still remember him. It's a medical affair, alam mong nurse si Tanya. Sa palagay mo ba'y kaya kong pagtaksilan ang kaibigan mo? Isa pa, inaasahan ko ang pagdalo mo sa okasyong iyon.”
“Nakukuha ko ang punto mo, Matt. Hindi ka gagawa ng kahit anong makakasakit kay Allie at lalong hindi mo gagawin kung siguradong makakarating sa kanya.”
Tiningnan ni Reina si Matt. Naiiling na nakangiti ito sa kanya bagaman alam niyang bahagi ng isip nito ay na kay Allie. Naalala niya tuloy noong una siya ng dumating sa villa. Malapit nang mag-summer noon. Ngayon ay matatapos na ang tag-araw. Hindi siya nagtataka kung bakit dati niya itong hinangaan.
“Aalis na ako,” paalam ni Reina.
“Ingat, salamat sa abala.”
BINABASA MO ANG
Ikaw Lang
RomanceMinsan, kailangan mong maranasan ang malungkot para ma-appreciate mo iyong mga oras na masaya ka.